SEXAGINTA

695 71 7
                                    

Marami talagang sorpresa ang buhay.

Matagal ko nang alam na halos perpekto si Pamela at may kakaiba sa kanyang ganda. I mean, I guess it wasn't just me being my "love-sick" self when I told you before that whenever Pamela smiles, it brightens up the room---because it literally does! Matagal ko na rin alam na mabait, matalino, mapagkalinga at maganda si Pamela. Alam ko na 'yon.

Pero ang hindi ko alam ay isa pala siyang diyosa.

Ilang segundo rin kanina ang inabot bago ako makabawi sa pagkabigla. Nang mahimasmasan na ako, agad kong sinubukang linawin kung anong nangyayari...

"T- Teka, paano nangyari 'yon? Halos kababata na rin namin si Pamela! Magkaklase kami mula noong elementary. I thought goddesses were immortal?"

Pamela---I mean, Aphrodite---smiled sweetly at me and explained in a melodic voice that can put mortal lullabies to shame.

"I was undercover. Kaya kong baguhin ang anyo ko para tumbasan ang edad ng kahit sinong mortal. I can turn myself into a kid like this..."

Halos lumuwa ang mga mata ko nang bigla nga siyang nagbagong-anyo. Lumiit siya at naging bilugan ang mga pisngi. Naalala ko ang batang si Pamela. Ganito mismo ang histura niya noon. 'Because Aphrodite IS Pamela, you idiot!' my mind had to remind me.

"...or I can look like my eighteen-year-old self, like this." Masiglang sabi ng batang Pamela/Aphrodite bago siya bumalik sa normal niyang anyo. "Matagal na kitang binabantayan, Rein Aristello. Kaya kinailangan kong makiangkop sa buhay ninyong mga tao. That's also the reason why we're always in the same class. Hindi mo ba napapansin? I'm sorry I haven't told you this sooner. Trust me, I am still the Pamela you knew and admired."

Sana man lang may botika sa Underworld na nagtitinda ng gamot para sa sakit ng ulo.

Anyway, after that, Eros insisted that we follow them to the forest. Hindi ko na kinuwestiyon dahil hanggang ngayon "loading" pa rin ang utak ko sa rebelasyong natuklasan ko. Who would've guessed that she's THE Aphrodite? The goddess of beauty and desire! It all makes (twisted) sense now. Kaya gusto siya ng lahat. May itinatago pala siyang "charms" ng isang diyosa.

Nang sinimulan na namin ang paglalakbay sa gubat, nilakasan ko ang loob ko at tinanong kay Aphrodite kung bakit niya ako binabantayan. Pero sa kasamaang-palad, ang sinabi niya lang: "Ginawa ko lang ang pinag-uutos ni Athena. I'm sorry, I can't tell you anymore information. Baka magalit sa'kin ang diyosa." Nakangiti niyang sabi. Instead, she started explaining things to me about her life as Pamela. Para daw "makiangkop" sa buhay naming mga mortal, they needed to "alter" Mr. Lavista's memory. Biyudo na si Professor Lavista kaya hindi sila nahirapan. Ang ginawa raw nila (sa tulong ni Mnemosyne, ang diyosa ng mga alaala), in-edit daw nila ang mga memorya ni Prof Lavista.

They made him believe that he had a daughter.. when in reality, he doesn't.

Thus, the Aphrodite a.k.a. "Pamela Lavista" blended in perfectly.

Gustuhin ko mang maawa kay Prof Lavista dahil sa pag-eedit nila ng mga alaala nito, may maliit na boses sa isip ko na sinasabing naging masaya naman ang buhay ni Prof Lavista nang magkaroon siya ng instant "anak".

"Psst! Rein!"

Napabalik lang ako sa kasalukuyan nang banggain ni Desmond ang balikat ko. Napasimangot ako sa kanya. "Ano?"

He grinned teasingly, "Ano pakiramdam na girlfriend mo ang isang diyosa? Tol, naka-jackpot ka! Hahaha!"

Oh. Hindi pa nga rin pala niya alam.

"Nakipag-break na ako sa kanya kanina."

Kamuntikan nang malaglag ang panga ni Desmond sa sinabi ko.

✔Sold to MedusaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang