VIGINTI SEX

808 72 18
                                    

Brown feline eyes watched them from the doorway.

'Ang kapal talaga ng mukha niyang makipaghalikan pa sa loob ng kwarto ko! Naiinis na talaga ako sa mortal na 'to,' the cat thought and frowned.

Sa kanyang isip, pinaplano na niya kung paano paparusahan ang kanyang personal assistant. Habang tumatagal kasi, lalong nagiging pasaway si Rein Arisello. How dare he kiss another girl in her own damn bedroom? Masyado na ngang naging mabait si Medusa dahil hinayaan niyang dalhin dito ang pangit na babaeng 'yon, tapos inaabuso pa ni Rein ang kanyang kabaitan?

Right now, Medusa was entertaining the idea of torturing him.

"Meow."

Kapag may ginawa pa talaga silang milagro sa kwarto ni Medusa, gagawin na niya talagang estatwa ang dalawang mortal na 'to!

Medusa forced herself to look away. 'Ano ba kasing nakita ni Aristello sa pangit na babaeng 'yan? She's too simple. Tsk! Simply disgusting.'

Wala nang nagawa pa si Medusa kundi maglakad sa madidilim na pasilyo ng abandonadong warehouse. The chubby orange cat took a right turn until she reached a broken window. Walang pagdadalawang-isip na umakyat doon si Medusa at lumabas ng warehouse.

She gracefully landed on the ground and started walking towards the direction of Night Raven's Park.

Hindi pa rin niya maalis sa kanyang isipan ang imahe ng paghahalikan nina Rein at Pamela sa sarili niyang kwarto---at alam ni Medusa na may mas malalim pang dahilan ang inis na nararamdaman niya ngayon.

'At talagang binuhat niya pa ang pangit na 'yon kahit na injured ang braso niya? He's a fool! A stupid lovesick puppy! A disgrace! Lahat na ng pwedeng adjective sa katangahan niya!'

Ngayong nakita na mismo ni Medusa ang pagpapakatangang ginagawa ng binata para lang sa babaeng 'yon, hindi niya maiwasang magalit lalo. Dapat nagpapahinga ngayon ang siraulong 'yon, hindi nakikipaglandian at nakikipaglaplapan sa babaeng matagal na niyang hinahangaan!

Malamang side effects lang ng pana ni Anteros kaya sinasabi ni Pamela na may gusto rin siya kay Rein. Sino ba kasing makakagusto sa mortal na 'yon na wala namang ibang alam gawin sa buhay kundi dumaldal ng philias at magpakabayani kahit na puro kalokohan naman ang naiisip niya?

Mahinang napamura si Medusa, even though it came out as a soft "meow". No, she isn't jealous...

Well, maybe a little.

Namalayan na lang ni Medusa na nasa sentro na pala siya ng malawak na parke. Mula rito, natatanaw niya ang malaking puno ng akasya at ang playgrounds ng mga bata. The orange cat went to the empty playgrounds and sat at the bottom of a slide.

Nakatanaw lang siya sa papalubog na araw.

'Kung nandito siguro si Rein, sasabihan niyang opacarophile ako.'

A person who loves sunsets.

Alam niyang anumang oras mula ngayon, babalik na naman siya sa normal niyang anyo.

'Kung mahahanap ko lang sana ang bruhang si Linae, magagawa kong ipatanggal ang sumpa kong 'to at pilitin siyang magbukas ng portal para makabalik ako sa templo ni Athena.' huminga nang malalim ang pusa.

Naaalala na naman niya ang nangyari sa kanya noon.

Nakakatuwang isipin kung gaano kabilis bumagsak sa kasikatan ang isang babaeng kinaiinggitan noon ang kagandahan. The once beautiful priestess of Athena's temple is now an infamous Greek monster with snake hair. And do people bother to know her story? No. Kapag may masamang reputasyon ka na, wala nang may gustong makinig sa istoryang nasa likod nito.

"You still like watching the sunsets."

Walang-ganang tiningnan ni Medusa ang diyos na bigla na lang sumulpot sa kanyang tabi. Adonis smiled at her, flashing his set of perfect white teeth.

Ilang sandali pa, naramdaman ni Medusa ang kanyang pagbabagong-anyo. Her limbs grew longer and her cat-like appearance disappeared. Fur was soon replaced by curves and soft skin. Hindi na nag-abala pang umiwas ni Medusa sa dating kasintahan.

Akmang tatabihan sana siya ni Adonis nang kamuntikan na siyang tuklawin ng mga ahas ni Medusa.

"Alam kong hindi ka nagpunta dito sa mundo ng mga mortal para lang kamustahin ako, Adonis. You're not fooling anyone."

He sighed. "Kilala mo talaga ako, Medusa. That's what I admire most about you, baby."

"Shut up. Imbes na bolahin mo pa ako, sabihin mo na ang tunay na dahilan kung bakit ka nandito sa Eastwood." Tumalim ang kanyang mga mata sa diyos.

Of course, what happened between them centuries ago is just a fling. Maraming manliligaw noon si Medusa, ngunit si Adonis ang pinakamakulit sa kanilang lahat. Plus points na rin dito ang katotohanang isa siyang diyos at sadyang matipuno ang pangangatawan niya. Adonis is the epitome of a perfect man, and Medusa took advantage of this to make other goddesses envious of her.

Hanggang ngayon ay parang gustong tumawa nang pang-kontrabida ni Medusa tuwing maaalala niya ang dismayadong mukha ng mga fangirls ni Adonis sa Olympus nang malamang magkasintahan sila. Yes, she was a sadist like that. Seeing them die of envy was Medusa's achievement.

Matagal siyang tinitigan ni Adonis bago ito muling nagsalita.

"Nagkakagulo ngayon sa Olympus."

"Tell me something I don't know, darling. Palagi namang nagkakagulo sa dumpsite na 'yon." Pagtataray ni Medusa habang tinitingnan ang kanyang mga kuko sa kamay. Parang gusto niyang magpa-manicure ulit kay Caprissa mamaya.

Still, Adonis was serious.

"Hindi mo naiintindihan, Medusa.. lalong namumuo ang tensyon sa pagitan ng mga diyos. Gods and goddesses are slowly losing faith in Zeus' leadership, and Ares is secretly plotting to take his father's throne. Nahahati ngayon ang pananalig ng mga diyos at diyosa sa pagitan ng pamumuno ni Zeus at ang rebelyon ni Ares. Naging malaking isyu noon ang pagtakas mo sa kulungan ni Hades.."

"Hmm. And then?" Medusa still looked uninterested. Mas magiging interesado pa nga yata siyang kausapin ang bato sa paanan niya.

"Kung sinumang makakahuli at makakapagpabalik sa'yo sa Underworld, sa kanya susuporta ang iba pang mga diyos at diyosa. Right now, Zeus is hellbent on dragging you back to Hades' dungeons because he wants to gain back the support of other gods and goddesses. Samantala, ipinangako ni Ares sa mga diyos at diyosa na bitay ang ipapataw na parusa sa'yo kapag siya ang nakahuli sa'yo.. the god of war is now gaining more sympathy from Zeus' old allies, giving him an edge to take that throne from his father."

Medusa yawned and crossed her legs. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagsunod ng mga mata ni Adonis sa makikinis niyang mga binti.

"So, in short, they want to make me their little trophy? Paunahan sila sa paghuli sa'kin para suportahan sila ng ibang mga diyos at diyosang wala namang ibang ginawa kundi magpa-parlor sa Tartarus? Whoever gets me first will have the throne?"

Tumango si Adonis.

Humagalpak nang tawa ang dalaga at tumayo mula sa kanyang pwesto. "HAHAHAHA! How awful," her sharp eyes held him in place. Humakbang siya papalapit may Adonis at pinasadahan ng kamay ang matipuno nitong didbib. Her hands trailed lower down his torso.

Medusa smirked when she heard a moan come out of his delicious mouth. 'Mapa-diyos man o mortal, pare-pareho lang ang mga lalaki.'

She sensually whispered in his ear. "Sorry, darling. But you should know by now that I'm a bit hard to get. Tell those gods to fuck off and leave me alone. Maghanap sila ng ibang babaeng pwede nilang gawing tropeyo, because I'm not gonna volunteer my sexy ass for them."

Her snakes hissed at him. Humakbang siya papalayo sa diyos at sinimulan nang maglakad pabalik sa warehouse. Her tight orange dress left him aching as she dismissed him.

"Now, if you'll excuse me, kailangan ko pang parusahan ang personal assistant kong nakikipagpalitan pa rin ng mukha sa isang simpleng babaeng wala pa sa kalingkingan ng ganda ko. Ciao!"

---

✔Sold to MedusaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang