Chapter 37

38 2 0
                                    

Chapter 37

"Ano 'yung sinasabi ng Lolo mo?" tanong ko kay Draven nung naglalakad na kami sa pasilyo sa gilid ng pool nila. Kita ko na mula rito ang mga lamesa na nakaayos sa malawak nilang garden.

Hinapit niya ako sa bewang papalapit sa kaniya. "Hmm? Wala lang 'yon, huwag mo siyang pansinin."

Umiwas ito ng tingin ngunit nanatili ang aking mga mata sa kaniya. Nacu-curious lang ako lalo kung paano nasabi ng lolo niya na he's a good matchmaker. Does that mean we're one of the people he matchmade?

Nginunguso ni Draven ang mga taong imbitado sa kanilang reunion habang pababa na kami ng hagdan, halatang binabaling sa iba ang atensyon ko. 

Nilingon ko ang direksyon ng kanilang garden at nalula sa dami na agad ng tao. Everyone here is his relative! At hindi pa ito kumpleto dahil may iba pa raw na hindi makakadalo tulad ng mga magulang niya at ilang tiya.

His family is huge!

"Pinagpapawisan na ang kamay mo, baby," bulong ni Draven. 

Napabitaw tuloy ako dahil sa kahihiyan. 'Di naman ako pasmado pero dahil siguro sa kaba kaya nagkaganito.

Mahina itong natatawa bago lumipat sa kaliwa ko at muling humawak sa 'king kamay. "Don't be so nervous, Giana baby..."

"Can't help it..." anang ko.

Napansin ko ang isang lamesa na madaraanan namin. Puro matatanda ang nag-uusap-usap doon. Ang ilan sa kanila ay nagagawi ang tingin sa amin kaya tipid akong ngumingiti.

"Giana!" Natutuwang bati ni Lola France pagkakita sa akin. Isa siya sa mga tao na nasa lamesang iyon.

She stands up and waves her hands dahilan para lumiko ang mga paa namin ni Draven palapit sa kaniya. Nagkatinginan pa kami ng katabi ko.

Agad syang lumapit at sinalubong ako. Humiwalay ako kay Whatever. "Darling, Giana, thank you so much!" anang matanda habang binebeso ako. "You came!"

Ngiting-ngiti si Lola France bago humarap sa mga tao sa lamesa na pinapanood kami. 

"Everyone, I'd like you to meet my new apo, my Giana, Draven's girlfriend," pagpapakilala ng matandang Velasquez sa akin nang may malapad pang ngiti.

Everyone in the table smiles at me. Agad na may nag-abot ng kamay upang makipagkamayan na siyang tinanggap ko.

"Binata na talaga si Draven," anang ng babaeng unang nakikipagkamay sa akin. She smiles at me. "Hello, Giana. I am his Auntie Caroline. Nice meeting you," anito at doon ko napagtanto na mga anak sila ni Lola France!

"Hi, Giana. Are you from here ba? Maravilloso?" tanong pa ng isang tyahin ni Draven.

"Opo..." marahan kong sagot habang tinatanggap pa ang ibang kamay.

One of Draven's uncle shakes my hand with a tight grip. Ito iyong mukhang matanda na at sa tingin ko'y pinaka kuya nila dahil mas kita na ang kanyang mga uban.

"Welcome to our home, Giana," he says in a deep voice. Nakangiti ngunit tipid lamang. "What's your last name again?" pahabol pa nito.

"Uh..." Medyo natanga ako. Nararamdaman ko si Draven sa aking likod. "Lapid po," I answer.

Pansamantalang nangunot ang noo ng tiyuhin ni Draven ngunit agad din naman iyong nawala. Ngumingisi ito bago binalingan si Whatever na nasa likuran ko.

"Lapid?" someone whispers. Napadiretsyo ako ng tayo at nakita ang mga mata nilang nagtataka.

"I know someone with the same surname. Hija, are you perhaps related to Sebastian Lapid?"

Hinapit ni Draven ang bewang ko dahilan para medyo mapalayo ako sa lamesang iyon. I have no time to look at him because everybody in this table are gazing at me! 

Eleven Steps to YouWhere stories live. Discover now