DUODESEXAGINTA

777 67 1
                                    

Medusa thought the world ended once someone ruins everything for you.

Noong gabing tuluyan na niyang nawala ang kanyang dignidad kasabay ng pagkawasak ng kanyang puso, ang buong akala ni Medusa, wala nang pag-asa pang magmahal ang isang kagaya niya. So when the goddess Athena confronted her and offered her help, iisa lang ang hininiling ni Medusa.

"Take the pain away. Turn me into a monster."

Lingid sa kaalaman ng nakararami, hindi siya isinumpa ni Athena bilang kaparusahan.

Si Medusa mismo ang nagmakaawa sa diyosa para sa sumpang iyon.

That night, behind the bookshelves of her lavish library, Medusa and Athena made an agreement. Ilang siglo ang lumipas, pinanghahawakan pa rin ni Medusa ang kasunduang iyon. Katulad nga ng sinabi niya noon kay Linae, may mga kondisyon ang sumpang ipinataw sa kanya ng diyosa ng karunungan.

Pero ngayong hindi na siya makakatapak pang muli sa templo ni Athena, nawalan na ng saysay ang lahat.

The moral lesson?

'Never make a decision with a broken heart.'

Dumako ang kanyang mga mata sa natutulog na mortal. Rein laid on his side and slept soundly like a child. She stared at his features and brushed his brown bangs away from his sweaty forehead. Masuyo niyang hinalikan ang noo ni Rein at ngumiti nang mapait bago niya inayos ang kumot nito.

The black kissmark tattoo was still etched on his skin.

The night she lost everything, Medusa thought no man will ever care to make love to her. Sino nga naman ang gugustuhing haplusin ang isang halimaw na matagal nang pinagkaitan ng karapatang magmahal?

But of course, Rein Aristello just had to prove her wrong. Again.

Huminga siya nang malalim, isinuot muli ang kanyang damit, at inayos ang sarili. The clock on the opposite wall read 3:14 a.m. Ilang oras na lang at mag-aanyong pusa na naman siya. It's fine. Aabutin naman siya ng isang araw sa paglalakbay. Malamang gabi na siya makakarating doon.

Noong mga sandaling iyon, aksidente niyang natakapan ang ilang piraso ng nabasag na bote. Sinulyapan niya ito at lihim na napangiti.

He just wasted the love potion.

"Stupid mortal.."

One last time, Medusa averted her eyes to him. Alam niyang kasusuklaman siya nito kapag nalaman niyang umalis na naman siya. Maiiwang bakante ang espasyo sa kanyang tabi. Pero alam ni Medusa na hindi magtatagal, pupunan din ito ng iba. Rein Aristello will continue to live his normal life and will, hopefully, move on from her.

Like she never existed.

"Let me cherish this memory and take it with me to my grave, Rein. Maraming salamat sa lahat. I'm sorry."

At tuluyan na siyang umalis sa silid ni Rein para simulan ang kanyang paglalakbay papuntang Olympus.

*

Nagkakagulo sa templo.

Hanggang ngayon ay nagbabangayan pa rin ang mga diyos at diyosa sa kung ano ang dapat gawin. Magmula nang bumalik sina Artemis at Ares bitbit ang duguang trident ng diyos ng karagatan, alam nilang hindi sila pwedeng pagpakakampante sa mga nangyayari ngayon. That monster killed a god, and now the others fear that they'll suffer the same fate if they don't put an "end" to this growing threat immediately.

"Tanggalin na natin ang palugit na ibinigay ni Zeus at magpadala na tayo ngayon ng mga halimaw sa Eastwood! Tama ang hinala kong hindi titigil ang halimaw na 'yon hangga't hindi niya tayo nauubos!" Hestia growled, clearly stressed with the news.

✔Sold to MedusaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon