UNDEVIGINTI

828 74 0
                                    

I know I should feel guilty.

But how can you feel guilty when all you did was put your boss to sleep? Kaya para mabawasan ang pangungulit ng konsensiya ko sa'kin, iniisip ko na lang na tinulungan kong makatulog nang maaga si Medusa. She needs rest, and it's not like we were suppose to do anything important tonight, right?

'Yup. Definitely guilty.'

Shut up, logical self. Hindi ko hinihingi ang opinyon mo ngayon.

Dahil ngayong gabi, mas pinipili kong sundin ang puso ko. I chose my date with Pamela over my job with Medusa. Err.. okay, it's not really a date--pero parang ganoon na rin 'yon! Napabuntong-hininga na lang ako. "Malakas na talaga ang tama ko sa babaeng 'yon."

Sayang ang pagkakataon! My job can wait. Wala naman sigurong mangyayaring masama ngayong gabi.

Nang nakauwi ako sa dorm namin, napansin kong nakaupo na sa may sala si Pamela. Nakikipagkwentuhan na siya kina Bart at mukhang kanina pa sila roon. When Pamela saw me, she instantly smiled and waved. "Rein!"

Pakiramdam ko bumibilis na naman ang tibok ng puso ko at sinasabihan na naman ako ng espiritu ng katorpehan. Huminga ako nang malalim at sinubukang magmukhang "cool" sa harap niya.

"H-Hey! One plus one equals two---este, k-kanina ka pa diyan?"

Damn.

Umiling si Pamela. "Nope! Halos kakarating ko lang. Hinatid ako kanina ni dad kanina. May pinapabigay pala siyang sulat sa'yo." At kinuha ng magandang si Pamela ang nakatuping papel mula sa kanyang handbag. Masama ang kutob ko rito. Ano naman kaya ang sasabihin sa'kin ni Prof Lavista?

"Um.. okay."

Nang buklatin ko ang sulat, para akong namutla sa nabasa ko:

Rein,

Don't even think about it. Susunduin ko ang anak ko pagkalipas ng isang oras. Kapag may ginawa kang kalokohan, asahan mong magkakaroon ka ng tumatagingting na singko sa subject ko.

---Prof Lavista

Napalunok ako. 'Kahit kailan talaga napaka-strikto ng isang 'to!' I sighed. Hindi ko alam kung nagbibiro ba si Prof Lavista o hindi, pero dahil nanganganib na rin ako sa pag-aaral, I'd rather not take any risks. Baka mamaya totohanin pa niya at tuluyan nang masira ang future namin ni Pamela.

"Rein? Okay ka lang ba? Mukha kang natatae."

Pagak akong natawa nang biglang sumulpot sa tabi ko si Pamela. Agad kong tinago ang death threat ng tatay niya at ngumiti nang pilit. "A-Ah, hindi. May naalala lang ako. So, shall we study the wonderful subject of Advanced Algebra?" Inilahad ko ang kamay ko sa kanya na parang isang prinsipe sa mga pelikula.

Pam rolled her eyes. "Stop making it sound so interesting. Ang boring kaya ng algebra!"

"Well then, let's just make it interesting for you."

"O-Okay."

She placed her hand in mine. Pinagpawisan ako nang malamig. Naririnig ko naman ang pang-aasar nina Bart sa likuran namin. Hindi na naman ako titigilan ng mga siraulong 'to!

"Nagbibinata na si Rein! Woah!"

"Tol, gumamit ng proteksyon ha? HAHAHAHA!"

I felt the heat crawl up my cheeks in embarrassment. Minsan talaga hindi nakakatuwa ang pagiging pornophile ng mga kasama namin dito sa dorm. ("pornophile"=a person who loves pornography). 'Damn imagination!' Huminga ako nang malalim at hinila si Pamela papasok ng kwarto ko. Nang makapasok na kaming dalawa sa loob, agad kong sinara ang pinto at kabadong ngumiti sa kanya.

✔Sold to MedusaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon