QUINQUAGINTA TRES

637 65 0
                                    

Kanina pa ako kumatok.

Hindi ko alam kung anong oras na at nawalan na rin ako ng ganang silipin ang cellphone ko. Screw that. Parang nawalan na rin ako ng ganang mabuhay dahil sa dami ng kadramahang nangyayari sa'kin. Damn it! Hindi ba pwedeng maging normal naman ang lahat, kahit minsan lang?

Nakakapagod na rin kasi eh.

'Lilipas din 'to, Rein. You'll wake up tomorrow and pretend that this was all just some realistic nightmare,' my logical self tried to convince me.

I desprately hope he's right.

Napabuntong-hininga ako at akmang kakatok na sana ulit nang biglang bumukas ang pinto. I immediately lowered my hand as a confused Pamela stared at me.

"R-Rein?"

Para akong basang-sisiw sa harap ng bahay nila. I know this isn't a good impression, but I really don't care much anymore. Bukod doon, alam kong mukhang pilit lang na naman ang ngiti ko. Nagkibit ako ng balikat, "I hope it's not too late for our study date? Pasensya na, Pam, dapat nag-text muna ako sa'yo o nakapagpalit man lang ng damit bago pumunta dito. Hahaha!"

But Pamela, being the sweet and charitable person she is, just shook head and smiled at me. "Mamaya na natin pag-usapan ang study date natin. Pumasok ka na muna. I'll get you some dry towels. Do you want a cup of hot chocolate?"

"Sure," I answered and took off my shoes. Masyadong malinis ang bahay nila at ayoko namang maputikan ko ang sahig. Kung nasa mood nga lang ako ngayon, baka kanina pa ako nagkumento sa kintab nito. I can even see my reflection on the tiles!

Noong sinundan ko si Pamela sa sala, bigla kong naalala ng isang importanteng bagay.

"Hindi ba magagalit ang daddy mo? I'm pretty sure he won't like it if he sees me here. Baka madamay ka pa."

Ngumiti naman nang matamis si Pamela at marahang umiling. She gestured me to take a seat on their expensive sofa. "Nasa Maynila ngayon si daddy. Na-invite kasi siyang guest speaker para sa isang school event doon bukas. Nang malaman naming magkakaroon ng bagyo ngayong gabi, he insisted to travel earlier and just stay at a hotel for the night. Ikaw ba?"

"Hmm?"

"Um...hindi mo ba nabalitaan na may bagyo? It was all over the news this morning."

"Nah. I'm not really updated with the news."

Sa dami ng mga problema ko, pakiramdam ko wala na akong oras para maki-tsismis sa mga problema ng Eastwood.

"Pluviophile, a person who loves the rain."

Pamela blinked at me. I find it really cute.

"Ang weird mo talaga, Rein.. but I guess I'm a pluviophile, then."

"Really?"

"Yes.. because I love Rein," She blushed.

Napanganga na lang ako.

"Diyan ka lang ha? Kuha muna akong towels."

Napangiti na lang ako. 'Pamela will always be Pamela.' Magmula noon, hanggang ngayon, likas na talaga sa kanya ang pagiging mabait. She has a heart of gold. She's simply perfect and beautiful. Hindi na talaga nakapagtataka kung bakit maraming naghahabol sa kanya, pati 'yong siraulong Keifer na 'yon. And here I am, wondering how I got so lucky.

Maya-maya pa, bumalik si Pamela na may dalang mga tuwalya at dalawang mug ng hot choco. Ipinatong niya ang mga mug sa center table at naupo sa tabi ko. Bago ko pa makuha ang tuwalya, nagulat na lang ako nang siya na mismo ang nagpunas ng basa kong buhok.

✔Sold to MedusaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon