Chapter 71: Yabang

934 35 0
                                    

Zyra POV

"Huy, zy! Akin yan!" Kinuha ko kasi yung juice ni pat. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Nah, this is mine na"

"Argh! I hate you!"

"Ow, I love you too" nagpadyak-padyak siya na kinatawa ko. Umupo ako sa sofa at tumingin kay yabang. "Gusto mo?"

"Yuck! Laway-laway" natawa ako sa sinabi niya. Napaka-arte.

"Paano kung laway ko lang?"

"O sige, akina--aw, Hahaha" pinalo ko nga. Baliw talaga. Lumapit siya sakin kaya napataas yung kilay ko. "Babe, hindi mo manlang ba ako ida-date? Alam mo kung iba ito ida-date na agad ako"

"Sorry, pero hindi ako sila"

"Tsk, yabang"

"Ikaw kaya yun! Yabang!"

"Ikaw kaya! Napaka-yabang mo!"

"Aba, aba, aba! Ikaw ang mayabang satin noh. Simula nung una pa lang"

"Bakit sa pagkaka-alam ko ikaw ang mayabang. Kaya kita pinatid kasi mayabang ka!" Sinamaan ko siya ng tingin at pinalo siya. Kung hindi ako manalo sa sumbatan edi sa sakitan na lang. Ngumisi siya at sinandal ang ulo sa kamay na nakapatong sa sandalan ng sofa. "Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na akin ka na"

"Ah? Bakit naman?"

"Alam mo bang matagal na kitang kilala?"

"Ah?"

"Yes, matagal na kitang kilala" napataas yung kilay ko.

"Paano mo naman nasabi na matagal mo na akong kilala? Eh, nung nasunog lang yung campus namin tsaka tayo nagkita. Kaya paano mo nasabi na matagal mo na akong kilala?"

"Hays, nakilala kita 4 years ago" paninimula niya na mas lalo kong kinakunot noo. Paano nangyari yun? Sa pagkaka-alam ko hindi ko pa siya nakita 4 years ago. "Ikaw yung babaeng tinulungan ko sa sunog" nanlaki yung mata ko. Aha! Naalala ko na siya yung lalaking humila sakin kasi may babagsak na bakal sakin at kung hindi dahil sa kaniya baka wala na ako ngayon.

"I-Ikaw yun? Pero, paano?"

"Pupunta dapat ako sa jewelry kaya lang biglang may nagsisigawan na may sunog kaya naitulak-tulak ako hanggang sa nakita kitang umiiyak at hindi mo alam na may babagsak sayong bakal kaya tumakbo at hinila kita. Agad akong umalis din lang dahil nung makita ko yung mukha mo naghalo-halo agad ang naramdaman ko. Lungkot, awa at kakaibang pakiramdam sa puso ko" hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. "Akala ko hindi na tayo magkikita pero nagkamali ako dahil nakita kita sa isang park. Nakatulala ka sa dalawang bata na nasa harap mo. Nagtatalo atah yung dalawang bata kaya natawa ka at agad ding lang umalis pero sa hindi malamang dahilan sinundan kita. Nung malaman ko kung saan ka naninirahan ang laki na ng tuwa ko. Sabi ko pa nga nababaliw na ba ako? Haha. Simula nun lagi na kita inaabangan sa labas ng condo mo. Hindi ako aalis hanggat hindi kita nakikitang safe na makarating sa CIS"

"Pero, sadyang baliw na atah talaga ako dahil sinundan kita hanggang sa loob ng campus. Nang makapasok ka sa room niyo nakipag-kwentuhan ka agad sa lalaking katabi mo sa upuan. Nung araw na iyon nalungkot ako kasi kita ko ang saya sa iyong mukha habang katuwaan mo yung lalaking katabi mo. Sabi ko, buti pa siya nakakasama at nakaka-usap ka samantalang ako hanggang tingin lang. Hirap pang makalapit sayo. Habang naglalakad ako papuntang parking lot iniisip ko kung ano na bang nangyayari sakin. Bakit ba ako nagkakaganun? At dahil pamilyar na sakin ang pakiramdam nun nalaman ko agad na gusto na kita. Parang na like at first sight ako sayo, haha"

"Kaya yun araw-araw kitang sinundan kahit saang lukalop ka pa mapadpad basta makita lang kitang safe ayos na sakin yun. Halos tatlong buwan na kitang sinusundan pero wala akong paki kasi nga gusto kita. Pumunta kayo ni lance sa Starbucks kaya pumunta rin ako doon. Umupo ako sa likod mo para makita kita. Natatawa nga ako ng palihim ng marinig ko kayong nag-aasaran, haha. Maya-maya pa ng pumasok sila kc sa Starbucks napa-ayos si lance ng upo. Sabi ko sa isip ko kaya pala pumunta kayo sa Starbucks para tignan doon sila kc"

"Pero, maya-maya bigla kang lumingon sa likod mo kaya nagulat ako nun kasi akala ko ako yung titignan mo yun pala sila lorh. Bigla kang napa-ayos sa sarili mo ng makita mo siya kaya nasaktan ako nun kasi alam ko na agad na may gusto ka kay lorh. Hindi ka naman maggaganun kung hindi, eh. Alam mo tuwing pumupunta kayo sa ISI natutuwa ako kasi mas sulit kitang nakikita doon. Sinasadya ko talagang huwag mag-cross ang landas natin kasi pag nag-cross ang landas natin tiyak na magkaka-utal-utal ako, haha. Pero, sa hindi inaasahan binigyan ka ng tubig ni xylorh kaya labis akong nalungkot kasi kita ko sa mata mo ang saya kahit malayo ako. At isa pa sa hindi inaasahan, namatay si daddy kaya kinakailangan kong umuwi sa Japan"

"Halos dalawang linggo din ako sa Japan nun. Kinakailangan ko kasing bantayan pa si mommy baka kasi kung anong gawin niya sa sarili niya. Pero, nang makita kong nakaka-recovery na siya umuwi na ulit kami dito sa pilipinas. Pagkapasok ko nun sa campus nagtataka ako kung bakit ang daming estudyante. At nang malaman ko ang dahilan ang saya-saya ko nun kasi magka-schoolmate na tayo. Nung araw na iyon agad kitang hinanap at tuwang-tuwa ako ng makita kitang naka-uniform na ng ISI. Sabi ko sa sarili ko bagay na bagay sayo yun. Gusto ko sanang sabihin sayo iyon kaso baka magtaka ka at maweirduhan sakin kasi hindi mo naman ako kakilala, haha. Makalipas ang isang linggong sinabihan ako ni dean max na tawagin lahat ng estudyante sa bawat room kasi may iaannounce daw siya sa gym kaya double-double ang kaba ko kasi makakapunta ako sa room niyo. At yun nga nangyari iyon"

"Kumatok ako sa room niyo at talagang inayos ko ang sarili ko baka kasi mapatingin ka sakin at hindi nga ako nagkamali, haha. Gusto kong matawa nun ng makita kong gulat na gulat ka sakin kaya talagang pinigilan ko iyon. Nang makalayo ako sa room niyo natawa na ako. Epic na epic kasi yung mukha mo, Hahaha. Then, the next happen bigla akong tinext ni uncle kaya napahinto ako sa pathway upang basahin iyon. Wala naman kasing estudyante na dumadaan dun kaya nakampante akong huminto doon at binasa ang text ni uncle"

"Pero, nang re-replyan ko na sana siya biglang may bumangga sakin at ikaw iyon kaya that time gulat na gulat ako at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko kaya pilit kong itinago ang totoo kong nararamdaman. Binara-bara kita para maitago ko nga ang totoo kong nararamdaman at gusto kong matawa ng napaka-suplada mo. Kaya pagka-uwi ko nun hindi ko na napigilang matuwa ng matuwa kasi sa wakas nagka-usap na tayo in that way nga lang, haha pero ayos na sakin yun basta maka-usap lang kita. Araw-araw kitang inaasar at binabara at natutuwa naman ako pag nakikita kitang naiinis dahil ang cute-cute mo pag naiinis ka"

"Makalipas ang araw at buwan acquaintance party na. Gusto sana kitang ayain kaso hindi ka pala pwedeng maki-join sa sayawan kasi kasali ka sa banda at kayo ang tutugtug. Alam mo ng marinig ko yung boses mo. Nainis ako kasi may ibang nakakarinig sa maganda mong boses lalo na pag kumakanta ka. Isa pa yan. Bago ako matulog nagpla-play muna ako ng kanta sa YouTube Chanel mo"

"Nang may tumatawag sa cellphone mo agad mong sinagot iyon. Nang makita kitang parang hindi mo na alam ang gagawin mo lumapit na ako. At gusto ko ulit magdiriwang dahil natatawag kitang 'babe', haha. Ang lakas na nga ng tama ko sayo. Pero, maya-maya lang nagpa-alam kang mag-ccr pero malakas na ang kutob kong hindi ka pupunta doon dahil nahuli kitang nakatingin kay lorh na ninanakawan ng halik si joy. That time. Sinundan kita at parang nadurog yung puso ko ng umiyak ka. Hindi ko man makita yang mukha mo rinig ko naman ang hagulgul mo. Lalapitan na sana kita ng maunahan ako ni lorh kaya mas lalong nadurog yung puso ko ng magyakapan kayo. Hindi ko na kayo pinag-masdan pa dahil bumalik na ako sa loob ng gym. That time, inisip kong may pag-asa bang magustuhan mo ako? Hays. Nagpaka-lasing na lang ako kesa umiyak na parang bakla. Makalipas ang ilang araw umiwas ako sayo at mukhang mas mahirap pala iyon pero kahit ganun pinipilit ko"

"Nang mahuli ko kayo ni mike sa likod ng building mas lalo akong nasaktan ng malaman kong nag-coconfess na ng feelings si mike sayo natakot agad ako na baka maging kayo. Pero, that time napag-isipan kong lumayo na lang sayo at kalimutan ang nararamdaman ko sayo pero mapag-biro nga atah ang tadhana dahil umamin ka saking may nararamdaman ka para sakin kaya ayun labis-labis ang tuwa ko ng maging tayo. Higit na natuwa ako ng maging tayo kesa nung nirereguluhan ako ng mga tita ko ng mga toys nung bata ako. Sabi ko ito na ang pinaka-masayang nangyari sa buong buhay ko ng maging tayo" napaluha na ako sa mga sinasabi niya. Hindi ko ini-expect na ganun pala ang pinag-daanan niya. Napaka-tatag niyang tao kung ganun. I'm so lucky to have him. Now, I'm asking my self. He deserve me nga ba?!

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now