Chapter 21

65 4 0
                                    

Chapter 21

"Itaas mo ang kamay mo nang diretsyo! Kailangan makita 'yan ng mga audience, hindi pwedeng hanggang dibdib mo lang! Diretsyo!" pagbubulyaw ng kaklase kong stress na stress sa pagtuturo, Lunes ng tanghali.

Mahina kaming natatawa na magkakaklase sa ginagawa niya. Ako ngang nagcho-choreo ay hindi naman sinisigawan ang mga magugulong kaklase.

"Umayos na lang kayo at gayahin ako," mahinahon kong anang at ipinapakita ang susunod na step. "Two eights 'yan, maghihintay kayo na matapos sa paggalaw 'yung mga nasa harapan bago niyo gawin ito..."

Nilaan ang araw na ito para sa pagtuturo ng sayaw sa aming mga kaklase, in other words, wala kaming gagawin sa maghapon kundi ang magsayaw.

Pinatugtog namin mula sa simula ang music na napili at dahil mabagal lang iyon, inobliga ko sila na kailangan lagyan ng emosyon ang bawat movements.

"Water break!" biglang sinisigaw ng President ng klase namin.

Hindi ako makapaniwalang bumaling sa kanyang pwesto habang nakabuka pa ang aking braso. Hindi pa nga nagbebente minutos mula noong huling water break niya!

Pero dahil ito ang masusunod, lumapit na lang ako sa pwesto namin para ipahinga ang binti ko. Masyado na yata akong nae-exercise. I had barely let my feet rest last weekend. Ang dami naming ginawa sa resto at naitoka pa ako na maglinis sa kitchen kahapon. Ang daming kailangan linisin dahil iyon talaga dapat ang spotless sapagkat doon hinahanda ang mga pagkain. 

Tinapos ko rin kasi talaga hanggang pagsasara ang trabaho dahil nagpaalam ako na hindi makakapasok ngayong linggo dahil sa birthday ni Anika.

Mabuti na lang mabait ang boss ko kaya pumayag siya sa pag-absent ko. Iyong isang boss ko naman na nagngangalang Whatever ay sinusundo pa rin ako. Nung inaakala kong pagsundo niya lamang sa unang linggo ng trabaho ko ay nae-extend hanggang ngayon. Sa umaga lang ako hindi nagpapahatid sa kanya, pero kapag gabi na ay okay na rin sa akin. Natatakot din naman talaga ako na mag-isa.

"Ugh! Gusto ko na mag-weekend! Sana Friday na bukas!" ani Celene na nakasalampak sa sahig at kumakain ng biscuit.

"Excited ka lang sa party ni Anika, eh."

Sunod-sunod itong tumango at itinaas ang kanyang hinlalaki. "Tama ka, girl! Gusto ko na mag-swimming at magkaroon ng dalawang gabing kalayaan!"

Ako rin naman. Naiplano ko na nga ang mga susuotin ko sa sobrang excitement. Mauuna kasi kaming mag-stay doon bago pa man ang mismong birthday party ni Anika sa Sabado. Sino ba namang magkakaibigan ang hindi nangarap na magkaroon ng staycation, kaya halos mabaliw kami sa pagpaplano!

Natanong ko na rin si Draven tungkol sa party ng kaibigan ko at mukhang pupunta naman silang magtotropa. Of course, the señorito must be there. 

Natapos lamang ang aming practice nung sumapit na ang oras para sa uwian. Abala ako sa pag-aayos ng sarili dahil nag-text sa akin si Whatever na may pupuntahan kami. I am about to grab my face powder nung mag-register ang pangalan ni Troy sa cellphone ko.

"Hello?" pagsagot ko sa tawag nito.

"Hello, Nicolasia?" Troy greets me in an unusual tone. Dinalaw agad ako ng kaba.

"Bakit, Troy? Miss mo na ako?" sinubukan kong takpan ang kaba sa pagbibiro.

"Nicolasia..." he trails off while sobbing. Napatayo ako nang wala sa oras nung nagsalita pa sya.

Hindi ko na nagawa pang magpaalam nang maayos sa mga kaibigan ko. Oras na narinig ko ang pagtunog ng bell ay agad akong tumakbo paalis ng school at pumara ng jeep papuntang Santa Miranda.

Eleven Steps to YouWhere stories live. Discover now