Chapter 9: Park

1.8K 44 0
                                    

Zyra POV

"Zyra!" Bungad agad ni lance sakin.

"Saan ka galing? Alam mo bang kanina ka pa namin hinahanap? Alam mo bang pinag-alala mo kami?"

"S-sorry. May tinignan lang ako"

"May masakit ba sayo? Ah? Sabihin mo?"

"Wala. Ang OA mo!----"

"Damn, zy! Saan ka galing?" Sabi rin ni mike. Shems, ganun na ba sila kapanic. Sabagay! Sunog yun eh!

Napatingin ako sa campus na patuloy lang sa pag-sunog. Sana mabigyan mo ako ng magandang dahilan kung bakit mo ito ginawa. Dahil kung hindi. Humanda ka.

"May masakit ba sayo?" Nag-aalalang sabi rin ni jonna ngumiti at umiling na lang ako. Wala namang nanyare sakin.

"Oh my god, huhuhu. Hindi ko ini-expect ito" napatingin kami kay Rita na umiiyak na. Madumi din ang uniform niya. Sa tingin ko wala naman siyang galos. Natapunan lang siya ng juice, tsk.

"Rita" tawag ni hiro. Yeah, may crush si hiro kay Rita.

"Hiro, huhuhu" sabay yakap ni rita dito. Nagulat naman si hiro doon pero napangiti rin lang.

"Nasaan pala yung babae?" Tanong ko kay lance. Tinuro niya naman ang nasa likod ko at nakita ko ang babae na naka-upo at umiinom. Ngumiti ako at lumapit sa kaniya. "Kamusta na pakiramdam mo?" Napatingin siya sakin at ngumiti.

"Ayos lang. Salamat ah. Kung hindi mo ko tinulungan baka ngayon nilalamayan na ako"

"Ano bang pinag-sasabi mo? Kaya ka siguro naka-ligtas kasi hindi mo pa oras"

"Hm, by the way. Ako nga pala si winnie"

"Ah, ako naman si zyra Vic. Hehe, nice to meet you"

"Hm" magsa-salita pa sana ako ng biglang....

"ZYRA??" Napatingin kaming lahat kung sino yun at nakita namin sina deo, wayne, ashley at mish.

"Hey" tawag ko. Napatingin sila sakin at lumapit sakin.

"Oh, my, god, zyra. I'm glad your safe" sabi ni ashley sabay yakap sakin pero agad ding kumalas.

"Anong nanyare?" Nagtatakang sabi ni deo. Magsa-salita ulit sana ako ng biglang.....

"ZYRA?!" Napatingin kaming lahat sa bagong dating at nakita namin sina zana, luis, jace at Xylorh na puno ng pag-aalala sa mukha.

"Nasaan si zyra? Lance, nasaan siya?" Natatarantang sabi ni zana kay lance.

"Ayon oh" tinuro ako ni lance kaya napatingin sila sakin. Dali-daling lumapit si zana sakin at chineck ako sa buong katawan. Yeah, magdo-doctor siya.

"Ano, couz? Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? Ipupunta na ba kita sa hospital? Ano? Magsalita ka" natatawa ko siya nilayo konti.

"Ano ka ba! Ayos lang ako. Halika" hinila ko siya papalayo sa kanila.

Nang makalayo na kami sa kanila huminto kami sa walang katao-tao. Nung una nagtaka pa siya pero inabot ko sa kaniya yung papel. Kunot noo niya naman tinignan iyon. At tulad ko nanlaki rin ang mata niya.

"Shit, saan mo ito nakuha?" Tanong niya. Napa-cross arm naman ako.

"Well, napulot ko"

"Psh, kailan mo ito napulot?"

"Kanina lang. Sinundan ko siya eh. Kaso ng lumiko siya hindi ko na siya sinundan pa. May kutob din ako na siya. Ang nagsunog sa campus" binulong ko na sa kaniya ang huli kong sinabi. Yung tanging siya lang ang makakarinig. Nanlaki naman ang mata niya.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now