UNDECIM

909 86 4
                                    

Buong araw akong nasa "opisina" ko at nakababad sa computer. Ilang oras ko nang sinusubukang hanapin ang disipolo ni Athena sa lahat ng social media platforms na alam ko---Facebook, Instagram, Twitter, YouTube, TikTok (malay natin, peymus pala siya roon)---pero wala pa rin!

Linae.  

Linae.

Linae-layasan na ako ng katinuan ko!

After a few more tries, I finally gave up.

"Wala na ba kayong ibang maisip na paraan para hanapin ang taong 'yon? Tracking device? O baka naman may pwede kayong rentahang mangkukulam?" Tinatamad kong tanong kay Caprissa na sinimulan na ang paglalaro ng Minecraft sa computer. How she even installed a game like that, I have no idea. Inaantok pa rin ako dahil sa minotaur attack kagabi.

"Wala na po eh."

I sighed. "Then maybe she's at Athena's temple? Kidnapin niyo na lang siya doon."

The twelve-year-old girl blinked at me as if I asked the most useless question on earth.

"Kuya Rein, nag-resign kasi noon si Linae sa tempolo ni Athena. Nang mabalitaan niyang nakatakas si Lady Medusa, agad na nagtago ang babaeng 'yon dito sa mundo ng mga mortal. We don't have any information on her whereabouts, kaya nagbabaka-sakali lang kami sa social media. Huli naming tsismis, nasa Eastwood daw si Linae." Ngumiti siya at ibinalik ang atensyon sa binubuong bahay.

Syempre naman, basta mga kababalaghan at 'di ordinaryang mga pangyayari, Eastwood agad.

Napabuntong-hininga ulit ako. 'Kung wala naman pala silang alam na kahit ano tungkol sa ex-disciple ni Athena, mahihirapan talaga kaming hanapin siya.'

Sabagay. Hangga't tama naman ang pasweldo sa'kin ni Medusa, wala na akong karapatang magreklamo.

After Caprissa finished her game, agad akong bumalik sa computer at nai-Google ang pangalan ng disipolo. Pero mukhang kulang-kulang talaga ang alam ng mga tao tungkol sa Greek myths dahil wala pa ring lumabas na results!

"Damn..  Kung hindi lang sana stickman ang mga drowing ko, edi sana nai-artist sketch ko na lang ang histura ng Linae na 'yon at pinakalat sa internet."

Kaso kailangan ko pang hintayin mag-ala-sais para makausap ko si Medusa. Which means, I need to wait for five more hours in this stupid place. I banged my head on the keyboard and groaned in frustration. Mukhang kahit gusto kong takasan ang amo ko, hindi ko ito magagawa nang basta-basta.

I'm stuck being her employee.

Sa paglipas ng mga oras, hindi ko na namalayang nakatulog pala ako dala ng pagod.

"Pamela?"

Sa panaginip ko, isinasayaw ko ulit si Pam sa kanyang debut. The spotlight shone above us as she smiled at me. Suot niya pa rin ang pink gown niya at nakatingin sa'min ang lahat ng tao.

'What am I doing here?'

Mula sa mga bisitang nanonood, nag-thumbs up pa sa'kin si Desmond at pati si Prof Lavista, mukhang masaya para sa'min. My heart swelled as Pamela looked at me with affection. That sweet smile is enough to melt my heart. Langya, para akong naka-jackpot!

"Rein, may sasabihin sana ako sa'yo.."

"A-A-Ano yun?"

Pero nang ibuka ni Pamela ang kanyang bibig, a hissing sound came.

"P-Pamela?!"

Napaatras ako nang bigla na lang lumabas sa bibig niya ang ilang mga ahas. Mga ahas na agad akong pinagtutuklaw.

✔Sold to MedusaWhere stories live. Discover now