UNDEQUINQUAGINTA

625 57 0
                                    

Nang madaan ako sa magulong lansangan ng Eastwood, doon ko nakita ang naging epekto ng panggugulo ni Anteros. Some parts of the streets were still flooded while a few individuals cried their hearts out. Parang dehydrated na rin ang ilan sa kanila. Hindi ko alam na ganito pala ang epekto ng lyre ni Orpheus. Damn. Paano naman kaya nakuha ni Anteros ang musical instrument na 'yon?

This is all messed up.

Bakit ba palagi na lang Eastwood ang napagdidiskitahan ng mga imortal?

The only thing that puts me at ease was Adonis' assurance that the situation was not as bad a yesterday.  Mabuti na rin 'yon bago pa tuluyang maging lawa ang bayan.

'But am I an asshole to admit that I don't give a damn anymore?'

Oo, inaamin ko.. sa bigat ng nararamdaman ko ngayon at sa dami ng mga emosyong gumugulo sa'kin, I don't think I can give sympathy to anyone, anytime soon. Sunud-sunod ang mga problema at parang gusto ko nang sumuko. Kaya kailangan ko munang ayusin ang sarili ko bago ko subukang ayusin ang mga bagay sa paligid ko. I sighed. "You're just a little depressed, Rein. Lilipas din 'to."

Alam kong para akong lutang nang umuwi ako sa dormitoryo namin. Nang makapasok ba ako sa loob, nadatnan kong walang katao-tao sa may sala. Malamang may klase pa ang iba naming dormmates.

"Kenopsia." I was surprised by how emotionless my voice sounded.

Pagod na nga siguro ako.

Anyway, "kenopsia" is what you call that eerie and empty atmosphere of a place that is usually filled with people. Halimbawa, kapag pumunta ka sa eskwelahan sa araw ng walang pasok, para kang maninibago kasi nasanay ka nang marami estudyante at buhay ang paligid. Pero dahil walang katao-tao roon, pakiramdam mo parang pinakaitan ng buhay ang lugar. The absence of people gave the place a negative atmosphere.

Yup, that's kenopsia.

Huminga ako nang malalim. "Iba talaga ang epekto sa'yo kapag nawala na ang 'nakasanayan' mo."

And then, I remembered my feelings for Pamela. Hanggang ngayon, hindi ako makapagdesisyon kung nasanay na lang ba talaga ako sa kanya o kung malalim talaga ang nararamdaman ko. Damn. I hate doubting what I feel. This is crazy. Ano bang nangyayari sa'kin?

"Sleep. I just need to sleep."

Hopefully, I'll wake up next century without any angry gods trying to ruin my life.

Pero nang maglakad na ako sa direksyon ng kwarto ko, agad akong napahinto nang bumukas ang pinto. Desmond was still whistling when he waltz out of my room with a few of my ballpens in hand. Nang mapansin niya ako, he froze on the spot and quickly hid the pens behind his back.

"Rein, my friend! Hey, kailan ka pa nakabalik?"

"Kani-kanina lang."

Pagak siyang natawa, "Saan ka ba kasi nagpunta? Kung hindi pa kita hinanap kay Medu---"

"I don't want to talk about it, Mond. Gusto ko na munang magpahinga."

I know I'm being a jerk to my bestfriend, but I find it really difficult to sort out my emotions after all the craziness that had happened. Nang mapansin na rin Desmond na wala ako sa mood makipagkwentuhan sa kanya, marahan lang siyang tumango at umalis sa daanan ko. Nang dumako ulit ang mga mata ko sa hawak niyang mga ballpen, napakamot lang siya ng ulo.

"Yeah. I-I was just cleaning your bedroom.. tapos nakita ko ang mga 'to. H-Hihiramin ko lang sana? Hehehe.."

In other words, ibebenta niya.

'Same old Desmond. Bukod sa paghanga ko kay Pamela, ang pagiging negosyante lang yata ni Desmond ang hindi na magbabago.' Sa huli, walang-gana akong tumango at nilampasan siya. "Be my guest. You probably sold most of my stuff, anyway."

✔Sold to MedusaWhere stories live. Discover now