UNDESEXAGINTA

678 73 14
                                    

Dati, akala ko exaggerated lang 'yong mga tao tuwing sinasabi nilang "masakit kapag iniwan ka".

Ngayon ko napatunayan na nabiktima na naman ako ng maling akala.

After what happened between us, she just left. Lady Medusa just fucking left me, even when I begged her to stay. Kanina nang mapansin kong wala na akong katabi, napabalikwas ako ng bangon at kamuntikan pang mahulog sa kama. "L-Lady Medusa?" Natataranta ko siyang hinanap, pero tuluyan na akong naiwang mag-isa sa kwarto ko.

'Shit! Panaginip lang ba na naman 'yong kagabi?'

Nang lumipas ang ilang segundo ng katahimikan, handa na sana akong maniwala na imahinasyon ko lang 'yong nangyari nang mapagtanto kong nakahubad pa ako. I cursed under my breath and scanned my body for any more "evidences". In the end, I finally confirmed that everything that had happened last night was real when I spotted a few hickeys on my torso.

Inis akong napabuntong-hininga.

'Damn it, Medusa!'

Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa, pero may kutob akong may masamang mangyayari.

Pinatay niya si Poseidon. Kung kasama ito o hindi sa mga plano ni Ares, alam kong hindi niya palalagpasin ang pagkakataong ito. Gagamitin niya itong alas para makuha ang gusto niya. That twisted bastard already made it clear that he's willing to do all kinds of mischief in order to take Zeus' throne.

Medusa is in danger, but until now, my former boss is still too stubborn to ask for help.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Baby? Kanina ka pa tulala diyan. Is something wrong?"

And then there's Pamela.

Huminga ako nang malalim at nilingon ang babaeng kanina pa nag-aalala sa'kin. Alam kong napapansin niya mula pa kanina na wala ako sa sarili. During class hours, I barely paid any attention to her and focused on the discussions. Hindi ko rin siya binati ng "good morning" o hinalikan man lang nang magkasalubong kami. Nang sumapit ang tanghalian, kamuntikan ko nang nakalimutan na sabay nga pala kaming kakain kung hindi lang ako pinaalalahanan ni Desmond.

Alam kong ramdam ni Pamela na iniiwasan ko siya, at pakiramdam ko lalo lang akong nagi-guilty. Afterall, I just cheated on her last night despite the sad truth that we've only been together for more than 24 hours.

Pakiramdam ko tuloy ako ang pinakagagong boyfriend sa mundo ng mga mortal.

Pilit akong ngumiti sa kanya at hinawakan ang kamay niya sa ibabaw ng mesa. Pamela's eyes lingered on our entwined hands. Mabuti na lang at walang masyadong customer ngayon sa café.

Ngayong gabi na sana ako pupunta sa kanila. Ngayong gabi na sana namin aaminin kay Professor Lavista ang tungkol sa relasyon namin.

Pero imbes na paghandaan ang mahaba-habang speech at magsulat ng back-to-back essay tungkol ng "Bakit Ako Karapat-dapat Para Sa Anak Mo, Prof", pinili kong ayain muna rito si Pamela.

Dahil alam kong walang namang madaling paraan para sabihin ito sa kanya.

I sighed.

"Pam, alam mo bang crush na crush na kita mula pa noong elementary tayo? Palagi kitang pinapanood noong nagpa-practice kayo ng sayaw para sa pangeant. Palagi ka kasing muse. I want to be your escort, pero palagi lang akong nadadaya sa botohan," mahina akong natawa. Ngumiti naman si Pamela, pero bakas pa rin sa ekspresyon niya ang pagtataka. She wanted to ask something, but she was too scared to face the answer.

I didn't give her an opportunity to speak yet and squeezed her hand.

"Manghang-mangha ako sa'yo noon kada sasagutan mo 'yong madugong math problems ni Sir Ivan noong Grade 8 tayo. Hindi ko sinabi sa'yo, pero ako 'yong nag-iwan ng rose noon sa desk mo noong Valentines Day. Dapat may kasamang tsokolate 'yon, pero nautangan ako ni Desmond kaya nabutas ang bulsa ko. Palagi akong nakatulala sa'yo noong History class natin kasi mas naging interesante akong isipin ang 'future' natin kaysa pag-aralan ang nakaraan. Noong Senior High naman, noong nagka-issue na may ka-MU ka raw sa kabilang section, nagselos talaga ako pero nainis rin ako sa sarili ko kasi alam kong wala naman akong magagawa. Palagi akong torpe 'pag dating sa'yo, Pam. For many years, I've learned to be content while sitting in my spot---admiring your from afar."

✔Sold to MedusaWhere stories live. Discover now