Chapter 16

78 4 0
                                    

Chapter 16

From: Unknown number

Kami po ang iSurvey Philippines. Pasensya na po sa istorbo. Ano pong fave flower niyo?

Reply:

Ah okay po. Maganda po yung chrysanthemums.

From: iSurvey

Ang hirap naman daw hanapin niyan

Reply:

Edi gerbera daisies nalang po. 2nd sa fave ko.

From: iSurvey

Hirap pa rin daw hanapin e???

"Ano'ng ginagawa mo?" Tiningala ko ang nagtitinda na inaabot na pala sa akin ang sukli sa binili ko nung nagtanong si Anika. "Busy, ah?"

Nililingon ko ang kasama sabay tanong ng, "Girl, may nagte-text ba sa'yo na survey daw?"

"Wala naman, bakit?" Ipinapakita ko sa kanya ang number na nagte-text sa akin at pinabasa nang kaunti.  She suddenly gasps. "Ay, girl! Huwag kang nag-re-reply sa mga ganiyan, alam mo ba bali-balita na tina-track daw nila 'yung location mo something like that tapos ki-kidnap-in ka! Kukunin lamang loob mo! So gross!"

Umuuwang ang aking bibig at mabilis na nilagay sa bulsa ang cellphone ko. Tinatakot naman ako ng babaeng 'to, e!

"Totoo ba?!"

She nods exaggeratedly with a frightened expression. "Oo raw, may kakilala yung Mommy ko na na-kidnap for ransom! Nakakatakot!"

Kinikilabutan ako sa isipin na baka nga tracker slash kidnapper ang nagte-text na ito. 

"Hi, Ate Anika. Eto po kasing friend ko may crush sa inyo, pwede pong magpa-picture?"

Hindi rin nagtagal ang takot na nararamdaman ko dahil sa isang lalaking schoolmate na taga-lower level na bigla-biglang humaharang sa aming dinaraanan. Nagtaka ako sa sinabi nito. Bakit hindi na lang sila ang mag-picture, bakit kailangang mang-utos pa?

Sasagutin ko sana ito pero biglang nagsalita ang aking kaibigan.

"Sure!"

Kunot-noo kong pinagmamasdan si Anika na tumabi roon sa babaeng may maikling buhok. Doon ko lang din na-realize ang ibig sabihin nung lalaki kanina.

Isang kalabit sa braso ang naramdaman ko, nung nililingon ko kung sino iyon ay si Draven pala kasama sina Kyle at Joseph.

"Kumain ka na?" he asks in a low voice.

Kumakaway si Kyle samantalang si Joseph naman ay lagpas ang tingin sa akin.

"Kakain pa lang," sagot ko sabay nginunguso ang hawak-hawak na tray na naglalaman ng pagkain namin ni Anika.

Hindi ko maiwasang sipatin si Draven habang nasa harap ko siya. Himala at nakaayos ulit ang buhok nito ngayon, sinipag sigurong maglagay ng gel kaya naman ang may kahabaang buhok ay hindi na natatakpan ang kanyang mukha.

Pinagmasdan ko rin ang kanyang uniform mula ulo hanggang paa. Malinis na malinis at parang hindi nagagalaw.

"Bagay sa'yo ang vest natin," saad ko.

Sayang nga at tuwing Friday lamang kami nakasuot ng vest, mas disente siyang tignan kapag suot ito at hindi mukhang galing sa sabungan.

"Lahat naman bagay sa akin," pagyayabang nito dahilan para maglaho ang dapat na igagawad kong ngiti.

Eleven Steps to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon