Chapter 14

83 5 12
                                    

Chapter 14

Sinasampal-sampal ko ang aking sarili habang sakay ng elevator. Isang oras pa bago tumunog ang bell pero nandito na kaagad ako sa school at binabaybay ang aming hallway. Hindi ako nagising nang maaga, sadyang hindi lang talaga ako makatulog sa dami ng iniisip ko.

Ramdam ko talaga na mali ang pagtanggap ko sa inaalok ni Draven kahit na na-meet naman niya ang lahat ng terms ko. Natatakot ako na mabuking kami at pag-isipan ako ng mali ng mga taong makakaalam... lalo na ang pagsasabihan niya ng (fake) relasyon namin.

Ang tanging nagpapagaan lang ng loob ko ay ang naging desisyon na huwag tanggapin ang perang ibibigay niya para sa pagpapanggap ko. Hindi ako bayad para manloko.

Idagdag pa pala sa pagkapuyat ko 'yung paulit-ulit na pagtunog ng cellphone ko kagabi!

May nagte-text sa akin na unknown number na kapag tinatanong naman kung sino ay hindi sumasagot. Ayoko na sanang pansinin pa pero na-curious din ako sa katauhan nito.

From: Unknown number

Hi, good eve. Ano ang paborito mong bulaklak? Survey lang.

Reply:

Sino nga po sila? Lagi kang nagte-text sakin pero hindi po kita kilala.

Hangga't hindi siya nagpapakilala ay hindi ako sasagot. Mamaya stalker ko pala 'yun.

Pagkadating sa classroom namin ay nagpahinga pa muna ako nang ilang minuto. Akala ko mauuna na ako ngayong araw but turns out meron na rin palang iilang kaklase na nasa loob. Nagpalipas muna ako nang ilang minuto bago nagpasya na bumaba para kumuha ng libro sa locker room.

Hindi ko na rin napigilan na sumilip sa kabilang classroom just to check kung may tao na rin ba. Wala pa naman.

May mga nakasalubong akong mga kaklase sa elevator na papanik na rin, sinabihan pa nila ako na ang aga ko raw. Nginitian ko sila at nakipagbiruan bago ako dumiretsyo ng locker room. Pagkakuha ko ng iilang mga libro ay muli akong lumabas ng building papunta naman sa playground sa likod ng auditorium.

Gusto ko lang makalanghap ng pang-umagang hangin at baka makatulong iyon para magising ang diwa ko. Paniguradong sasakit ang ulo ko mamaya dahil sa kulang na oras ng pagtulog pero kakayanin ko naman... maliban na lang kung may ipapagawa ang boss ko.

Katulad ng inaasahan, wala ngang tao sa playground kasi wala pa namang mga elementary students. Wala ring tumatambay dito nang gan'tong oras dahil sa mga nakatatakot na kwento.

"Take me to your heart,

Show me where to start

Let me play the part of your first love~"

Hinihimig ko ang kanta na naririnig ko kanina sa loob ng jeep. Naupo ako sa isang swing at binaba ang aking libro sa wooden bench na malapit. Nakaharap ako sa mga metal fence na humihiwalay sa campus namin papunta roon sa kabilang lupa.

Inangat ko ang sarili at nagbilang hanggang tatlo bago ko tinaas ang dalawang paa para dumuyan.

"Got to believe in magic,

Tell me how to people find each other

In a world that's full of strangers~"

I pump my legs harder while sitting on the swing, making myself higher above the ground. Para akong bata na pilit inaabot ang langit.

"You've got to believe in magic

Somethin' stronger than the moon above~"

Lumalakas pa lalo ang pagkanta ko dahil alam kong walang makaririnig sa akin. Baka nga kahit 'yung batang multo na chinichismis dito ay lumayo sa ingay ko.

Eleven Steps to YouOù les histoires vivent. Découvrez maintenant