DUO

1.6K 113 9
                                    

FISHBALL VENDOR, NAGING ESTATWA?

Matagal akong nakatitig sa headlines ng tabloid newspaper, nagbabaka-sakaling magbago yung nakasulat. Umaasa nga akong baka naduling lang na naman ako, pero makalipas ang kalahating oras ng pagtunganga, iyon pa rin ang naka-print sa headlines. All capital letters, naka-bold, at may malaki pang picture para maging agaw-atensyon:

FISHBALL VENDOR, NAGING ESTATWA?

Mabilis kong sinuri 'yong picture.

'Shit, kamukhang-kamukha nga ni Mang Rico!'

At mukha namang walang halong edit!

Huminga ako nang malalim. "Isang nilalang lang ang naiisip kong posibleng gumawa nito." Then, I found myself rapidly scanning through the pages until I spotted the article.

"Kaninang alas-otso ng umaga, natagpuang patay sa isang eskinita sa 6th avenue ang kilalang fishball vendor ng Eastwood Central University na si Henrico "Mang Rico" Ramos, 35 taong gulang. Ngunit, sa isang hindi maipaliwanag na dahilan, naging bato ang kabuuan ng kanyang katawan at tila naging isang estatwa! Ayon sa mga awtoridad, noong Huwebes pa ng gabi naiulat na nawawala ang lalaki. Huli siyang nakitang may kasamang dalagang kulay berde ang buhok, bandang alas-siyete ng gabi sa naturang lugar. Ayon naman sa ilang residenteng nakatira malapit doon, nakarinig sila ng ingay na para bang tunog ng mga ahas---"

"Hijo, kung hindi lang naman nakakahiya sa'yo, baka pwedeng bayaran mo naman 'yang binabasa mong dyaryo?"

Napahinto ako sa pagbabasa nang sumulpot si manong na nagtitinda nitong mga dyaryo. Gusto ko sanang magreklamo na istorbo siya sa pagbabasa ko, pero mahirap magreklamo kung wala ka namang perang pambayad nito. May itinuro pa siyang karatula sa gilid na nagsasabing "BAWAL MAGBASA KUNG HINDI MAGBABAYAD!".

I smiled sheepishly and returned the newspaper. "Ah, tiningnan ko lang po yung numero sa lotto. Baka kasi milyunaryo na pala ako."

"Talaga lang ha?"

"Tsk! Manong naman. 'Wag judgemental. H-Hahaha!"

At pasimple na akong lumayo sa pwesto niya at tumakbo papasok sa gates ng ECU. Mahirap na, baka ma-late na naman ako nito!

*

Masaya sa Eastwood Central University, pero hindi masaya kung sa College of Engineering ka at ang first period mo ay ang klase ni Professor Lavista.

Hindi naman niya kami sinisita kapag nale-late kami, pero iba lagi ang trip niya sa buhay. My classes start at 8:00 am. Sa eksaktong oras na yun, ila-lock niya ang mga pinto kaya't ang sinumang male-late ay mapipilitang dumaan sa bintana. It would've been a whole lot easier if our classroom isn't at the second floor! Bahala ka kung paano ka makakadiskarte ng akyat, basta bawal gumamit ng hagdan. Kapag natapos ang oras ng klase at hindi ka pa rin nakakapasok ng classroom, considered as "absent".

And since it's my lucky day again (kindly note the sarcasm), na-late na naman ako. Usually, I'd just walk away and dismiss his classes. Pero ngayong nanganganib na ang mga grades ko sa kanya, hindi na ako pwedeng magpabaya sa pag-aaral.

Hinihingal kong narating ang tapat ng bintana ng classroom.

Sa kasamaang palad, ipinapasara na rin niya ang mga pinto ng gusali, so no one can use the staircase. That leaves us no choice but to climb up this side of the building. Napabuntong-hininga na lang ako. "Kung alam ko lang na required kami sa ganito dadaan, sana pala BS Pagnanakaw major in Akyat-bahay na lang ang kinuha kong kurso."

Kaya mo 'to, Rein! Para maka-graduate!

I scanned the place for anything I can use to climb this shitty wall. Suddenly, my eyes landed on a piece of rope. Ngumisi ako at mabilis na kumuha ng papel at ballpen mula sa bag ko.

✔Sold to MedusaWhere stories live. Discover now