Chapter 40: Mommy?

1.1K 39 4
                                    

Zyra POV

Bakit kailangan mangyari ito? Ang sakit-sakit na sa dibdib sa totoo lang hindi ko na alam ang gagawin ko sa labis na sakit na ito.

"Bakit mo nga ba ginawa yun, pat? Paulit-ulit kong tinatanong kung bakit mo ginawa yun! *sniff*" umiiyak kong sabi na kinatungo niya lang. "Pinag-sabay mo yung dalawa kong kuya! Tapos pati boyfriend ko noon inagaw mo. Wow, ang galing mo. Bilib na ako sayo. Dapat binibigyan ka ng award" sabay palakpak ko pa. Kahit papano naman ay binibigyan ko siya ng award.

"Lil'sis, tama na" nakiki-usap ng sabi ni zimon. Pero hindi ko siya pinansin.

"Alam mo ba, pat. Pinatawad ko na sila. Bait ko kasi noh? Sa sobrang bait ko hindi ko namalayang inaahas mo na pala ang boyfriend ko noon"

"Zyra, tama na" awat na din ni taylor.

"Huy, troy hindi mo manlang ba babatiin ang ex BEST FRIEND mo?" Ngisi kong sabi kay troy na nag-angat sakin ng tingin.

"Sorry, zy"

"Ang layo ng sagot mo! Bilib na rin ako sayo, troy. Sa sobrang babaero mo pati kaibigan ko noon pinatulan mo" ngisi kong sabi. "Hindi ka pa nakuntento sakin noon, noh? Ano bang kulang sakin noon, ah? Binigay ko naman lahat sayo. Naging loyal naman ako sayo. Tapos gagaguhin mo lang pala akong k*ng*na ka!"

"Patawarin mo ako, zy"

"Patawarin? Alam mo bang mahirap magpatawad lalo na pag sinaktan ka talaga ng sobra?" Tumingin ako kay pat. "Tumayo ka na diyan. Mukha kang pulubi"

"Hindi ako tatayo dito hanggat hindi mo ko napapatawad" natawa ako sa sinabi niya. Nag-aper naman kami ni taylor.

"Hindi daw tatayo? Hahaha" natawa kami lalo ng sabay naming sabihin yun.

"May nakalimutan ako" sabi ko sabay harap kay pat. "Hindi kita kilala, eh. Pwede ka bang magpakilala sakin? Yun kanina. Gusto kong magpakilala ka sakin. Paano ka kaya magpakilala, noh? Ang siga mo na ngayon, ah? Bakit ikaw na ba ang pumapalit sa pwesto ko? Oh, come on. Kahit kailan hindi mo ko mapapalitan!"

Napa-irap na lang ako ng wala siyang masabi. Tumingin ako sa malayo at bumuga ng hangin. Pagod na pagod na ako ngayon. Gusto ko ng mahiga at matulog.

Tumingin ako sa mga kaibigan ko na nakatingin lang kay pat. Natawa ako ng makita ko si yabang na inaantok na.

"Magsi-uwi na tayo" sabi ko sa mga kaibigan ko. Tumingin ako kay thea. Ngumiti ako at tinap ang balikat niya. "Sorry, for what happen tonight. Labas ka dito, thea. Sige na. Umuwi ka na delikado pa naman sa lugar na ito"

"Sige. Umuwi na rin kayo. Ako na bahala sa kanila" tumango lang ako.

Lumapit ako kay zimon at tinap ang balikat niya.

"Umuwi ka na, zimon. Wala kang mapapala dito---huk" nagulat ako ng yakapin niya ako.

"Thank you, lil'sis"

"Mm, para sayo" kumalas ako sa yakap at humarap sa kaniya. "Pag maghahanap ka ng babae doon dapat sa matino-tino. Yung siya na ang pinaka-inosente babae sa buong mundo. Yun ang piliin mo!"

"Hahaha, may ganoon ba lil'sis?"

"Oo, kaya! Si ano----"

"Don't mention that name" natawa ako sa sinabi niya.

"Sige na. Umuwi ka na. Ingat"

"Mm, umuwi ka na rin. Mag-iingat ka rin"

"Mmm" nang maka-alis na siya lumapit na ako sa mga kaibigan kong nagsipunta na sa kotse nila. "Mag-iingat kayo, ah" paalala ko sa kanila. Tumango naman sila at ngumiti.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon