Chapter 39

37 2 0
                                    

Chapter 39

Nakaramdam ako ng pananakit ng ulo habang pinapakinggan si Troy na kausapin si Draven. It seems like they know each other already. Mukhang nagkakilala sila nung mga bata pa. Ang pinagtataka ko lang, bakit ini-include ako ni Troy sa usapan? Like we three are supposed to be childhood friends!

"Tagal mo na pala nakauwi. Tanda ko pa no'n huli tayong naglaro sa garden, e. Umuulan pero ayaw niyo papigil ni Giana magtatatakbo. Nagkasakit nga ako no'n!"

I gulp when Troy mentions me again. Katabi ko si Draven at siya naman ay nasa harapan namin. Ni hindi ko malingunan ang katabi ko dahil sa mga iniisip. 

I don't remember any of those memories he's talking about. Wala akong maalala na nagkalaro kami ni Draven nung mga bata pa o na nakasama namin siya. I don't even remember how I met Troy! Basta alam ko, pagmulat ko, kaibigan ko na siya. Matagal na panahon na kaming magkasangga.

Draven softly nudges me to continue eating. Tumango na lang ako habang sapo ang aking sentido. I feel dizzy. Hindi rin nakakatulong na ang daldal ni Troy pero hindi ko naman siya masaway. 

Tinitiis ko ang pagkahilo hanggang sa nararamdaman kong lumalala ito. I have to excuse myself and go to the bathroom.

Pagka-lock ko sa pinto ay dumiretsyo ako sa sink. Nung una ay balak ko lamang maghilamos ngunit nakaramdam ako ng pag-ikot ng tiyan. Naduwal ako. 

"Baby, are you okay?" salubong ni Draven sa akin pagkabukas ko ng pinto ng banyo. I nod and cough a bit. My throat's dry from all that vomiting.

Inalalayan niya ang bewang ko kaya ginamit ko ang pagkakataon na ito upang isandal sa kanya ang aking bigat.

"Nahihilo ka?" I nod again at his question. "Ihahatid na kita pauwi," he announces.

Siya na rin ang nagpaalam kay Troy na nag-aalala pa sa nangyayari sa akin. I told him that I'll text as soon as I feel okay. 

Hinatid nga ako ni Draven ngunit hindi na ako nagpababa pa hanggang sa mismong bahay namin. I know he's worried but I'm familiar with myself and I just need to lay down for this headache to go away. Dala na rin marahil ito ng marami kong ginagawa sa eskwelahan.

Paggising ko mula sa pagtulog ay saka ko lang inalala ang mga nangyari sa pagtatagpo nina Draven at Troy kanina. Hindi ko matanong si Troy sa mga bumabagabag sa isip ko dahil alam kong mas lalo lang ako malilito sa kanya. 

He's not really good at explaining...

Hinihilot ko ang aking ulo habang nakaupo sa kama ko. Troy mentions that when we were young, we used to play with Draven. Parang bago pa man daw siya tumira sa ibang bansa ay nagtagpo na kami. 

Pinipilit ko siyang alalahanin sa utak ko ngunit blangko ang lahat.

I remember meeting Draven back in first-year high school. He was my classmate then. But prior to that, I have no memories of him. I do not know him. I don't remember knowing his name. Maaaring magkaibigan nga ang mga magulang namin--her mom is friends with my mom, and his dad is my mama's ex boyfriend, pero ni minsan ay hindi naman siya nabanggit. Wala ako naaalalang Draven o kung ano mang pangalan na gamit niya na naipakilala sa akin.

That is why I feel so disconcerted. Para bang may dapat akong maalala ngunit nawala na sa isipan ko. 

I also feel annoyed because Draven's reaction to Troy earlier shows he knows what he is talking about. It seems to me like he remembers all those memories Troy mentioned. 

Ano, kilala na pala niya ako noon pa man? O ngayon lang din ba niya na-realize ang lahat?

Kahit nagtataka ay nagtipa ako ng mensahe para kay Draven, informing him that I already feel normal. Wala pang isang minuto ay nakapag-reply na ito.

Eleven Steps to YouWhere stories live. Discover now