SEPTEM

960 89 3
                                    

I always thought that white rabbit in the Alice in Wonderland book was stupid. O baka dahil hindi ako 'yong tipong ng tao na 'time conscious' pwera na lang kapag nale-late ako sa klase ko kay Prof Lavista?

The ironic thing is, nararanasan ko na rin ngayong mag-panic dahil late na ako. Heto ang napapala ko sa pamba-bash ng kuneho sa isang children's book. Kinarma tuloy ako.

"Shit! Late na ako! Late na ako!"

Nang makuha ko kanina ang unang pasuweldo sa'kin kanina ni Medusa (yes, I'm just calling her Medusa in my head), agad akong tumakbo sa pinakamalapit na mall at naghanap ng gift shop. Kunot-noo pa kanina 'yong babae sa cashier habang nagmamadali akong bayaran ang binili kong malaking teddy bear. Sa kasamaang palad, wala na akong oras ipabalot pa ito at agad akong sumakay sa isang taxi para makaabot sa debut niya.

Pero dahil sinusundan talaga ako ng kamalasan, kahalating oras pa kaming naipit sa trapik dahil sa ginagawang kalsada.

Sa sobrang inis ko kanina, kamuntikan na akong nag-volunteer na traffic enforcer para lang mapabilis ang daloy ng trapik.

And now, here I am.

An hour late. Wala na nga yata sigurong mas masaklap pa kaysa dito---

"Hijo, nasaan ang invitation mo?"

Natigilan ako. Kailangan ba dala ang invitation?! Agad kong kinapa ang bulsa ng tuxedo ko at hinanap ang invitation na ibinigay sa'kin ni Pamela kanina noong last period namin. Then, I remembered I left it back at my apartment. Kamuntikan ko nang maiuntog ang ulo ko sa pinakamalapit na poste.

'Damn it, Rein! Katangahan mo na naman!'

I can't go back now. Bahala na!

Ngumiti ako nang pilit sa bantay at napakamot ng ulo. "Um.. nilipad kasi kanina 'yong invitation ko. Hehe! Kasama talaga ako sa 18 roses ni Pamela, classmate niya ako! Ako si Rein Aristello!"

"Sikat ka ba?"

"Err.. hindi."

"Matalino ka ba?"

"Medyo?"

"Boto ba sa'yo si Mr. Lavista para sa anak niya?"

Gusto ko sanang sabihing oo, pero ayoko namang magsinungaling. Hindi ko talaga maintindihan kung anong trip ni manong sa mga tanong niya. Walang emosyong umiling ang bantay. Mukha talaga siyang bouncer sa isang club.

"No invitation, no entry. Pasensya na, hijo. Mahigpit na bilin sa'min 'to ni Mr. Lavista para sa seguridad ng kanyang anak."

Napasimangot ako. Kahit kailan talaga, napaka-higpit ni Prof. Lavista! Unfortunately, walang lubid o bato dito sa paligid kaya hindi ko pwedeng gamitin ang trick na ginawa ko noon para makapasok sa classroom namin. Kahit man lang sana lubid para talian ko na lang 'tong bantay at makapuslit ako sa loob, pero wala talaga.

'Ano nang gagawin ko ngayon?'

Naririnig ko na ang musika na nagmumula sa loob ng pavillion. Mukhang nagsisimula na ang sayaw para sa 18 roses!

Huminga ako nang malalim at ipinakita kay kuyang nagbabantay ang dala kong teddy bear na mukhang mas malaki pa kaysa sa kanya.

"Manong, naiintindihan mo naman siguro ang pakiramdam nang may minamahal, 'di ba? The girl I love is celebrating her 18th birthday and I want to impress her in front of everyone. Hindi ko pwedeng palampasin ang pagkakataong ito. Dumiskarte pa nga ako ng pera para makabili nito oh!"

Hinawakan ko pa ang kamay ng dambuhalang teddy bear at kinaway ito sa kanya habang ginagamit ko ang acting skills ko sa pagpapaawa. Langya, desperado na ako!

✔Sold to MedusaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon