Chapter 22

70 4 0
                                    

Chapter 22

"One, two, three! Ikot!"

Pinagmamasdan ko ang mga kaklase ko mula rito sa al fresco na sumusunod sa kaklase naming nagbabantay sa kanila habang nagpapahinga ako mula sa pagtuturo. Ngayong araw ay sa outdoor court kami nagpa-practice para matantsa ang luwag ng pagpe-perform-an nila. 

Magkakaroon naman kami ng general practice after ng sembreak pero bilang choreographer, kailangan alam ko na ito habang maaga pa.

"Giana," tawag sa akin ng kaklase kong lalaki na papalapit na pala sa pwesto ko. "Uhm... may concern lang kami ni Miks sa intro," anito na nagpadiretsyo sa akin mula sa pagkakaupo. 

Tumatango na lang akong nakangiti habang pinaghihila niya ang sarili ng upuan sa tabi ko. Masyado na pala akong okupado sa mga iniisip.

Saglit naming pinag-usapan ang concern daw nito at pinaliwanag ko naman ang tamang timing habang pinapatugtog niya mula sa kanyang cellphone ang music na gagamitin namin.

"Ah, gets na. Medyo nalilito pa kasi sila sa pagpasok kaya gusto ko nang linisin," anang kaklase ko na tinatanguan ko na lang. 

Napapapadpad na naman ang atensyon ko sa mga kaklase namin. Nakakaubos talaga ng pasensya ang choreography lalo pa kapag ang kinakailangan mong turuan ay magugulo at hindi agad maka-pick up ng steps. 

"Nga pala..." nililingon ko ulit si CJ na kaklase ko. Akala ko aalis na ito pagkatapos akong kausapin kaso nag-iinat pa pala siya sa kanyang kinauupuan. He nervously chuckles as I look at him. Para bang nag-aalangan sa susunod na sasabihin. "Pinapakamusta ka ni Coach Jay. Kailan daw tayo babalik sa grupo?"

Itinutukod ko ang aking kamay sa upuan at umaambang tatayo. I smile.

"Malabo ako. That's years ago. Ikaw, bakit 'di ka bumalik?"

Bigla ko na lang inaalala ang mga memoryang hindi ko na madalas mabalikan. I was once a part of a dance group. Elementary pa ako no'n. Nag-quit lang pagtungtong ng high school dahil mas pinili kong mag-aral. Si Kuya GL talaga ang naunang maging dancer sa amin, kaya lang ako nakapasok sa grupo na 'yon ay dahil kapatid ko sya, at kahit papaano ay nakapag-workshop ako dahil naaliw si Mama sa talento nya kaya dapat ako rin. 

He quit the group so he could focus on his pre-med. Sabay kaming umalis.

Ang kaklase ko ring ito ay parte ng grupo na 'yon. I heard he left a few months after I did. Ito rin ang madalas naming pag-usapan dahil tiyuhin niya ang mentor namin.

"Ayoko na, e. Ikaw ang magaling sa atin. Kita mo nga, even without consistent practice you still got the moves and creativeness sa steps. Saka paborito niya kayong magkapatid. Dapat bumalik ka."

Natatawa na lang ako sa kanya saka umiiling. Sabay kaming bumabalik sa mga kaklase at mga pinagkakatiwalaan kong dancer na mukhang nagkakagulo na dahil nagkakalituhan sa steps.

"Santos, idiretsyo mo ang kamay mo," pananaway ko sa isang kaklase na nasa bandang likuran. 

Kanina ko pa napapansin na 'di siya nagseseryoso at puro tawa lang.

"Sorry, Ma'am!" he playfully says.

"Idiretsyo mo raw, pare! Reach the stars!" pag-uulit ng katabi ko na si CJ. Naaagaw niya lang ang atensyon ko dahil sa pagtataas din niya ng kamay.

"Bibo ka masyado, CJ! Ayan na, oh!" panunuya ng sinaway ko sabay straight ng mga kamay sa ere. "Palibhasa nagpapalakas ka kay Giana, e," dagdag pa nito.

Nagtatawanan na bigla ang mga kaklase ko. Inililibot ko ang paningin sa kanila at nananatiling seryoso. Hindi ko nakukuha kung bakit sila nagtatawanan kaya inaabala ko ang sarili na punahin ang hindi nakadiretsyong mga kamay.

Eleven Steps to YouWhere stories live. Discover now