VIGINTI DUO

793 77 9
                                    

Hindi dapat ako papasok ngayong araw. But then again, several reasons forced me to get out of Medusa's bed and attend my classes.

Isa na roon ang katotohanang kailangan kong mag-aral nang mabuti kasi manganganib na talaga ako sa sem na 'to (lalo na kung seseryosohin talaga ni Prof Lavista ang pagbabanta niya).

Bukod dito, pinilit talaga ako ni Desmond. And no, my so-called "bestfriend" isn't being a "good influence", if that's what you're thinking. Kung kilala mo si Desmond, alam mo na dapat na may hidden agenda siya sa lahat ng bagay lalo na kung makakapagbigay ito sa kanya ng dagdag income.

"Rein, my friend, kailangan mo nang pumasok ngayon!"

"Bakit naman?"

"Nakipag-pustahan kasi ako kina Bart kagabi! Malakas daw ang kutob nilang next week ka pa babalik sa ECU, pero syempre ang pusta ko ngayon ka papasok! HAHAHAHA!"

Humanga talaga ako sa pagpupursigi ni Desmond para sa pera. Talagang hinanap pa niya ang warehouse slash hideout namin para lang guluhin ako. Heck, he even barged inside Medusa's room without any second thoughts! Ni hindi man lang yata naisip ang recovery ko! Damn. I sighed. "Malapit ko na talagang maibenta sa Shopee ang isang 'yon."

Baka ipa-free shipping ko pa.

Napabalik lang ako sa kasalukuyan nang biglang nagtaas ng kamay ang batang nakaupo sa harapan ko. Ngumiti naman si Prof Fajardo at bumaling kay Caprissa.  "Yes, Caprissa?"

"Ma'am, ang kinikilala po natin ngayong 'father of cement' ay si Joseph Aspdin, isang English cement manufacturer. He even gained pantent for Portland cement in 1824." She confidently and enthusiastically recited.

Nang bumalik sa pagkakaupo niya si Caprissa, napuno ang classroom ng paghanga at mga papuri para sa bata. Isinawalang-bahala naman na 'to ni Caprissa at bumalik na lang sa pagdu-doodle ng kung anu-ano sa notebook niya habang nagha-hum pa ng kanta. For the first time since I attended this class, Professor Fajardo, a skeleton-thin woman with curly black hair, looked impressed.

Ngumiti siya kay Caprissa at marahang tumango, "Very good, Caprissa. At least someone has been doing advance reading on the topic." Inilibot niya sa'min ang kanyang mapanuring mga mata bago bumalik sa itinuturo niya.

Napabuntong-hininga na lang ako sabay titig sa blangko kong notes. Naka-sling pa rin ang na-injured kong braso, kaya hindi pa ako makapagsulat. Manghihiram na lang sana ako ng notes kay Caprissa, pero mukhang wala rin naman akong mapapala rito kundi puro doodles.

'Nakakapanliit talagang isipin na bibihira na nga lang siya pumasok ng klase, but she still does a better academic performance than all of us combined!'

Ngayon na lang ulit pumasok ng kolehiyo si Caprissa. Madalas kasi laging may ipinapagawa sa kanya si Medusa kaya inuuna niya ang obligasyon niya bilang tauhan ng malditang 'yon. Pero sa kabila nito, nakakabilib na nakikipagsabayan pa rin siya sa'min. Ang hirap tuloy isipin na twelve years old pa lang siya. Ngayon, nauunawaan ko na kung bakit siya kinuhang tauhan ni Medusa. Looks can really be deceiving and it can sometimes be used as an advantage.

'Great. Caprissa is a child genius who can probably pass college with flying colors while Markus is a lazy ass emo genius who is skilled with weaponry and machines. Saan naman ako sisingit doon?' Mukhang nagkamali lang yata talaga si Medusa noong kinuha niya akong personal assistant. Bukod kasi sa pagiging hari ng katorpehan, pagdadaldal ng philias, at ang paminsan-minsang "stunts" ko, wala naman talagang espesyal sa'kin. I'm just an ordinary teenage boy with issues.

Lots of issues.

Dumako ang mga mata ko sa kabilang bahagi ng classroom. I watched in silence as Pamela was attentively listening to our professor. 'Magtatapos na ang klase natin ngayong araw, pero parang mas lalo kang napalayo sa'kin, Pam.' Nakakadismayang isipin, pero magmula pa kaninang umaga, hindi niya ako pinapansin o kinakausap. Well, I can't really blame her, can I?

✔Sold to MedusaWhere stories live. Discover now