SEDECIM

812 85 7
                                    

"ANONG GINAWA MO SA KANILA?!"

I know it probably isn't a smart move to shout at a monster who can turn me into stone, pero kahit sino namang yatang nasa sitwasyon ko ay magagalit at masasaktan sa pagtataksil sa'min ni Medusa. Sino bang mag-aakalang mage-employ lang pala siya ng mga mortal para lang gawing estatwa?

Naaawa ako kina Markus at Caprissa. They've been loyal to her! Wala silang ginagawang masama sa kanya, pero mukhang wala talagang puso itong si Medusa.

Mukhang tama ang lahat ng sinabi ni Artemis.

"YOU'RE A HEARTLESS MONSTER!"

Napasimangot si Medusa at tumalim ang kanyang mga mata. Hindi ko na lang pinansin na nakasuot siya ng kulay purple na nightdress na hapit na naman sa kanyang katawan. She crossed her arms over her chest.

"You dare shout at me, you worthless mortal?! Alam mo bang kayang-kaya kitang patayin?"

Pagak akong natawa. Kung akala niya matatakot pa ako sa kanya, nagkakamali siya. I've already endured enough bullshit in my life. "Go ahead! Gawin mo na rin akong bato tulad ng ginawa mo sa kanila!" Tinuro ko ang direksyon ng mga estatwa nina Markus at Caprissa, "Turn me into stone! I don't fucking care anymore, MEDUSA."

Ilang sandali pa, biglang lumapat sa sahig ang likod ko. I groaned in pain as she glared dangerously at me. She lowered herself until her sensual mouth whispered into my ear, "I thought I told you to call me 'Lady Medusa'? Ginagalit mo ba talaga ako, Rein Aristello?!" Her words were laced with poison and hatred. Sa pagkakataong ito, hindi na ako napapitlag nang halos tuklawin na ako ng mga "babies" niya.

I laughed.

"Paano ko rerespetuhin ang isang halimaw na walang-awang pinatay ang kanyang mga tauhan?"

Walang-emosyong tinitigan ako ni Medusa. Nakaupo siya sa tiyan ko habang nakatukod ang magkabila niyang kamay sa gilid ng ulo ko. Her bare legs strandled my sides. She stared down at me and raised a perfect eyebrow.

"Ano bang kalokohan ang pinagsasasabi mo, mortal?"

Sabog ba siya?

"You killed Markus and Caprissa! Don't play dumb. Kung papatayin mo rin ako, gawin mo na. Make my death quick and make sure I look handsome even as a damn statue." Seryoso kong sabi sa kanya.

Ilang sandali pa, mahinang natawa si Medusa. Wala naman akong sinabing nakakatawa ah? Ano bang sinisinghot ng babaeng ito?

"HAHAHAHAHA!"

"H-Hey! Don't laugh at me."

Ngumisi siya sa'kin at hinaplos ang gilid ng mukha ko. I even shuddered as her sharp fingernails grazed my skin again. Her brown eyes held me into place as she inched closer to my face. Bakit ba ako nahihirapang huminga?

"You're an idiot, Aristello. A disrespectful and attractive idiot."

Ha?

Magtatanong pa lang sana ako nang bigla akong nasilaw sa liwang na nagmumula sa flourescent lights. Mukhang bagong kabit lang ang mga ito, pero hindi 'yon ang nakapagpatigil sa'kin kundi ang gulat na mga boses na nagmumula sa bukana ng pintuan.

"Hala! SPG!"

"Err.. do you want me to turn the lights off again, Lady Medusa?"

Napalingon kami ni Medusa sa mga bagong-dating. Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko sina Markus at Caprissa---wait, what the fuck?! A-Akala ko ba...

"Hindi mo ba alam na sculptor si Markus? He was practicing his skills earlier and decided to make a stone replica of the three of you. Kaso naubusan siya ng bato kaya hindi na niya natapos ang estatwa mo. Does that answer your question, Mr. Aristello?" Tinatamad na sagot sa'kin ni Medusa. Nakaupo pa rin siya sa tiyan ko at nang sumipol si Markus, noon ko lang na-realize ang pwesto naming dalawa.

✔Sold to MedusaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon