Chapter 11

90 4 1
                                    

Chapter 11

"Saan ka galing?" salubong na tanong ni Kuya pagkapasok ko ng bahay.

"Diyan lang."

Nararamdaman ko si Archie sa aking binti kaya bumababa ang tingin ko sa kanya.

"Saan 'yung diyan lang, Giana? Kung saan-saan ka siguro nagpupupunta!"

Hindi ko na pinapansin ang kapatid at sa halip ay niyayakap na lamang ang aso ko.

"Giana, nakikinig ka ba? Siguro kasama mo kanina 'yung boyfriend mo? May syota ka na?" paratang ng kuya ko.

Iniirapan ko nga. Nakakairita naman ang isang 'to, puro tanong. Sino naman ang magiging kasintahan ko?

E, ang kasama ko lang naman talaga ay si Draven!

I sigh. Ang Whatever na 'yon na nilayasan ko kanina. Paano ba naman, bigla akong nahiya sa social status ng pamilya nito. Hindi ko naman kasi ine-expect na kabilang siya sa mga Velasquez na bukambibig ng sambayanang Maravilloso.

Akala ko talaga ay nagkataon lang na iisa sila ng apelyido. Pero honestly? Hindi ko rin naman iyon naisip kahit ilang taon ko na siyang kilala. Kung hindi ko pa na-realize kanina ay baka umabot hanggang graduation na wala akong kaide-ideya.

Hindi ko sure kung bobita ba talaga ako o wala lang talaga akong pakialam sa lalaking 'yon.

Velasquez siya. Kahit isa ka pa sa pinaka tahimik na tao rito sa Maravilloso ay imposibleng hindi mo sila kilala. Napakatunog ng pangalan ng pamilyang 'to.

Bakit? Hindi naman sila kabilang sa pulitika, hindi naman sila mga artista, hindi rin sindikato.

Pero pamilya sila ng mga doktor at negosyante. Pagmamay-ari nila ang nag-iisang hospital dito sa Maravilloso, iyon ding sa kabilang bayan, at maraming-marami pa sa kasuluk-sulukan ng Pilipinas.

Kalat din ang mga negosyo nila kahit saan ka man tumingin! At kalahati yata o higit pa ng lupa sa aming bayan ay sa pamilyang iyon. Well, chismis lang 'yung huli. Pero hindi naman malabo na may katotohanan.

Basta ang nasisigurado ko, hindi lamang triple sa kinikita ng pamilya namin taon-taon ang kayamanan nila, kung tutuusin ay barya na lamang 'yon.

"Wala akong boyfriend, Kuya. Baka ikaw?" panunuya ko sa kapatid na papetiks-petiks sa upuan.

"Ano'ng akala mo sa akin? Porket tomboy ka?" At nandidila pa nga ang bata.

Akala siguro niya nasa mood akong makipagbiruan ngayon. Nilalayasan ko na siya at dumidiretsyo na sa 'king kwarto para makapagpahinga.

Una kong ginagawa pag-akyat ng kwarto ay ang pagbubukas ng bintana, sa pagkakataon ding ito ay itinatali ko ang kurtina para hindi tangayin ng hangin. Dumudungaw ako sa bintana ko at napapangiti nung makita kung gaano kabuhay ngayon ang tinanim kong bulaklak sa paso. Nakapatong sila sa planter box ng iron grills kaya hindi nahuhulog. I smile as I look up on the sky. Papalubog na ang araw kaya nagkukulay kahel na ito.

Ang ganda naman.

Ilang minuto akong nakatulala roon. Nagmumuni-muni katulad ng ginagawa ko nitong mga lumipas na araw. Marami pa rin akong iniisip pero mas malakas na ang loob ko ngayon. Kaya kong makahanap ng trabaho at magsisimula ako bukas.

Naagaw ang aking atensyon nang biglang may naririnig na kaluskos mula sa puno ng mangga sa baba. Halos ka-height na ito ng aking bintana. Maaabot ko na nga ang mga dahon nito kung malapit lang sa akin.

Tinititigan ko ito nang maayos. Muli akong nakarinig ng kaluskos na para bang may pumapanik doon.

Gumalaw ang mga dahon nito!

Eleven Steps to YouWhere stories live. Discover now