UNUM

2.2K 162 13
                                    

Matagal ko nang alam na mukhang pera ang bestfriend ko.

Noon ngang mga bata kami, palagi niyang ibinebenta ang mga laruang kotse ko tuwing 'di ako nakatingin. Magugulat na lang ako na napuno na pala ang wallet niya. Before, I'd always tackle him to the ground and complain about it. Sino ba namang bata ang matutuwa kung ibinebenta ng hudas mong kaibigan ang mga gamit mo?

He sold everything!

My favorite shirt (₱700).

My ink gel pen in the 7th grade (₱40).

Even my freakin' boxer shorts! (₱100)

And now, he's selling me! Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaasar na sa halagang two-hundread fifty pesos, manganganib na ang buhay ko. Damn, I'm insulted! Mas malala pa 'to kaysa noong pinagkakitaan niya akong ipakasal sa mga nagkaka-crush sa'kin noong Foundation Day!

"Ibenta ko na rin kaya siya? Nakakasawa na eh!"

Akala ko noong elementary at high school, magtitino na ang siraulong 'yon, kaso mukhang lalong lumala. Kalaunan, pinagkakitaan na rin niya ang pagpapa-picture ng mga nagkaka-crush sa'kin. Pati sa mga taga-ibang section, binugaw niya ako!

"O, mura lang! Pa-picture na kayo kay Rein! Singkwenta, tatlong shots! Plus bente kapag may kasamang akbay. Plus ₱100 kapag may kiss! Bwahahaha!"

Desmond doesn't really care about anything except for money.

Isang dekada ko na rin pinagtitiisan ang ugali ng kambal-tuko ko. Believe me, sometimes I just want to send him off to Mars and forget that that bastard even existed. Palagi na lang kasi akong dinadamay sa mga kalokohan niya! And now, he just crossed the fucking line.

"Chrometophile, a person who loves money."

Agad kong pinunit at sulat na iniwan niya sa'kin. Kakagaling ko lang sa probinsiya namin. Kaya pala kanina pa ako nagtataka dahil hindi ko pa siya nakikita mula nang dumating ako. But the moment I unlocked my bedroom door, I spotted this sheet of paper on the floor. He probably slipped it under the door or something.

Kilala ko ang sulat ni Desmond, kaya't alam ko ring legit ito.

Pero sana nga hindi 'to legit. Sana prank na lang ito ng isa naming kaibigan para lang pakabahin ako.. but damn it! Why do I have a bad feeling about this?

Huminga ako nang malalim. Inaninag ko ulit ang nakalagay sa dulo.

Summary: Rein, pare.. ibinenta kita kay Medusa sa halagang 250 pesos. 'Wag ka sanang magagalit sa'kin. Binugaw lang naman kita sa isang mythological character.

'Calm down, Rein. Calm the fuck down.'

"Tsk! Bullshit!"

Sino ba namang kakalma kung malalaman mong ibinubugaw ka na naman ng magaling mong kaibigan?! Mata lang talaga walang latay sa baliw na 'yon! Mabilis akong lumabas ng kwarto at kinatok ang kabilang pinto. Halos masira ko na yata dahil sa lakas ng pagkatok ko.

Nakakapang-init talaga ng ulo!

"HOY, DESMOND! LUMABAS KA DIYANG GAGO KA!"

Kinalampag ko nang kinalampag ang pinto ng kwarto niya. Alam kong gising pa siya ngayon dahil sa ilaw na nagmumula rito. Galit akong tumawag sa kanya hanggang sa marinig ko na ang pagbubukas niya ng lock. Kabado siyang sumilip sa maliit na siwang ng pinto at ngumiti nang alanganin sa'kin.

"P-Pare! Nandiyan ka na pala? Hindi kita napansin. H-Hehehe!"

I crossed my arms over my chest and scowled at him. Does he really think he can get away with this?

✔Sold to MedusaWhere stories live. Discover now