Chapter 36: Song

995 34 0
                                    

Zyra POV

Nang mapagod kaming tumugtug. Inutusan ni yanna na magpa-sound muna ang DJ. Syempre, ito na ang pinaka-hihintay ko sa lahat. Ang pagkain, yehey-----

"Ms. Zyra Vic pinapatawag po kayo ni dean max" sumama ang mukha ko sa sinabi ng isang estudyante na naka-gown.

"Bakit?"

"Hindi ko po alam"

Tinawanan ako ng mga ka-member ko ng bumagsak ang balikat ko. Simangot akong pumunta sa dean office. Bakit kung kailan kakain na kami saka niya ako pinapatawag?

Nang makarating ako sa dean office. Kumatok muna ako bago pumasok sa loob.

"Pinapatawag niyo daw ho ako dean" sabi ko kay dean na may sinusulat sa papel.

"Ah, yes, Ms. Vic"

"Bakit ho?"

"Oh, pinapabigay sayo" sabay bigay niya sakin ng isang sobre na kinakunot noo ko.

"Kanino ho ito galing?"

"Hindi ko rin alam, hija. Basta inabot lang sakin yan" tumango na lang ako.

"Sige ho. Mauuna na ho ako. Salamat"

"Sige lang, hija"

Pagkalabas ko sa dean office. Dumeretso agad ako sa likod ng building kung saan walang katao-tao.

Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. At dahil na rin sa curious ko kung anong nakasulat. Binuksan ko agad ang sobre at agad kong binasa ang nakasulat.

Dear, M.C.H.

Nagsisimula na po sila. Nang tignan ko ang headquarter nila. Dumami po ang bilang nila. Kailan po tayo magsisimula, M.C.H? Dapat po sa madaling panahon dahil kilala niyo naman po siya, hindi ba? Basta-basta na lang po sila sumusugod. Sana po pumunta kayo dito para mapag-planuhan na natin ang gagawin namin.

- GR33N

Nailukot ko ang papel sa nabasa ko. Tsk, not now. Dali-dali kong nilabas ang cellphone ko at daling tinawagan si ninja.

"Hell--"

"Dating plano" sabay patay ko ng tawag hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya. Tsk, hello lang naman ang sasabihin niya.

Kung nagsisimula na sila pwes magsisimula na rin kami. Pagkadating ko sa gym dumeretso agad ako sa back stage dahil andodoon ang pagkain ko. Syempre, mas lalo akong natuwa ng nadagdagan ang pagkain ko. Kung sino man ang nagdagdag. Salamat.

"Guys, pagkatapos nating kumain. Sa harap na ng stage tayo pwumesto" muntik na akong nabulunan ng sabihin iyon ni yanna. Ano yun? Makiki-pwesto kami sa kanila? Tsk. Okay na nga dito, eh.

At dahil ako ang pinaka-maraming pagkain ako rin ang nahuli. Nagsi-labas na sila habang ako ay naiwan dito mag-isa habang kumakain.

Ang tahimik na tuloy parang gusto ko ng kumain ng kumain dahil ang tahimik at walang istorbo.

Mas masaya ko pang tinapos ang kinakain ko dahil tahimik. Pagkatapos kong kumain nagpalpa muna ako bago lumabas sa back stage at parang pinag-sisisihan ko pang lumabas dahil sobrang ingay dito.

Takip tenga kong tinahak ang harap ng stage at dun ko nakita sina yanna na naka-upo habang nagkwe-kwentuhan.

"Oh, zyra. Hinahanap ka nga pala ni zana" bungad sakin ni yanna ng makalapit ako.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now