QUINQUAGINTA SEPTEM

715 67 7
                                    

He lost track of time again.

Or maybe he simply didn't care anymore?

Hindi na alam ni Rein Aristello kung alin ang totoo. Ang alam lang niya, sumapit na naman ang gabi at nakadungaw lang siya sa kalangitan habang nakaupo sa terrace ng kanilang dormitoryo. He stared at the lonely moon that hung over that blanket of darkness. The stars were absent tonight, as if silently reminding him that just like the moon, he was alone.

Mula rito, naririnig pa niya ang malakas na mga hilik ni Desmond. He smiled to himself and sighed, "Kasalanan mo 'to, Mond eh."

Oo, gumagawa na naman siya ng excuse.

Alam naman niyang hindi niya dapat sinisisi ang kaibigan. Walang may gustong sa ganito magtapos ang kwento. Pero sa pagkakataong ito, napapaisip si Rein, kung sakali bang alam ni Desmond na mangyayari ito sa kanya, ibebenta pa rin kaya siya nito kay Medusa? If Desmond didn't sell him to one of the most famous monsters in Greek mythology books, would things change for the better?

'No, I guess it won't.'

Dahil iniisip pa lang niyang hindi niya makikilala si Lady Medusa at ang mga tauhan nitong sina Markus at Caprissa, lalong bumibigat ang loob ni Rein. It's been one hell of a life with them in the picture. Magmula nang maging personal assistant siya ng Gorgon, aminado si Rein na napuno ng "excitement" ang boring niyang buhay.

Fighting monsters. Escaping angry gods and goddesses. Travelling to the Underworld. Getting his first haircut from a giant man-eating spider. Meeting the greatest craftsman in history. Stealing Apollo's chariot.

Everything was twisted and crazy...in a good way.

"Kaya bakit ba pakiramdam ko may mali pa rin? Anak ng pusa talaga oh."

Napabuntong-hininga na lang si Rein at inis na ginulo ang kanyang buhok. Anong oras na at hindi pa rin siya makatulog.

Ting!

Binasag ng tunog ang katahimikan. Dumako ang mga mata niya sa kanyang cellphone. Muntikan na niyang nakalimutan na katabi niya lang pala ito. Tinatamad na binuksan ni Rein ang text message. He was half-expecting it to be from someone else (although, that's impossible), but the other half of him knew it was from...

From: Baby
Gising ka pa??

Si Pamela. Napalunok si Rein at tinitigan lang ang screen. Alam niyang kailangan niyang mag-reply agad, kundi baka awayin siya ni Pamela. Sabi nina Bart, ganoon daw madalas ang mga girlfriend. Madalas pinagmumulan ng mga tampuhan ang late replies.

Yes, girlfriend.

After their little kissing scene a night ago, napagdesisyunan ni Rein na ligawan nang pormal si Pamela. Pero nagulat na lang siya nang ianunsyo ng dalaga na "hindi na kailangan" ng panliligaw dahil "mutual" na rin naman ang nararamdaman nila. "Label now, ligaw later" those were Pam's words, not his. Syempre, hindi na niya ito kinuwestiyon. Aangal pa ba siya kung iyon ang gusto ng pinakamamahal niya?

They've officially been together for 24 hours now.

'First day-sary?'

Kanina sa eskwelahan, pinagtitinginan sila ng ibang mga estudyante dahil magkahawak-kamay silang naglalakad sa pasilyo. Of course, they got a lot of support and the occasional "AYIEEEE" noise. Maraming natuwa (example: Desmond) pero marami rin namang nainis (example: Keifer). Pero wala nang pakialam pa roon sina Rein at Pamela. For all they know, their loveteam was acceptable. Sabay nilang kinain ang lunch na niluto ni Pam para sa kanya, at sabay rin silang umuwi. Of course, they kissed again before parting ways. Inabisuhan na rin siya ni Pamela na magtetext ito.

✔Sold to MedusaWhere stories live. Discover now