DECIM

905 90 2
                                    

The guy with the blood red hair laughed and nodded. Mayabang pa siyang nag-bow na para bang isang maharlika.  Hindi talaga ako makapaniwalang nagkakatotoo ang mga Greek myths na pinag-aaralan lang namin noon. Cupid grinned and attempted to shake hands with me.

"The one and only! Though I'd like to go by the name 'Eros'. Greek origins, and all that. Pleased to finally meet Medusa's new assistant."

Hindi na ako nakipagkamay sa kanya. Bukod sa hindi pa rin ako makapaniwalang nakatayo ngayon sa harapan ko ang Greek god of love, napapansin kong mukhang ako lang ang nakakakita sa kanya. Pinagtitinginan na nga ako ng mga tao dahil para lang akong tangang nakatayo sa gitna ng sidewalk.

I boredly turned at Eros again.

"Erophile, a person who loves the aspect of love and love making."

He raised an eyebrow, "Huh?"

Damn mannerisms. "Nothing. Kakamayan sana kita, kaso ayokong ma-admit sa mental hospital dahil aakalain nilang nakikipagkamay ako sa hangin."

Alam ko namang dapat maging maingat ako sa mga sasabihin ko dahil kaharap ko ngayon ang isang diyos, pero nahihirapang mag-function nang maayos ang utak ko dahil sa kakulangan ng tulog.  Fortunately, Eros got my point, lowered his hand, and laughed. "I understand. Pardon me, pero ayoko munang magpakita sa mga mortal. Baka pagkaguluhan nila ako kung sakali."

I nodded and started walking towards the abandoned warehouse.

"Paano mo nalamang PA ako ni Medusa? At paano mo ako nahanap?"

Huminto ako sa tapat ng warehouse at nilingon si Eros. Mabuti na lang at wala nang masyadong dumaraan sa parteng ito. It was completely isolated from the other parts of Eastwood.

Sumeryoso naman ang eskpresyon ni Eros. He fiddled a red arrow and frowned. Kung hindi ako nagkakamali, iyan mismo ang mga panang ginagamit niya para paibigin ang mga tao. Cool.

"Mula nang tumakas si Medusa sa bilangguan ni Hades, naging wanted siya sa Olympus. Literally, there are wanted posters with face plastered everywhere in the halls! Ipinag-utos sa'min ni Zeus na hanapin siya at kaladkarin pabalik sa Underworld. The oracle keeps us updated from time to time, and she just told us yesterday about your employment. At kung paano kita nahanap, well, I'm a god.."

I sighed. Of course they'll know about everything. Mga diyos sila! Pero nang mabanggit ni Eros ang tungkol sa pagiging wanted ni Medusa, agad na tumalim ang mga mata ko. Hindi ko alam kung sineseryoso ko lang ang bilin ni Medusa na dapat nasa kanya ang loyalty ko o kung apektado pa rin ako sa naganap na minotaur attack kagabi.

"Nandito ka ba para hulihin siya?"

Eros smirked, "Dude, chill.. some gods took the old man's order seriously, but some gods---like me---don't give a shit about it. Hindi ako nagpunta rito para kaladkarin ang Gorgon na 'yan pabalik sa Underworld, kung 'yon ang iniisip mo. I'm just here out of curiosity!" Pagdedepensa ng diyos sa kanyang sarili.

At ngayong nasabi niya ito, I realized that Eros looks like a carefree and mischievous god. Para bang wala siyang pakialam tungkol sa pagiging wanted ni Medusa o sa utos ni Zeus. 'Zeus, the supreme ruler of all Greek gods.. sinong mag-aakalang totoo rin pala siya?' Makalipas ang ilang sandali, tumango ako.

Ngayong kausap ko na ang isang diyos, susulitin ko na ang pagkakataong ito para tanungin ang bagay na kagabi pa gumugulo sa isip ko.

"Alam mo ba kung sinong nagpadala ng minotaur sa'min kagabi?"

I am not stupid (well, most of the time). Malakas ang kutob kong may nag-utos sa minotaur para manggulo kagabi. Nakabantay ang mga diyos sa bawat kilos Medusa, at malamang noong nalaman nilang may nakuha na naman siyang "empleyado", hindi na ako magtataka kung may gustong "alisin" ako sa eksena. The less allies Medusa has, the better chances they'll catch her off guard.

✔Sold to MedusaWhere stories live. Discover now