Chapter 30

53 4 4
                                    

Chapter 30

"Walang papalit sa kaniya kung hindi ikaw lang."

Iling lang ako nang iling habang sapo-sapo ang aking mukha.

"Giana... sige na... kung wala 'yung center natin, hindi tayo makakapag-perform nang maayos. Sino na lang ang papalit na itataas sa ere? Ikaw lang!"

Hindi talaga pwede, eh. Paano?

Paanong nangyari na totoo 'yung panaginip ko? Ni hindi ko nga maalala na ginawa ko 'yon! I kissed Draven! Hindi lang iyon basta produkto ng mapaglarong isipan ko kung hindi isa palang memorya!

"Pasensiya na... ano ulit sinasabi mo?" pagkausap ko sa kaklase na hindi ko binibigyan kanina ng atensyon.

Kinakausap pala nila ako para palitan na lang iyong member namin na napilay. Mukhang namamaga na kasi ang paa niya at lalala pa kung ipipilit namin. I'm supposed to be just a choreographer, ngayon tuloy ay kailangan ko na rin silang samahan pati sa pagsayaw.

I sigh as I say yes to them. Wala talaga akong choice.

Tulad ng wala akong choice kundi tanggapin na ang dami kong kagagahan na ginawa nung gabi na iyon!

To: Whatever

NASAAN KA? HUWAG KA NA PUMUNTA

Hindi ko na napigilan ang sarili na i-text si Draven. I know he's going here dahil binigay ko ang address nitong bahay sa kanya. He says he wants to go here dahil wala siyang magawa sa bahay nila, kaya um-oo naman ako. Pero ngayong may nalaman ako e kailangan ko siyang pigilan!

Naupo ako malapit sa may gate ng malaking bahay na pinagpa-practice-an namin at ipinatong ko ang aking ulo sa magkadikit kong tuhod. Tumakas lang ako sa mga kaklase ko dahil gusto kong mapag-isa.

"Giana..." boses iyon ng kaklase kong si CJ. Tiningala ko siya at pilit na nginitian kahit pa mukha akong problemado. "Ayos ka lang?"

"Oo. Nagpahangin lang saglit."

Natahimik siya kaya akala ko wala na itong kailangan at lulubayan na ako.

"Uhm... nauuhaw ka ba?" he asks.

I am not thirsty pero gusto kong mapag-isa, pwede kayang sabihin 'yon?

"Oks lang. Pakisabi naman sa kanila na ako na ang papalit na center. Tayo na rin pala ang partner," kalmado kong sinasabi bago ibinalik ang tingin ko sa may gate.

"S-Sige. Uhhh... kaya mo bang mag-perform?" dagdag nito dahilan para muli ko siyang balingan.

Nahihiya lang naman akong sumayaw lalo na kapag maraming manonood ngunit hindi ibig sabihin no'n na hindi ko kaya.

"Syempre naman," I assure him with a smile.

Ayaw ko naman siyang paalisin kahit gusto ko na talagang umalis siya. Although I'm starting to find it weird that he's always following me and asking questions not related to our dance, I don't want to be disrespectful.

"Sa... ano kasi... kukunan kita ng meryenda... anong gusto mo?" paputol-putol nitong aniya.

"Giana!" pagtawag ng boses ni Whatever sa akin. Isang lingon ko pa lang ay nakasalubong ko na ang mga mata nito. Sakay pa siya ng motor niya at nakataas lamang ang visor ng helmet.

Aba, nandito na agad 'to?!

Dali-dali akong tumayo para buksan ang gate at makalapit sa kanya. Akala ko ay sa akin pa rin siya nakatingin ngunit nung makalapit ako ay napagtanto kong lagpas iyon sa akin, naiwan sa bandang likod kung nasaan si CJ.

Eleven Steps to YouWhere stories live. Discover now