SEXAGINTA UNUM

658 61 3
                                    

People who were still awake knew that something was wrong.

It was too quiet in Eastwood and the night sky turned to a darker shade of black like freshly spilled ink on canvas.

Kasabay nito, isang nakabibinging kulog ang pumunit sa kalangitan na para bang hudyat ng isang delubyo. At sa likod ng mga ulap, sumilay ang imahe ng isang templong binabalutan ng pulang liwanag. Habang papalapit ito nang papalapit sa bayan, yumanig ang lupa at nag-iwan ng malalaking bitak sa kalsada. Tuluyan nang nagising ang mangilan-ngilang mortal na mahimbing kaninang natutulog.

Soon, they all watched in disbelief and amazement as the temple gradually claimed roots on their land. It was a hundred feet tall and a hundred centuries old. It was adorned with polished stone statues of the twelve Olympian gods. Corinthian columns supported the roof, giving a warning to whoever dares to look inside.

Nalula ang mga nakakita. Pakiramdam ng ilan, biglang nagkaroon ng buhay ang mga larawan ng mga sinaunang templong nakikita lang nila dati sa kanilang history books.

Ilang sandali pa, nabulabog ang lahat nang mawasak ang isang bahagi ng pader nito. Tumilapon mula roon ang isang lalaking iniinda ang duguang braso. People quickly evacuated the place, leaving Apollo alone on the street. Mahina siyang napamura nang makitang hindi naghihilom agad ang mga sugat niya.

"Mukhang mabisa ang kutsilyo. Pagpasensyahan mo na ako, Apollo. Matagal-tagal ko na rin gustong i-testing sa'yo ang epekto nito.." Pang-aasar ni Hephaestus mula sa bungad ng nasirang templo.

"I should've known you're a traitor. Pareho lang kayo ni Ares," galit na sabi ni Apollo habang pinipilit 'wag magpakita ng kahinaan.

Napapailing na lang si Hephaestus, "Tumatanda na si Zeus, at alam nating lahat 'yon. That's why we need a new king. We need a someone who isn't easily seduced by every maiden he crosses paths withs. Nakakasawa na rin ang pagiging babaero ng matandang 'yon. Hindi niya kayang pamahalaan nang maayos ang Olympus!"

'Hindi namin makakayanang talunin sina Hephaestus nang kami lang,' isip-isip ng diyos ng liwanag. Sinulayapan niyang muli si Artemis na patuloy pa ring sinasalag ang mga atake ni Hermes. But of course, the goddess of the hunt found it difficult to keep up with the fastest Olympian god. Nahihirapan na rin ang kanyang mga alaga sa pakikipaglaban kina Deimos at Phobos.

Ngayong nasa mundo na sila ng mga mortal, alam niyang hindi magtatagal at pamumunuhan na rin ni Ares ang bayang ito. He'll raise his own empire from the ashes and make humans his slave.

'I just wish we can stop him before that happens.'

Soon, he saw a familiar chariot approaching him.

*
Pinagmasdan ni Ares ang tahimik na pamayanang binabalutan ng kadiliman ng gabi. The ugly scenery before him will change once he rules over them. Ngayong nakatayo na ang templo ng mga diyos sa mundo ng mga tao, hindi na siya mahihirapang mangalap ng mga alipin.

Of course moving the whole temple from Mt. Olympus to Eastwood drained most of his energy, but it was worth it now that he's the king.

Binalingan ni Ares ang direksyon ng halimaw na matalim ang tingin sa kanya. Nakakadena pa rin siya sa sahig at kanila pa sinusubukang kumawala roon. 'Useless monster,' he thought and walked towards her. Matapang niyang sinalubong ang galit nitong mga mata.

"Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa'kin kung bakit ka pa sumuko, Medusa. Sayang. The moment you killed Poseidon, I was anticipating to hunt you down and drag you to Olympus myself. I would've presented you to Zeus then take his throne from under his nose." Humakbang siya papalapit sa Gorgon at marahas siyang hinawakan sa panga. He made sure to squeeze her jaw and leave bruises later for Athena to see.

✔Sold to MedusaWhere stories live. Discover now