EPILOGUS

1.3K 129 28
                                    

A lot can happen in five months.

For example, after what happened in Eastwood, he started studying again. In fact, it was a miracle that his parents let him stay. Sa ngayon, ipinagpapatuloy na niya ang pag-aaral niya ng Criminology sa Eastwood Central University. He was also relieved when his parents stopped comparing him to his older brother.

'Tinanggap na siguro nilang iba ang forte ng isang tamad na henyong kagaya ko,' Markus thought and checked his phone when the notification tone chimed.

A lot miracles happen.

At isa na roon ang nangyari sa kanilang Lady Medusa.

Pero sana naghimala rin ang langit para sana naalala niya ang naka-schedule niyang lakad ngayon...

From: Mukhang pera

BRAD LATE KA NA!!! KANINA PA NANDITO SI MORGANA! 😂 Gising tamad bwahaha

"Shit. Oo nga pala!"

Mabilis na bumangon si Markus mula sa pagkakahiga niya sa kama at agad na sinilip ang orasan. It was Saturday afternoon, at nag-usap nga pala silang magkikita kina Rein ng 4:00 p.m.

It was already 4:30 p.m.

'Lazy at its best.'

"Crap," napabuntong-hininga siya at mabilis na nag-ayos. Bakit ba hindi na niya namalayan ang oras? Psh. After taking a shower faster than the speed of light (that was impossible, of course), Markus grabbed his black "The Script" printed t-shirt, ripped jeans, and his favorite spiked combat boots.

Agad siyang lumabas ng kaniyang kwarto at nakitang maingay na namang nagku-kwentuhan sina Bart sa may sala.

'Paano ba natatagalan ni Rein ang ingay ng mga 'to? Tsk.'

Humikab siya at tamad na nag-abang ng taxi sa gilid ng kalsada.

After Rein moved in with Lady Medusa, Markus rented his space in the dormitory. Maayos naman ang dating silid ni Rein, but a part of him still feels awkward whenever he laid in bed. The bed, a.k.a. the same spot where Rein and Lady Medusa...err, yeah.

Awkward.

Napapailing na lang si Markus. Ilang sandali pa, bumalik na naman 'yong lungkot. Limang buwan na ang nakalipas, pero sariwa pa rin sa mga alaala nila ang nangyari. 'Kung nandito lang sana si Caprissa, she'd probably be laughing at me right now.'

*

The taxi stopped in front of a lavish two-storey house near the cemetery. Hanggang ngayon, hindi pa rin maunawaan ni Markus kung bakit dito nila piniling tumira. After paying the taxi driver, he lazily walked towards the front porch. Katulad noong una nila itong napuntahan, its pastel green exterior gave a peaceful ambiance to the place.

'With Lady Medusa's money, they could easily buy a condo.. pero mas pinili nilang mamuhay nan simple. Tsk! Naging cheesy lalo ang dalawang 'yon,' lihim siyang napangiti.

Bago pa man siya kumatok, agad na bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang nakangising si Desmond.

"Markus, my friend---!"

"Gago. Wala akong pera ngayon."

Agad na nawala ang ngiti ni Desmond. Mahina itong natawa at gumilid para papasukin siya. "Hahaha! Nah, nagbibiro lang ako. Pati kasi si Pamela, ayaw na akong pautangin mula noong isinangla ko 'yong kwintas niya. Geez, I never thought the goddess of beauty can be really ugly when she's angry!"

"Nagkakamabutihan na kayo ah?"

"Unless Pamela's hair turns into money, she's not my type, dude. Hahaha!"

✔Sold to MedusaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon