QUINQUAGINTA QUATTOUR

685 65 0
                                    

The plan was simple.

Search for Linae, force her to remove her cat curse, blackmail or bribe that bitch to create a portal to Athena's temple, and have a "talk" with the goddess of wisdom.

Simple? Yes.

Easy? Hell no.

Magmula nang tumakas siya noon sa kulungan ng palasyo ni Hades, nakatatak na sa isipan ni Medusa ang mga kailangan niyang gawin. Nang malaman niyang umalis na si Linae sa templo ng diyosa, ilang dekada siyang nagtanung-tanong at umasang makakasagap siya ng balita tungkol sa lokasyon nito.

This went on until Morgana overhead a couple of her customers talking about it.

Nagpunta sa Eastwood ang dating disipolo.

Dahil si Linae ang naging paborito ni Athena, tinuruan siya nitong lumikha ng lagusan papunta sa templo. Since Athena's temple was moved to a secret location a few hundred years back, ang tanging paraan lang para makapunta roon ay kay Linae.

Pero bago iyon, kailangan na muna niyang ipaalis ang sumpang ibinigay niya kay Medusa.

'Because even if I have access to Athena's temple, hindi pa rin ako makakapasok. Cursed ones aren't allowed in her temple, and Linae made sure of that...'

Hanggang ngayon, pala-isipan pa rin kay Medusa kung ano ang galit sa kanya ni Linae kaya nagawa siya nitong isumpa. Well, given that the disciple thought that Medusa was about to harm Athena, pero bukod doon, ramdam ni Medusa na may mas malalim pa itong dahilan.

"Wala naman akong atraso sa kanya, pero hindi siya nagdalawang-isip na isumpa ako. Tsk! Everyone dislikes me, even when I'm not doing anything wrong to them."

Huminga siya nang malalim. Tuluyan nang tumigil ang malakas na pag-ulan, pero hindi pa rin siya umaalis dito sa sementeryo. Basang-basa na siya at kanina pa nilalamig, pero hindi na niya ito binigyang-atensyon. What's the use? Magbubukang-liwayway na, at alam ng Gorgon na hindi magtatagal, babalik na naman siya sa pagiging pusa. Hindi man niya ito aminin sa iba, pero nahihirapan na rin siya.

Athena's curse that had turned her into a monster was already a burden on its own... and now, she has to live the rest of her life transforming into a stupid cat everyday.

"I bet those fucking mortals didn't read this in their Greek mythology books."

Palagi siyang kontrabida sa kanilang mga akda. Sometimes, she was the victim, but that's it. Nothing more, becaue it didn't matter.

To many people, Medusa was simply the "monster" who can turn people into stone.

She hated that reputation others established for her.

Mula sa kanyang kinauupuan, walang-ganang pinagmasdan ni Medusa ang lapida ng babaeng makakapagligtas sana sa kanya. Her brown eyes lost their determination a few hours ago, when she finally accepted that it was a hopeless case. Nasayang lang ang ilang dekada niyang paghahanap. Ang masama pa nito, ni hindi na niya alam kung anong gagawin niya. Hindi na niya alam kung saan siya dapat pumunta o kung may saysay pa ba ang lahat ng ito.

Because for the first time in history, Medusa felt like she was ready to give up.

Inis niyang pinigilan ang mga luha niya at lalong niyakap ang kanyang mga binti. Nanghihina siyang yumuko, ipinikit ang mga mata, at inisip kung ano ang ginawa niya noon para parusahan siya ng ganito. She doesn't deserve this much pain to bare for another century.

"If the dead can speak, they will probably ask you to join them right now, monster."

That voice.

✔Sold to MedusaWhere stories live. Discover now