SEPTEMDECIM

821 72 10
                                    

"Teka, pare.. pakiulit nga. 'Yong lenggwaheng maiintindihan ko naman kasi pakiramdam ko ibang version ng Tagalog ang ginagamit mo." Naguguluhang sabi ni Desmond sabay kumagat ulit sa kanyang sandwich.

Napabuntong-hininga ako. "Nakakaintindi ka naman ng Tagalog 'di ba? Hindi ko na uulitin ang sinabi ko. Langya, ang haba-haba ng paliwanag ko eh!" Naiinis kong sabi at sumandal na lang sa upuan.

Ilang oras bago ang first period namin sa umaga, naisipan kong ayaing pumasok nang maaga ang kaibigan ko. Nang makauwi ako kagabi galing sa pang-aalipin sa'kin ni Medusa, nakahinga ako nang maluwag nang mapansin kong nawalan na ng bisa ang pana ni Eros kay Desmond. In fact, he woke up with no memories of the creepy things he told me! Mabuti na 'yon dahil ayoko na ring balikan. Para akong na-trauma sa panlalandi sa'kin ni Desmond.

Anyway, I dragged him to school early because I wanted to tell him all about the madness happening in my life eversince he sold me to Medusa. Ilang araw pa lang ang nakakaraan, pero pakiramdam ko malapit na akong mabaliw. At dahil sa kanya naman nagsimula ang kalokohang ito, mukhang ayos lang namang malaman niya.

Ang hindi ayos ay noong binayaran ko pa siya kanina para lang pumasok siya nang maaga. Nanghingi pa ng ₱100 para bumangon siya sa higaan niya. He argued that since I was violating his "human rights", kailangan raw may bayad-pinsala ang panggigising ko sa kanya.

Yup, he's back to normal.

Huminga ako nang malalim. 'I wonder what will happen today.. aatakihin na naman kaya ako ng isang minotaur, maloloko sa mga pana ni Eros, o pagbabantaan ng mga diyos na naghahanap kay Medusa?'

Matagal-tagal rin bago nakapagsalita si Desmond. Napansin niya sigurong hindi ako nakikipagbiruan sa kanya. Langya, dahil sa pagbenta niya sa akin noon kay Medusa, gumulo lalo ang buhay ko!

"Err.. so let me get this straight: magmula nang maging personal assistant ka ni Medusa, nagpapakita na sa'yo ang mga Greek gods and goddess na pinag-aaralan lang natin dati noong junior high?"

"Oo."

"Tapos binabayaran ka na pala ni Medusa pero hindi mo pa ako binibigyan ng porsyento?!"

Tumalim ang mga mata ko, "DESMOND!"

He laughed nervously and scratched the back of his head. "Hahaha! Just kidding, 'tol. Pero seryoso, baka kasama talaga yung abilidad na makakita ka ng mga diyos at diyosa sa pagiging tauhan ni Medusa? Parang promo sa mga grocery na kapag bumili ka ng pasta noodles, may kasama nang spaghetti sauce. Tapos dahil sa spaghetti sauce na 'yon, nakapag-spaghetti ka kahit wala ka naman talagang planong mag-spaghetti dahil yung noodles lang talaga dapat ang bibilhin mo. Pero dahil nanghihinayang ka sa kasamang sauce sa promo, napilitan ka tuloy magluto ng spaghetti."

"Summary, pre. Nagutom lang ako."

Napasimangot si Desmond, "Ang summary nito, Rein... Ay baka noong 'aksidente' kitang naibenta kay Medusa para maging tauhan niya, kasama na talaga doon sa kasunduan na magkakaroon ka ng powers na makakita ng mga diyos at diyosa. At dahil kasama na talaga ito sa trabaho mo, no choice ka na lang."

"Geez. Salamat sa napakabuting advice. Nakatulong talaga. Tsk!" Oo, nagiging sarkastiko na ako ngayon. Nagutom kasi ako sa spaghetti-spaghetti na sinasabi niya. Ni hindi pa man din ako nag-aalmusal.

Napalingon ako sa cellphone ko nang bigla itong tumunog. Nagtaka ako dahil unregistered number ang naroon.

From: +63911....

Hi kuya rein! Caprissa to. May pinapagawa po sayo c lady medusa. Wait lng send ko sau.     (✿^‿^)

"How the hell did they get my number?"

✔Sold to MedusaWhere stories live. Discover now