DUODETRIGINTA

691 74 8
                                    

I can't feel my legs anymore.

Para bang may pumapatay sa mga ugat ko sa paa hanggang sa tuluyan nang mamanhid ang mga ito. Bukod doon, nagiging malamig ang balat ko habang unti-unti itong tumitigas na parang semento. Hindi ko na kailangang tingnan ang mga binti ko para malaman kung anong nangyayari...

My boss is turning me to stone.

'Shit!'

Hindi ko maialis ang mga mata ko kay Medusa. Her emotionless gaze glued me on the spot. Her soul speaks a thousand words behind those dark brown eyes, and I can't help but feel terrified of her. Nahihirapan na akong huminga at pakiramdam ko bumabagal na rin ang tibok ng puso ko. Patuloy pa rin akong inaabot ng mga ahas niya sa ulo, pilit akong tinutuklaw.

'Great. Mula sa pagiging PA niya, promoted na ako sa pagiging estatwa!'

Kung alam ko lang sana na sa ganito lang din pala magtatapos ang buhay ko, sana nakapagtabi na ako ng perang gagamitin para sa pamburol ko. Pero dahil alam kong malakas ang "radar" ni Desmond sa anumang may monetary value, baka hindi rin ako makapagtabi ng kahit piso.

"You disrespectful bastard... Stop comparing me to that ugly mortal! Wala kang alam sa sitwasyon ko!" Asik sa'kin ni Medusa. Her blood red lips curled into a frown. Damn it! Hindi man lang ba siya naaawa sa'kin?

I really like her better when she's a chubby orange cat. Kapag pusa siya, oo, mabigat siya, pero hindi niya ako pwedeng gawing estatwa. Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi porke't boss ko siya, pwede na siyang umakto na parang pagmamay-ari niya ako. I mean, yeah---my shitty bestfriend just sold me to Medusa, pero hindi niya nabili ang kaluluwa ko!

At lalong hindi niya nabili ang puso ko.

Sa ngayon, galit pa rin ako sa kanya sa pagtaboy at pamamahiya niya kay Pamela. She scared the shit out of my crush! Anupaman ang rason niya, sinira niya pa rin ang "moment" namin ni Pamela. Why does she have to be so fucking heartless?

"Nauubusan na ako ng pasensya sa'yo, Aristello. Kung alam ko lang na puro sakit ng ulo ang ibibigay mo sa'kin, sana pala pinatay na lang kita.."

"Go ahead and kill me. Patunayan mong tama lang ang nakasulat sa libro naming mga mortal tungkol sa'yo, Medusa! You're a monster, and that's the reason why no one loves you." Ngumisi ako.

Pagak na natawa ang halimaw. "At ano naman ang iba pang nakasulat sa mga libro niyong puro kasinungalingan?"

"Tatlo kayong magkakapatid, pero ikaw lang ang ipinanganak na mortal. Maraming naiinggit noon sa kagandahan mo. Eventually, you became a priestess in Athena's temple," huminga ako nang malalim at hindi ininda ang pagkirot ng braso ko, "Nagkaroon ka ng relasyon kay Poseidon. Kahit na alam mong bawal, nakipagrelasyon ka pa rin. Kaya pinarusahan ka ng diyosang si Athena."

"Damn it! H-Hindi mo alam ang--"

"Hindi ba totoo? Since then, you started living with your monstrous sisters and turned anyone who stared at you to stone." Pagak akong natawa, "Alam mo kung bakit ayaw mong ikinukumpara kita kay Pamela? Hindi mo kasi kayang tanggapin na may mas lamang sa'yo. Akala mo makokontrol mo ang lahat dahil lang sa mayaman ka't maganda. You use your looks to seduce men. Ganda lang naman ang habol nina Poseidon at Adonis sa'yo, and I'm pretty sure you love the attention."

"S-Stop..."

"Hindi ikaw si Pamela, kaya walang nagmamahal sa'yo, Medusa."

Lalong sumiklab ang galit sa mga mata niya. It looks like I hit a sore spot.

Maya-maya pa, biglang nangyari ang isang bagay na hindi ko inaasahan. Unti-unting nagbago ang histura ni Medusa. Ang makinis at maputi niyang balat ay naging kulay itim. Snake-like scales crawled up her neck until it completely devoured her face. Her sharp brown eyes lost their color and became a sinister black. It reminded me of those blackholes I used to see in sci-fi movies.

✔Sold to MedusaWhere stories live. Discover now