PROLOGUS

4.4K 220 34
                                    

Dear Rein,

Bro, pangungunahan na kita. Hindi ako sumulat sa'yo para mangumpisal na ginamit ko yung account mo sa ML (Mobile Legends) last week o na nangupit ako doon sa alkansya mong baboy noong isang gabi. Sumulat ako sa'yo dahil may MAS malaki pa akong kasalanan. Baka kasi kapag harap-harapan ko 'tong sinabi sa'yo, masapak mo ako. Err.. sabagay, sigurado naman akong sasapakin mo pa rin ako kapag nalaman mo ang kagaguhang ginawa ko.

Naaalala mo noong sinabi mo sa'kin noong nakaraang linggo na tinanggal ka sa part-time mo doon sa convenience store sa may kanto? Nagpakalasig ka pa nga kahit San Mig lights lang naman yung tinungga mo eh.

Anyway, I cut classes yesterday morning and took a stroll downtown. Gumala muna ako kasi nakakabagot yung prof namin eh. But then, I saw something strange---isang estatwa! Hindi lang 'to basta-bastang estatwa par, dahil kamukhang-kamukha ito ni Mang Rico, yung fishball vendor sa campus! And you know what's even more strange? There's an orange cat staring at me! Para bang kinikilatis ako nung pusa 'tol. Type yata ako. Hahaha!

Dahil nawirduhan ako sa nangyari (medyo lang), nagkulong na lang ako sa kwarto ko at nanood ng anime.

Pero kinagabihan, nagulat na lang ako nang may sumulpot na babae sa dorm! Ang nakakatawa pa, para siyang galing ng costume party kasi may mga ahas pa siya sa ulo. Maganda siya, brad. Kaso parang may mali talaga.. Ang nakakapagtaka pa, nang makita niya ako, agad niya akong inalok ng trabaho. I declined her offer, of course. Then, she got all angry and tried to killed me!

Halos patayin na niya ako sa pagkakasakal niya sa'kin!

"Ang lakas ng loob mong tumanggi sa alok ko, mortal!" Sigaw niya.

Kaya noong nasa bingit na ako ng kamatayan, naalala kita.

So, yeah. I told her that you're perfect for the job. Mas gwapo talaga ako, pero dahil masipag ka naman, nairekomenda kita. Hahaha! The girl asked me if she could "own" you, and I said, "Yeah, sure. Fresh pa naman ang gagong 'yon. NGSB. Magkano ba offer mo? Hahaha!"

Syempre Rein, my friend, may talent fee dapat ako!

Baka kasi gusto kang jowain kaya ibinugaw na kita---Oo, 'tol. Pinagkakitaan kita. Ulit. Nakipag-negosasyon pa sa'kin yung babae at naibinenta kita sa halagang 250 (pasalamat ka nga na mas mataas naman ang presyo mo kaysa sa 150). May kontrata pa kami ni miss ganda para hindi ka makatakas.

But when I asked her name, I was dumbfounded.

"MEDUSA" daw 'tol! Alam mo yung babaeng nasa Greek mythology na may mga ahas sa ulo na kayang gawing bato ang kalalakihan? Akala ko noong una, sabog lang siya. Pero nang kamuntikan na akong tuklawin ng isang isa sa mga ahas sa ulo niya, tuluyan na akong nawalan ng boses.

Nang umalis na si Medusa, doon ko lang na-realize ang kalokohang ginawa ko.

Summary: Rein, pare.. ibinenta kita kay Medusa sa halagang 250 pesos. 'Wag ka sanang magagalit sa'kin. Binugaw lang naman kita sa isang mythological character.

P.S. 'Wag mo 'kong sapakin.

P.P.S. Wala nang bawian ng talent fee ha?

Nagmamalasakit,
Desmond

---

✔Sold to MedusaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon