DUODEVIGINTI

809 76 2
                                    

Tap.

Tap.

Tap.

Medusa tapped her foot impatiently as she waited for her personal assistant. Tanging ang tunog ng pagtama ng kanyang mamahaling high heels ang maririnig sa kanilang hideout slash warehouse. 'Ano na naman kaya ang idadahilan ng mortal na 'yon? Late na naman siya!' Napasimangot ang dalaga at umayos sa pagkakaupo niya sa kanyang trono.

Her snakes hissed uncontrollably. Naiinip na rin ang mga babies niya at kung hindi pa magpapakita ang magaling niyang PA sa susunod na limang minuto, baka hayaan na lang ni Medusa na tuklawin siya ng mga ito.

"Lady Medusa~!" Pagkanta ni Caprissa nang lumitaw ito mula sa kabilang kwarto. Nakangiti ang bata at masigla siya nitong nilapitan, "Naihanda ko na po yung potion. Kulang na lang po yung bulaklak ng asphodel na pinapakuha mo kay Kuya Re---"

"DO NOT SPEAK THAT STUPID MORTAL'S NAME!"

Natigilan si Caprissa at bahagyang kumunot ang noo dahil sa inaasal ng Lady Medusa niya. The twelve-year-old girl tilted her head to the side and frowned, "Eh? Bakit bawal na po natin sabihin ang pangalan ni Kuya Rein? Nag-away po ba kayo ni Kuya Rein? O baka naman may nasabi si Kuya Rein na---"

"CAPRISSA!"

Medusa frustratedly yelled. Konti na lang talaga at masasabunutan na niya ang kanyang sarili dahil sa stress niya sa kanyang mga tauhan! But of course, she can't do that because of her snake hair. Hindi niya pwedeng saktan ang babies niya.

Para namang nag-"click" sa utak ni Caprissa ang gusto niyang iparating. Soon, the girl nodded and bowed her head a little. "Noted po, Lady Medusa! Bawal na bawal na bawal na po naming banggitin ang pangalan ni Kuya Rein!" She smiled brightly and waltz away.

Napahilot na lang si Medusa sa kanyang mga templo. "Why in the name of Zeus did I employ them in the first place?" O baka naman parusa sa kanya ng mga diyos ang pagiging malas sa tauhan? Napabuntong-hininga si Medusa at akmang iinom na sana ng champagne mula sa kanyang ginintuang kopita nang mapansin niyang wala na itong laman.

"Darn it!"

Sa sobrang inis ni Medusa, mabilis niyang ibinato ang kopita sa direksyon ng pinto. As if on cue, the door suddenly opened and...

"ARAY!"

Napadaing sa sakit si Rein Aristello nang biglang sumapol sa noo niya ang mabigat na kopita. The cup hit the floor with an eerie noise as his eyes glared at her. Kitang-kita ni Medusa ang dagdag na bukol sa noo ni Rein. That made her feel better. 'Sana pala naibato ko nang mas malakas.' She smirked and crossed her legs.

Madusa was wearing a black dress with diamond studs on its hems. Hapit ito sa kanyang katawan at sapat lang ang ikli nito para ilantad ang kanyang makikinis na binti. Walang emosyon siyang tumitig kay Rein Aristello.

"Inuubos mo ba talaga ang pasensiya ko, Aristello?! Ang lakas talaga ng loob mong pumasok na naman nang late! It's already 6:30 p.m!"

Her loud voice echoed throughout the spacious warehouse. Napatakip pa ng mga tainga ang binata bago siya nito nilapitan. Pero hindi tulad ng inaasahan ni Medusa, hindi sumagot nang pabalang si Rein. Ni hindi ito nagalit o nang-asar! Her mortal personal assistant only bowed his head and mumbled his apology, "Pasensya na po, Lady Medusa. Naubusan kasi ng acetone kanina sa grocery malapit sa school kaya kinailangan ko pang maghanap sa mga tindahan."

May iniabot itong kulay brown na paperbag sa kanyang amo.

"Nandiyan na lahat ng pinapabili mo, kasama na ang catfood na pinapa-restock mo. Nalibot ko na rin po lahat ng hotels sa Eastwood, pero mukhang wala talagang nag-check in sa kanila sa pangalang 'Linae'. I'm contacting a few people at the city hall to help me. Nagbabaka-sakali akong baka may voting record o anumang dokumento si Linae dito sa Eastwood."

✔Sold to MedusaWhere stories live. Discover now