Chapter 80: Red Group

1K 31 0
                                    

Zyra POV

Pumasok ako sa loob ng bahay nila. Walang katao-tao kaya mabilis akong nakapasok. Chineck ko kung may CCTV sa bahay na toh. Pero, mabuti at wala. Pagkapasok ko sa loob, kusina agad ang bumungad sakin. Lumapit ako sa ref at binuksan yun. Kinuha ko lahat ng lalagyan ng tubig sa ref. Pagkatapos tinapon ko ang laman nito. Kinuha ko ang galong sukang puti at yun ang nilagay ko sa lalagyan ng tubig. Lahat pinuno ko. Pagkatapos binalik ko na ito sa dati nilang pwesto.

Pagkalabas ko ng bahay, may narinig akong kaluskos papuntang kusina. Nagtago ako sa gilid upang hindi maaninag yung anino ko. Nagsasawa na ako sa pagmumukha mo kaya, it's my, turn naman na para gumanti.

"Oh, my! What is this, pwe, pwe, pwe, ang pangit ng lasa----*ubo* *ubo* *ubo*" rinig ko mula sa kusina. Ngumisi ako kasi alam kong nainom niya na. Huwag siyang mag-alala dahil nilagyan ko ng katas ng wasabi yun. Mas masarap yun para sa tulad niyang demonyo. Sinasabi ko sa kaniya, huwag niyang idadamay ang mga kaibigan ko.

Binuksan ko ang smoke bomb at pinagulong ko iyon papuntang kusina. Rinig ko na ngayon ang hagulgul niya habang sumisigaw. Tumayo ako at nagbuhos ng gas sa paligid, nang maitapon ko na lahat. Nilabas ko iyong lighter at sinindi, tinitigan ko yung apoy na nagmumula sa lighter. Hindi ako naging mafia ng dahil sa wala. Hinagis ko na yung lighter sa gas kaya nagsimula ng dumanak ang apoy sa paligid. Tumalikod na ako sa bahay na iyon na ngayon ay tinutupok na ng malaking apoy. Alam kong makakaligtas ka diyan, mas mautak ka pa kasi sa may utak.

---

Umupo ako sa sofa. Nakakapagod yung ginawa ko kanina.

"Oh, saan ka galing?" Tanong ni zana. Kakalabas niya lang sa kwarto niya.

"Nagwalwal"

"Sino kasama mo?"

"Anino ko"

"Ganda mong kausap"

"Thank you" tumayo ako at pumasok sa kwarto ko. Nagpahinga muna ako saglit bago naligo.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ng pantulog, lumabas ako ng kwarto ko. May nakalimutan akong sabihin kay zana.

"Oh, akala ko hindi ka na naman kakain" saad niya habang kumakain. Umupo ako at kumain rin.

"Tungkol nga pala sa nangyari kanina" paninimula ko habang kumakain.

"Mm? Kilala ko naman na kung sino yung gumawa nun, eh. Buti nga hindi lahat ng kaibigan natin sinaktan niya"

"Yun na nga. Tinawagan mo ba sila ashley kanina?"

"Oo, they okay lang naman daw. Walang nangyaring masama sa kanila"

"Sila troy?"

"Ganun din ang sagot"

"Mabuti" uminom ako ng tubig. "Alam kong gaganti yun. Lalo na sa ginawa ko kanina"

"Ginawa mo ba kanina?"

"Sinunog yung tahanan niya" nabilaukan siya sa sinabi ko. Binigyan ko siya ng tubig na agad niyang ininom.

"What?! W-Why did you do that?"

"Zana, gumanti lang ako sa ginawa niya. Pasalamat siya at may awa pa akong natitira sa kaniya. Kilala mo ako zana. Pag ako napuno sa ginagawa niya hindi na dapat siya nabubuhay pa sa mundong ito" napatango siya.

"Sabagay, kita mo naman yung ginawa niya kanina. Ang mas malala yung ginawa niya kay yanna"

"Mas may malala pa dapat dun. Yung gagawin niya sana kay jonna"

"Oh, my, gosh! Oo nga noh! Grabe. Ang sama niya. Tulad ng magulang niya, isama mo na pati kapatid niya" napabuga na lang ako ng hangin. Nagpapasensya na lang ako sa ginagawa niya.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now