TRIGINTA UNUM

812 78 3
                                    

Hindi ko alam na posible palang makaranas ng hang-over kahit na hindi ka naman nagpakalasing noong nakaraang gabi.

'Nakakalasing kasi ang mga kabaliwang nangyari sa'kin kahapon.'

Well, I don't really know if this can be considered a hang-over, but I do feel like shit. Parang wala pa ako sa katinuan at pinipilit pa ring iproseso ng utak ko ang paligid. Para bang pilit mong hinahalungkat yung mga alaalang magiging tulay sa "mga nangyari noong may malay pa ako" at sa "langya, paano ako napadpad dito?".

Sigurado akong hindi ito ang apartment ko.

Para akong nasa loob ng isang kweba. Malawak ito at may mga stone formations pa sa paligid. Hindi ko na lang pinansin ang mga estatwa na mukhang masyadong "realistic" ang gawa. At lalong hindi ko na lang inisip na posibleng mga dating tao pala ang mga estatwang ito. That mere thought caused a chill to run down my spine as I struggled to see anything beyond my dim surroundings.

Huminga ako nang malalim at napansin na parang mas mataas ang moisture ng hangin sa lugar na ito. A few torchlight hung against the stone walls at sa di-kalayuan, may tumutulo pang tubig mula sa kisame ng kweba. Nang dumako ang mga mata ko sa mga kamay ko, I almost laughed when I saw the chains. Kaya pala hindi ko makagalaw nang maayos.

Nakaupo ako ngayon sa isang tronong gawa sa bato. Nakakadena sa armrest ang parehong pulsuhan ko.

Hindi na ako magugulat kung may TV screen o voice machine na bigla na lang lilitaw at sasabihin sa'king kailangan ko munang putulin ang mga binti ko para makaligtas sa lugar na 'to. O baka naman nasobrahan lang ako ng panonood ng horror movies?

'What the heck happened last night?'

Pero bago pa makapag-rewind ang utak ko, nakarinig na naman ako ng tunog ng mga ahas. Literal na yatang nanindig ang balahibo ko sa takot nang mapansin kong may aninong gumalaw sa gilid ng kweba. Shit! Then, the sound of hissing snakes only got louder as I silently cursed that damn feeling of being watched.

"L-Lady Medusa?"

Someone giggled.

By then, I knew for sure that whoever was hiding in the shadows wasn't Lady Medusa. Pinilit kong 'wag ipahalata ang takot na nararamdaman ko. Sinubukan kong kumalas sa mga kadena, pero mukhang mahihirapan ako. I don't know whether or not I should consider myself lucky---napagtanto ko kasing boxer shorts lang ang suot ko.

"Hello, mortal."

Mahina akong napamura nang biglang lumitaw ang isang babaeng may mga ahas sa ulo. Kulay abo ang kanyang balat at mga mata. She grinned like a psycho and inched closer to me. Kamuntikan pa akong matuklaw ng mga ahas sa ulo niya.

"Aww! You're trying to act brave.. how cute. Hindi mo ba alam na kanina pa namin naaamoy ang takot mo? Tsk!"

She glared at me, that psychotic smile still plastered on her black lips. Huminga ako nang malalim. Ilang sandali pa, may bigla namang nagsalita sa gilid ko.

"Stheno, stop scaring him. Hindi masayang kumain ng tao kapag nakaramdam siya ng takot. Nagiging mapakla ang lasa ng laman nila."

Nakahalukipkip siya habang sinasaway ang naunang babae. They both wore a black Greek goddess inspired dress. She scowled at me and rolled her eyes. Lalong naging agresibo ang kanyang mga ahas sa ulo niya na naging dahilan para umiwas ako ng tingin.

Stheno pouted. "Euryale naman! Hanggang ngayon ba ay iniisip mo ang kalidad ng karne nila? They taste the same!"

"Do I really need to remind you that we became sick for a week the last time we ate a scared human? Hanggang ngayon nga, sumasakit pa rin ang tiyan ko. Senyales 'yon na bobo pa ang taong nakain natin."

✔Sold to MedusaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon