QUADRAGINTA SEX

680 63 0
                                    

Ares stood at the rooftop of the tallest builing in Eastwood. He blended in perfectly with the shadows despite his armor catching the light of the moon. Tahimik niyang pinagmasdan ang mga kabahayan. Sa kanyang magkabilang gilid, nakabantay ang kanyang mga alagad na sina Deimos at Phobos. 

Sa mga oras na ito, mahimbing nang natutulog ang karamihan ng mga mortal.

'Kapag ako na ang namumuno sa Olympus, ipapatayo ko ang emperyo ko sa malungkot niyong lipunan. I might even transfer the temple here and make you my slaves,' isip-isip ng diyos ng digmaan. Paniguradong sasambahin siya ng mga ito at wala nang magagawa ang ibang mga diyos kundi sumunod sa lahat ng ipapagawa niya.

Zeus will be erased from the memory of every mortal and immortal---for good.

"Bago iyon, kailangan na muna nating unahan si Zeus at huliin ang halimaw."

Only then can he gain enough sympathy from the other gods who can help him with the rebellion.

Kapag tuluyan na niya napatalsik ang kanilang ama, baka pati si Athena ay pumanig na rin sa kanya. He'll force her into marriage, of course. Kapag siya na ang namumuno sa lahat, wala nang dahilan ang diyosa para tanggihan siya.

Pero mukhang hindi pumapanig sa kanya ang tadhana.

Sa kanyang iritasyon, hindi dumaan sa ilog ng Styx sina Medusa at ang mortal. Nang ipatugis niya ang mga ito kanina, nabigo lang ang kanyang mga alagad. Malamang ay nagtago na ang mga 'yon sa Tartarus. As much as Ares wanted to hunt them down himself, alam niyang masyadong delikado. Ang balita niya, ipinadala na ni Zeus si Artemis sa Tartarus. Kapag nalaman ni Artemis na nakikialam siya sa paghahanap, baka maghinala ito at mabuko ang kanyang mga plano.

Hindi sila malapit ni Artemis. Masyadong tapat ang diyosang 'yon sa mga idelohiya ni Zeus, kaya alam niyang hindi niya ito mauutong pumanig sa kanya.

A few minutes later, he felt the presence of another god behind him.

Hindi na niya kailangan pang lumingon para makilala ang bagong-dating. Iisang diyos lang naman ang kayang pantayan ang kanyang kasamaan. Ares knew an evil heart when he sees one.

"Anong sinabi ko sa'yo tungkol sa paggamit ng lyre ni Orpheus?" Singhal niya rito.

Behind him, he felt Anteros stop in his tracks. Ilang sandali pa, umalingawngaw ang nakakaloko nitong pagtawa. Ares angrily spun around and glared at him. Kung hindi niya lang mapapakinabangan ang isang 'to, baka kanina niya pa pinalapa kina Deimos at Phobos ang kakambal ni Eros.

"Hahahaha! Come on, it was a harmless joke!"

"Baha kanina sa sentro ng bayan at may tatlumpung mortal na isinugod sa ospital dahil naubusan sila ng tubig sa katawan. Harmless? Definitely not."

Anteros smirked, the wicked look never leaving his red eyes. "Actually, it's a total of thirty-one civilians. May na-ospital ulit kanina." He proudly stated.

Mahinang napamura si Ares. 'Ano pa bang aasahan ko sa kanya?' Sa isang iglap, sumulpot sa tabi ni Anteros sina Deimos at Phobos. Agad siyang hinawakan ng mga ito sa magkabilang braso at kinaladkad papalapit kay Ares. The god of unrequited love struggled, but he was no match for the strength of Ares' monsters.

"You're a fucking bastard, you know that? Ang lakas ng loob mong suwayin ang mga utos ko!" Ares growled and produced a knife in his right hand.

Mabilis niya itong isinaksak sa dibdib ng diyos na nagpakawala ng isang malakas na sigaw.

"GAAAAAAH!"

His scream tore through the silence of the night. Anteros weakly coughed out blood and eyed the blade on his chest. Halos bumaon na ang kabuuan ng patalim sa kanyang katawan.

'How inconvenient.'

Ilang sandali pa, napalitan ang kanyang sigaw ng paghagalpak niya ng tawa. Nang tuluyan nang lumayo sa kanina sina Deimos at Phobos, walang-gana niyang tinanggal ang kutsilyo at hinagis ito sa kanyang likuran. He wiped the blood off his lips and smirked when he saw the wound already healing.

"That's cute. We're immortals, remember? It'll take more than a knife to kill me, Ares."

Kalmado namang tumango ang diyos ng digmaan at sumagot sa baritono nitong boses, "Who said I intended to kill you? Ang diyos mismo na si Hephaestus ang may gawa ng kutsilyong 'yan. Ang sinumang imortal na masusugatan nito ay magkakaroon ng sumpa. You won't be able to teleport or use your full strength in another century or two."

"W-What the heck...?"

"Of course, I have the object that can do a counter-curse. Behave and I might give it to you. Pero sa susunod na kumilos ka nang hindi kumukonsulta sa'kin, hindi na ako magdadalawang-isip na ihagis ka sa impyerno. I bet Hades will love to make you an eternal slave in the deepest pits of the Underworld dungeons. Now, give me the lyre."

Naikuyom na lang ni Anteros ang kanyang mga kamao sa galit. Ares really is a pain in the ass. Gustuhin man niyang manlaban, alam niyang mas malakas ng kapangyarihan at mas tuso ang diyos ng digmaan. Plus, he doesn't want to miss an opportunity to finally kill his brother. It's his end of the bargain afterall.

Kapag naupo na sa trono si Ares, may kapangyarihan na siyang tanggalin ang imortalidad ni Eros para mapatay niya ito.

'Bastard.'

Ikinumpas niya ang kanyang kamay at lumitaw sa harapan ni Ares ang instrumento. Agad niya itong kinuha at hindi na nag-abala pang i-reverse ang ginawa niyang pagpapaiyak sa mga tao. Either he hates humans too or he simply doesn't know how to play a musical instrument.

Anteros doesn't give a damn anymore.

"Pabalik na sila."

He said as a matter of fact and stood up. The god of unrequited love cursed under his breath when he saw the blood stain on his clothes.

"Kailangan na lang natin paghandaan ang kanilang pagbabalik. I assume you already found their hideout?"

Tumango si Anteros at pinasadahan ng kamay ang kanyang nagulong buhok. "Yeah. Nagtatago lang pala sa isang warehouse ang halimaw na 'yon.. But I already sent it crumbling down a while ago. Napansin ko rin kasing may enchantments ng isang mangkukulam ang lugar kaya hindi natin ito nahahanap agad. I only located it after I following Eros. Now that Medusa and her henchmen have nowhere to go, madali na natin siyang mahuhuli."

"Good. I have one last trick up my sleeve that'll surely surprise her," isang mala-demonyong ngiti ang sumilay sa labi ng diyos ng digmaan.

But instead of walking away, Anteros spoke again. "Alam mong may minahal na mortal noon si Medusa bago siya naging halimaw, hindi ba?"

"Yes. What about it?"

"Natuklasan kong kapangalan nito ang bestfriend ng personal assistant ni Medusa. I did some investigation earlier. Desmond rin ang pangalan niya..."

"He's a reincarnation?"

"Sadly, no. Nagkataon lang na magkapangalan sila," hindi pa rin nawawala ang kapilyuhan sa mga mata ni Anteros. "But that doesn't mean we can't take advantage of the situation, can we?"

Naunawaan agad ni Ares ang ideya niya. Evil minds think alike, indeed.

This should be fun.

---

✔Sold to MedusaWhere stories live. Discover now