Chapter 23

61 4 0
                                    

Chapter 23

"Yes, Manong. Kumpleto naman po sila?"

"Hindi ako gagawa ng kalokohan. Napag-usapan na natin 'to!"

Bungad kaagad ng umaga namin ni Yna sina Anika at Celene na kapwa may kausap sa kanya-kanya nilang cellphone. Nililingon ko ang kaibigan na kasabay kong kumain at pinakiusap ang longganisa na malapit sa kanya.

"Ang kulit!"

Abala ako sa pananahimik at pagsubo ng pagkain nung tabihan na ako ni Celene na lukot ang mukha.

"Ang kuya mo ba 'yan o ang diko mo?" I ask habang inaabutan na siya ng pinggan.

"Si Kuya, syempre. Ang OA. Akala ba nila hindi ko kaya ang sarili ko? Hindi na ako baby. Tingin pa rin yata niya sa akin ay 'yung buhat niyang bata noon," pagrereklamo nito habang pinagsasandukan ang sarili.

"Bunso ka nila, e. Mahihirapan talaga silang pakawalan ka," anang Yna.

Habang nag-uusap sila ay napapadpad ang atensyon ko sa ngayo'y nakabukas na pinto papunta sa maliit na patio. Mas kita na ang magandang tanawin ngayon kumpara kagabi na puro ilaw lang ang nakamamangha.

I look at my phone to check the time. Alas nuebe ng umaga pa lang pero gising na kami. Ang totoo niyan ay mga puyat kami dahil sa pagsalubong sa birthday ni Anika at sa panonood na rin ng movies. Pinilit lang namin bumangon dahil balak naming umikot sa labas.

Miminsan lang kami mapapadpad dito, sasayangin ko pa ba sa pagtulog?

"Malapit na rin daw 'yung mga kaklase ko. Nag-stop over lang," Anika says. Siya naman ngayon ang nauupo sa tabi ni Yna at kakain na. Kakatapos lang din nitong tumawag sa bus driver na kasama ng mga kaklase niya.

Celene laughs mockingly. "Taray, naging field trip," she comments as she bites her food.

Ngumingisi naman si Anika na halos ibuhos na sa pinggan niya ang fried rice.

"Ang aga nga nila pumunta. Malamang gising na sila kanina pa habang nagsasalita ka nang tulog," Anika teases Celene.

"Huy, hindi ako nagse-sleep talk!"

Anika makes a face. "Girl, mas malala ka pa kay Gi kanina! Bulong ka nang bulong ng 'I love you'! 'Di ba, Yna?!" Nililingon nilang parehas si Yna na sumisipsip ng kanyang kape at nakatukod ang kanang siko sa lamesa.

"Oo, girl. Sino ba napapanaginipan mo, ah?"

Nagsipag-angatan ang gilid ng aming mga labi habang nakatitig kay Celene na inaakyatan na ng dugo sa mukha.

"Yie!" sabay-sabay naming tatlo na paggawa ng ingay.

Agad na nag-transition ang namumulang mukha ni Celene sa iritasyon.

She winces. "Si Heath Ledger ang laman ng panaginip ko! Si Patrick kagabi sa Ten Things. Ang OA niyo."

She even rolls her eyes at us sabay yuko para sunod-sunod na sumubo ng pagkain. Nagtawanan na lang kami at nagkwentuhan pa sa maliit na hapag-kainan sa 'ming kwarto.

"Picture-an mo ako rito!"

Tumayo ako nang diretsyo mula sa pagkakayuko at pag-abot sa magagandang bulaklak. Kabababa lang ng tawag namin ni Mama na kinakamusta ako. Sinabi ko naman sa kanya na lumabas kami ng kwarto para maglibot-libot.

"Ayan! Dito, isa pa! Giana, tara nga!"

Anika and Yna pose for the camera that Anika's holding. Umiiling lang ako bilang pagtanggi nung ayain nila ako. Kung saan-saan na sila nagpi-picture at nakakahiya na nga sa ibang guests na naglalaro at namamasyal din na naririnig ang tawanan namin. Kanina nga'y kasama pa ako sa picture taking pero mas nagkainteres ako sa botanical garden ng resort.

Eleven Steps to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon