QUATTOURDECIM

846 77 9
                                    

"MEOW!"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong inaatake na ng matabang pusa si Ares. 'Medusa?' nakatulala na lang ako habang pinagkakakalmot niya ang diyos na mukhang hindi pa rin nakakabawi sa pagkabigla. In fact, Ares almost lost his balance and tripped on his own feet as the cat hissed and scratched his face.

"WHAT IN THE NAME OF ZEUS?! ARGH! GET OFF ME, YOU STUPID CAT!"

"Meow!"

This is really cute and amusing. Kung hindi ko nga lang sana alam na si Medusa ang pusang 'yan, baka videohan ko pa ang nangyayaring "laban" at i-upload ito mamaya sa YouTube. When Ares was distracted enough, mabilis na inagaw ni Markus ang kanyang katana at sinaksak ang binti ng lalaki.

The Greek god of war cried out in pain as he stumbled back and watched the blood pool out of his leg. Galit niyang ibinalibag ang pusa sa direksyon ko. Nasalo ko naman ang amo ko---kaso dahil sa bigat niya, sabay pa kaming bumagsak sa damuhan.

"Fuck.. kapag napilayan talaga ako, sagot mo dapat ang medical expenses ko!" Mahina kong bulong sa pusa.

Medusa's brown cat eyes glared at me. "Meow!"

Nang balingan ko ulit ang diyos, napansin kong naghihilom na agad ang sugat niya. Para bang lalong dumilim ang aura niya at mukhang handa na talaga kaming patayin. "Fools! You shall be punished for mocking a god!" Lumalim ang kanyang boses at sa isang iglap, lumitaw ang dalawang anino sa kaniyang gilid.

Bigla akong kinabahan. Both shadows took the form of a man, one of them having a pair of deadly horns while the other has a mouth filled with sharp and razor-like teeth. Huminga ako nang malalim at lumingon kay Markus, "What are these things?"

The lazy emo genius sighed. Pero kapansin-pansin ang pagkabahala sa kanyang mukha, "Sila ang mga alagad ni Ares, sina Deimos at Phobos. Mukhang sineseryoso na talaga ng diyos ang labang ito."

As far as I can remember, Deimos means "terror" while Phobos means "fear". Kaya alam kong hindi dapat ako matuwa. Lalo na noong bigla na lang sumugod sa akin ang isa sa mga alagad ni Ares. The shadow monster started running at me, his sharp teeth bared with malice. "Shit!" Agad kong kinarga ang matabang pusa at tumakbo papalayo.

Nang magpumapalag pa si Medusa, sinamaan ko siya ng tingin. "Hoy! Magpasalamat ka nga at kaya pa kitang buhatin sa bigat mong 'yan!"

Hindi na umimik pa ang pusa at nag-iwas ng tingin sa'kin. The cat even stubbornly crossed her arms over her chest! Pati ba naman sa pagiging pusa, uma-"attitude" pa rin ang boss ko? Tsk!

'What the hell am I gonna do now?'

Mahirap talagang makapag-isip ng estratehiya, lalo na kung may halimaw na humahabol sa'yo. Hinihingal akong umilag sa matatalim na mga kuko ng alagad ni Ares habang kinakalaban naman ni Markus ang isa pa.

Halos maubusan na ako ng hininga dahil sa paakyat nitong lupa. Damn! Bakit ba hindi pantay ang lupa dito sa ECU? Gusto yata nilang maging obstacle course ang campus namin! Literal kasing may burol dito sa kabilang bahagi, paakyat sa College of Nursing. Gusto yata nilang may maaksidente dito para may pagpraktisan sila sa panggagamot.

Nang marating ko na ang tuktok, agad kong inilibot ang mga mata ko hanggang sa mapansin ko ang isang kariton na ginagamit sa pangongolekta ng basura. I noticed the small rock wedged against its wheel and the ground. Malamang sinadya ito ng janitor para hindi ito magtuloy-tuloy sa pagbulusok pababa.

I smirked when an idea came to mind.

"Meow!"

"Don't worry, Lady Medusa. Magtiwala ka lang sa isang engineering student. Hindi man halata, pero marami-rami rin akong natutunan sa physics." I climbed up the sloping ground and studied the angle. Parang may mali pa rin eh.

"Kailangan mas mabigat."

Napatingin ako kay Medusa. Para bang pinapatay na niya ako gamit ang mga mata nita nang siya agad ang naisip ko sa salitang "mabigat". Well, I'll deal with her later after I save our lives.

Agad kong ipinatong sa unahan ng kariton si Medusa. Nanlaki ang mga mata ng pusa sa kaba. Mahina lang akong natawa at kinuha ang isang lumang mangkok. I placed it ontop of the cat's head and winked, "Helmet 'yan. Iniisip ko pa rin ang kaligtasan mo, boss. Hahaha!"

Paparating na ang halimaw.

Kaya bago pa man ako kalmutin ng magaling kong amo, mabilis kong sinipa ang bato at sumakay na rin sa kariton ng basura. Ilang sandali pa, dahil sa gravity at sa bigat naming dalawa (pero mas mabigat talaga siya), mabilis na bumulusok pababa ang kariton.

"MEOOOW!"

"AAAAAAH"

Napasigaw kami ni Medusa habang nakakapit sa kariton. Hindi ko na lang pinansin na halos lumipad na ang mga basura sa bilis ng pag-andar nito. It accelerated down the hillside, towards the awaiting monster.

Sumalpok ang kariton sa halimaw at nagtuloy-tuloy pa rin pababa, patungo sa direksyon nina Markus.

"Markus, watch out!"

Agad kaming napansin ni Markus, kaya't mabilis siyang umilag. Saktong tumama ang kariton sa mukha ng isa pang alagad ni Ares. Sa lakas ng impact, nagkalat pa ang basura at halos mahulog na rin kami sa kariton. The two monsters stumbled away and retreated. Lalong tumalim ang mga mata ni Ares sa'min.

"Hindi ito ang huling beses na magkikita tayo, mga mortal! Babalik ako at maghihiganti!"

At bigla na lang siyang naglaho sa hangin kasama ang mga alagad niya.

Markus and I laughed. Bakit ba kasi parang mga linya ng mga pipitsuging kontrabida sa mga telenobela ang sinabi ni Ares? I didn't know gods like him have no originality.

"Nice work, Aristello!" Markus smirked, "Sinong mag-aakalang magagamit mo rin pala sa pakikipaglaban ang mga napag-aralan mo sa kolehiyo? That was awesome, man."

I grinned sheepishly, "Yeah. I guess slightly listening to discussions paid off." Napalingon ako sa direksyon ng pusa na nakahilata na sa may damuhan. Para bang na-trauma na si Medusa sa ginawa kong stunt kanina. I crouched down and sighed, "I just save our lives, Lady Medusa. Don't glare at me like that! Buti nga hindi ka tumilapon kanina eh.. sabagay, mas maliit nga pala ang tyansang tumilapon ang mga MABIBIGAT na bagay. Hahahaha!"

She hissed at me. Mamaya ko na poproblemahin ang paghihiganti niya sa'kin.

There's actually a term we use to describe someone who loves learning---and no, it doesn't end with a "phile". Ang tawag sa mga taong mahal ang pag-aral at pagtuklas ng mga bagong bagay ay "philomath". It came from the Greek word "philos" which means loving , and "manthanein"/"math-" which means to learn.

Tumayo na ako at pinagpag ang pantalon ko. I grabbed my phone from my pocket. Ang daming missed calls at unread messages na galing kay Desmond! I sighed. 'Sana lang mawalan agad ng bisa ang pana ni kupido sa kanya. Damn, I'd rather prefer him as a money-loving bastard than a love-sick psycho!'

Then, I saw the time.

"Oh, shoot! Dude, gotta go. May klase pa ako kay Prof Lavista ngayon."

Tumango naman si Markus at tinatamad na nagpamulsa. "Go ahead. Si Caprissa nang bahalang maglinis dito."

I nodded. Nakatayo na sa gilid niya ang pusa na sinusungitan pa rin ako. Kung hindi ko lang alam na ang moody kong boss ang pusa na 'yan, baka nasabihan ko na siyang "cute".

But I knew from experience that an angry Medusa is anything but cute.

---

✔Sold to MedusaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon