QUINQUAGINTA SEX

639 55 0
                                    

Unrequited love is even more painful than stabbing an arrow to your chest.

Over the past centuries, Anteros had lived by his own twisted and philosophical views on "love". Kung tutuusin, madali lang umibig pero mahirap suklian ang pag-ibig ng taong hindi mo naman kayang mahalin. Bakit nangyayari ito? Sometimes, the answers can vary: wrong person, wrong place, wrong timing. Pero sa kabila nito, iisa lang naman ang nagiging resulta...

Atleast one person gets hurt.

So, as the god of unrequited love, Anteros has the "obligation" of punishing those who cannot love others back. Kumbaga, ipinaghihiganti niya ang mga taong nasasaktan. Para sa kanya, it's a noble cause. Especially since humans tend to abuse this so called "love".

He doesn't like humans.

Pero ngayon, para na rin siyang isang tao. Sino ba namang diyos ang kakailanganin pang mag-commute para lang makapunta sa ibang lugar?

'Kapag tinupad na ni Ares ang kasunduan namin, I'll definitely find a way to get even. Tsk!'

Magmula nang sugatan siya ng patalim na gawa ni Hephaestus, natanggalan siya ng kapangyarihang mag-teleport. Ang masaklap pa rito, dahil may "schedule" rin siyang sinusundan (albeit not as detailed as Eros'), no choice si Anteros kundi makiangkop sa mga mortal. For the nth time that afternoon, he cursed under his breath. Mabuti na lang at hindi siya nagpapakita sa iba pang mga nakasakay sa jeep, kundi baka kanina pa siya sinita dahil wala naman siyang maipambayad.

"Fuck this."

Agad na tumalon pababa si Eros nang makarating na siya sa Night Owl's Café. This was the best coffee shop in Eastwood. Kung tama ang nabasa niya sa isang artikulo sa internet, palaging siksikan ang lugar na ito tuwing Sabado. Maski ang ilang mga college students, ginagawa itong tambayan. 'Mga walang magawa sa buhay,' Anteros rolled his eyes and boredly entered the shop.

Nang mahanap na niya ang lalaking kailangan niyang panain, agad niyang inihanda ang kanyang kulay itim na pana.

Turns out, a girl has been in love with him for several years. Nang mag-confess siya ng kanyang nararamdaman sa lalaki, agad lang siyang na-reject. Ngayon, masinsinan silang nag-uusap ng babae habang nakaupo sa pinakasulok na parte ng shop.

"Let me guess, my stupid twin.. naka-schedule sanang mainlove ang lalaking 'yan sa babaeng matagal nang may gusto sa kanya, kaso hindi na naman tumalab ang pana mo dahil pusong-bato na ang gago?" Anteros spoke without even averting his eyes. Ilang sandali pa, naramdaman na niya ang presensiya ni Eros na matalim na rin ang tingin sa kanya. Hawak nito ang isang pulang pana na nayupi na ang dulo.

Hindi tinablan ang lalaki. Nagmamatigas at ayaw pa ring mahalin ang dalaga kahit na aalis na ito papuntang California.

Oh, the drama.

"What are you doing here?! Baka akala mo nakalimutan ko na ang ginawa mo sa'kin noon sa warehouse nila Medusa!" The god of love spat at him.

Mahinang natawa si Anteros, "Kahit na isumpa mo ako, hindi nito mababago ang pangit na katotohanang magkakambal tayo. We'll be playing this game for as long as mankind lives. Now, since you failed to do your stupid job, I'm here to do mine."

"I can try it again. He can't fucking resist my arrows! Naka-schedule siyang mahalin si Jane ngayon at---"

"Blah blah blah. Bullcrap, Eros. Alam naman nating parehong may 'rare cases' talagang masyadong matigas ang puso ng mga mortal kaya ayaw nilang tanggapin ang mga pana mo. They are hell-bent to avoid love at all costs, and that's what makes them even more dangerous than any monster in the Underworld," ngumisi si Anteros at iwinagayway ang kanyang itim na pana, "for that reason, they need to suffer."

✔Sold to MedusaWhere stories live. Discover now