Chapter 12

87 4 0
                                    

Chapter 12

"Hindi lang kasi ako makapaniwala, ano ba'ng pakiramdam na maging mayaman?"

"Bakit mo tinatanong? At bakit ba gulat na gulat kang Velasquez ako? Hindi ba halata?"

Nanliliit ang mga mata ko nung parang mino-model niya ang kanyang mukha. Kulang na lang ay tampalin ko siya para tumigil sa ginagawang kahibangan.

I grimace. "E, akala ko kasi hindi ka connected sa angkan nila. Hello? Hindi ka naman mukhang mayaman!"

Umiismid ito habang ako naman ay nagbubukas na ng panibagong balot ng kanin kahit hindi naman ako sigurado kung para sa akin ba ito.

"E 'di mukha pala akong mahirap?" 

I smirk faintly. 'Yung totoo? Hindi naman talaga. Halata naman sa kanya na para siyang lumaki sa karangyaan. The way he moves and even his face screams opulence.

"Kaya mo ba ako iniwan kahapon dahil sa nalaman mo?"

Oo nga. Iniwan ko siya roon sa kalsada.

Napapakamot tuloy ako sa ulo ko. "Nagulat nga 'ko. Hello? Famous ka kaya? Or kung hindi man ikaw, 'yung lola mo. Kahit saan magtanong dito, kilala siya!" huminga pa muna ako nang malalim bago nagpatuloy. 

"Kung susumain, ibang level 'yang pamilya mo. Doon ka, oh!" Tinuro ko ang kisame. "...tapos eto naman ako!" Mahina kong pinapalo ang lamesa.

Sobrang layo!

Ubos na 'yung isang chicken kaya naman binabalatan ko na itong isa. Nang inangat ko ang aking ulo ay nakita ko si Whatever na nakangiti at parang matatawa habang pinapanood ako.

Na-conscious naman ako kaya iniismiran ko siya. "Bakit?"

Umiiling ito. "Ang daldal mo lang ngayon."

Tinititigan ko siya na parang nawe-weird-uhan ako sa kanya. Masama na rin ba ngayon na makipagdaldalan sa kanya?

"Natakot ka ba bigla nung nalaman mo kung sino ang mga kamag-anak ko?" he asks habang nangangalkal ng patatas sa kanyang pinggan.

Sandali akong natahimik at nag-iisip ng tamang isasagot. Aamin ba ako o itatanggi ko? Pero wala na rin namang rason para itago ko pa e.

"Uhm... medyo." I show him my pinching fingers na may kaunting uwang. "Ano ba kasing dapat ang turing sa'yo? Kamahalan?" pang-uuyam ko pa.

"Hindi. Ayoko no'n. Normal na tao lang ako. Gwapo, oo. Pero normal at simple lang," anito sa madiing tono kaya napatigil din ako sa tangkang pagkain.

Napapansin kong gumagalaw ang may kahabaan niyang buhok sa tuwing dadaan ang hangin mula sa aircon. Pilit kong fino-focus ang atensyon sa ibang bagay pero nalo-lock lamang din ang mga mata ko roon.

"Siguro kung alam mo noon pa man kung sino ako, baka mabait ka sa akin?" he snaps.

Guilty akong ngumingiti. Nawala na ang atensyon ko sa buhok niya at bumalik sa mga mata nito.

I shake my head. "Hindi rin. Hindi ako nakikipagkaibigan sa mayabang. Saka lagi mo kaya akong inaasar! Baka mapadalas lang ang pananapak ko sa 'yo!" panghahamak ko saka muling kumakain.

Natatawa siya. Nagpapatuloy lang ako sa pag-nguya at pinipigilan ang sarili na ngumiti.

Hindi ko alam bakit namamangha ako sa buhok nito na may kahabaan. Ang ganda kasi at bagay sa kanya, kaso parang ang sarap din gupitan. I can't even remember the last time I saw him with a short haircut.

Napapansin ko na napapatagal ang paninitig niya sa akin habang kumakain ako. Umiinom ako mula sa baso at nagpapatay-malisya kahit sobrang nakaka-conscious ang titig nito.

Eleven Steps to YouWhere stories live. Discover now