QUINQUAGINTA

656 61 0
                                    

Kinabukasan, pumasok na ako sa  klase ko. I'd be lying if I told you I don't feel like an instant celebrity. Kasi nang dumaan ako kanina sa mga hallway, kapansin-pansin na pinagtitinginan ako ng ibang mga estudyante sa College of Engineering.

Either it's because I'm actually fifteen minutes earlier than my usual time, or they figured out that I've been kidnapped by Gorgons and survived the Underaworld in one piece.

Pero dahil alam kong wala namang ibang nakakaalam tungkol sa tunay na dahilan ng "pagkawala" ko, mas malamang 'yong nauna.

Nang pumasok na ako sa loob ng classroom namin, agad akong binati ng mga kaklase ko. I exchanged greetings and told them I was fine. Tulad ng ginawang "excuse" ni Pamela, sinabi kong nagkasakit lang ako. Nakakatuwa lang na concerned silang lahat sa kalagayan ko. Damn, I miss this. I miss my normal life. 'Naging abnormal lang naman ang buhay mo mula nang ibinenta ka ni Desmond kay Lady Medusa eh,' paalala na naman sa'kin ng utak ko.

Hindi ko na lang ito pinansin.

Sa ngayon, gugustuhin ko munang namnamin ang panandaliang pakiramdam ng isang normal na college student.

No immortal gods. No angry Gorgon sisters. No talking walls.

No Lady Medusa.

Natigilan ako sa naisip ko. Hindi ko na naman alam ang dapat kong maramdaman.

Don't get me wrong, I'm not mad at her. Naguguluhan lang ako dahil may isang parte sa'king gustong sabihin sa kanya ang katotohanan kay Linae (kahit pa malamang gawin niya akong bato kasi ilang araw ko na rin 'tong nililihim sa kanya), habang ang isang parte ko naman, mas gustong itago na lang muna ito para hindi siya umalis ng Eastwood. Those two sides had been bothering me since yesterday and it's emotionally frustrating, even for a member of the male species.

Naguguluhan na ako sa kung ano ang dapat kong gawin at ano ang gusto kong gawin.

Right now, I just need a break.

"REIN!"

Napabalik lang ako sa kasalukuyan nang biglang tumakbo papalapit sa'kin si Pamela at agad akong niyakap.

Napuno ng hiyawan ang loob ng classroom namin. Halos mabingi na ako sa lakas ng "AYIEEEEEE!" ng mga babae habang sunod-sunod naman ang "Nice one, Aristello!" ng mga lalaking minsan ko nang naging mga kakampi sa mobile gaming.

Ako?

Natuod lang ako sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang gulat.

Pamela hugged me tighter and I tried not to give attention to the fact that her chest area was pressing against my body. Namumula na naman panigurado ang mga tainga ko.

"P-Pamela...?"

"I missed you. Okay ka lang? Saan ka ba nanggaling? Ang dami mo nang na-miss na lessons! N-Nag-alala ako sa'yo, Rein.. akala ko hindi ka na babalik." She pulled back and stared at me. A worried look graced her angelic features. Her cheeks were even a bit flushed.

Nakatulala lang ako sa kanya ng ilang segundo. Just then, I noticed her becoming uncomfortable. Biglang kumalas sa pagkakayakap niya sa'kin si Pamela at kumunot ang noo. "Rein, may problema ba?"

I smiled, "Nothing. Naalala ko lang kung ilang beses kong pinangarap noon na mangyari 'to. I've.. I've always wished you'd see me more than a friend, you know? I'm just a bit...shocked."

"Are you h-happy?"

"O-Oo. I'm happy, Pamela. Thank you for worrying about me."

Alanganin na lang siyang tumango.

✔Sold to MedusaWhere stories live. Discover now