TRIGINTA TRES

754 86 36
                                    

Sinundan ni Lady Medusa si Orpheus hanggang sa makarating sila sa bukana ng lagusang magdadala sa kanya sa ilog ng Styx. They stopped at a lake in the middle of the forest. Mula rito, natatanaw niya ang isang lumang cabin sa kadiliman ng paligid. May mangilan-ngilang alitaptap pang kumukutitap sa dilim.

Medusa stared at the lake's surface as its still waters reflected the moon. Namayani ang nakabibinging katahimikan at ngayon pa lang, nararamdaman na ng dalaga ang kabang kanina pa niya pinipilit itago.

She doesn't want to show Orpheus that this bothered her more than it should.

Hindi naging maganda ang memoryang iniwan niya sa kanyang mga kapatid, at ni hindi niya alam kung mapapatawad ba siya nina Stheno at Euryale. Ilang dekada na silang hindi nag-uusap kaya hindi alam ni Medusa kung anong gagawin kapag nagkita-kita na ulit sila.

'Tuso talaga ang dalawang 'yon. They know that I will be forced to save my employees, no matter what happens.'

Hindi na napansin ni Medusa na naikuyom na pala niya ang kanyang mga kamao sa kaba. Her sharp fuschia pink fingernails pierced through her palms, leaving cresent-shaped wounds. Huminga siya nang malalim at inis niyang nilingon si Orpheus, "Kung inaasahan mong lalangoy ako para makapunta sa sinasabi mong lagusan, that won't fucking happen. I don't like to get my hair or my clothes wet."

Napapailing na lang si Orpheus sa ikli ng pasensya niya.

"Be patient, Medusa. Your short-temper will someday be your greatest liability." Orpheus lazily smiled and started strumming his lyre again.

Musicophile, a person who loves music.

Umalingawngaw sa katahimikan ng kagubatan ang malungkot na musikang nagmumula sa kanyang instrumento.

Soon, the lake started responding. Walang-ganang pinanood ni Medusa ang unti-unting paghawi ng tubig hanggang sa lumitaw ang ilalim ng lawa. It created a dry path that plunged deeper into the darkness.

'Underwater pala ang lagusan ng Styx river mula dito sa Eastwood.'

"Be careful, Gorgon. Hindi biro ang magiging paglalakbay mo sa ilog ng Styx. The river often kills anyone who dares crosses it. Mabubuhay ang mga bangungot mo at posible kang mabaliw sa lugar na 'yon." Seryosong bilin sa kanya ni Orpheus. They weren't really friends, pero naramdaman ni Medusa na nagsasabi ito ng totoo.

Ngumisi na lang ang dalaga at hinawi ang kanyang kulay berdeng buhok. She wore a tight-fitted gray dress with a matching pearl necklace. Ridiculously expensive for a journey to an island of monsters? Yes. Definitely.

"Believe me, I've already lived through my nightmares. Wala na akong kinakatakutan."

At sinimulan na ni Medusa ang kanyang paglalakbay. Tinahak niya ang lupang lumitaw nang humawi ang tubig sa lawa. Nakatitig lang sa kanya ang ilang mga isda na para bang hindi makapaniwala sa kanyang gagawin. Kamuntikan pa siyang natawa nang makita ang isang sports car sa ilalim ng lawa. 'Seriously? Sino bang baliw ang magtatapon ng sasakyan dito sa lawa?'

But as Medusa ventured deeper into the abyss, the light coming from the moon slowly vanished until she has nothing but the empty darkness ahead of her.

Nakatanaw pa rin sa kanya si Orpheus na  patuloy pa ring pinapatugtog ang lyre. Isang malungkot na himig pa rin ang umaalunig sa paligid. Kahit pa nailigtas niya noon ang asawang si Eurydice, alam ni Orpheus na may nagbago sa kanya nang tinahak niya ang parehong landas na tinatahak ngayon ni Medusa.

Iyon ang rason kung bakit malungkot pa rin ang musikang kaya niyang patugtugin.

'The Underworld broke something inside me.. a song that I can never find the proper tune to again.'

✔Sold to MedusaWhere stories live. Discover now