Chapter 23: Good mood

1.2K 35 0
                                    

Zyra POV

Masaya akong pumunta sa cafeteria para tawagin na si lance. Hindi pa rin ako makapaniwala na naka-usap ko ulit si dadu ng ganun.

Pero, ganun na lang ang gulat ko ng makita kong may nagsasabunutan sa gitna. Anong eksena na naman toh? Lagi na lang bang may ganito? Siguro kung ako papamiliin mas pipiliin ko na lang sa CIS. Kasi doon walang ganito. Tahimik doon at may kaniya-kaniyang mundo. Pero dito hays never mind.

Puno nga ng gwapo at magandang mukha ang nag-aaral dito pero yung mga ugali, tsk.

Lumapit ako kila lance ng makita ko sila na nanood sa dalawang babaeng nagsasabunutan.

"Anong eksena nila?" Tanong ko napatingin naman siya sakin.

"Bakit ngayon ka lang?"

"Sagutin mo muna ako. Anong eksena nila?"

"Katulad ng napanood natin noon. Mga fangirl. Pinag-aagawan nila si kaizer kanina sumbatan lang sila pero ngayon bigla na lang silang nagsabunutan" tsk, tsk, tsk. At talagang si yabang pa ang pinag-aagawan nila, ah?

"Couz! Saan ka galing?" Sumbat saakin ni zana at napangiwi ako ng kasama niya pa sina Xylorh, luis, jace at joy. "Alam mo bang kanina pa kita hinahanap?"

"Hindi ko alam. Tsaka, pumunta ako sa CIS"

"Ah? Anong ginawa mo doon?"

"May sinabi lang sakin si dean Carl"

"Hindi pwedeng dito?"

"Eh, bakit hindi mo sabihin sa kaniya. Sabihin mo dean Carl bakit hindi na lang dito?----aray"

"Tinatanong ko lang, ah"

"Oh, sinasabi ko lang din naman, ah"

"Hi, zyra" nakangiting sabi ni taylor ng dumaan sila ng girlfriend niya sa harap namin.

"Oh, hi taylor, hi jasmine"

"Huy, babaeta kinakausap----"

"Libre mo naman ako, taylor" pinutol ko agad ang sinasabi ni zana. Hehe, sesermunan niya lang ako, eh.

"Ano ba gusto mo"

"Kaya gustong-gusto kita, eh"

"Libre ko lang ang gusto mo sira" natawa ako sa sinabi niya.

"Aba! Eh, nilibre nga kita sa Disneyland"

"Utang yun, zyra. Kailan ka pa nanlibre"

"Aba, mayabang ka, ah. Yung noon! Nilibre kita ng isang candy----aray ko" nagtawanan sila sa sinabi ko. Totoo naman, eh. Alam niya bang labag pa sa loob ko ang panlibre ko sa kaniya yun? Hehe, ssshhh.

"Iniiwasan mo yung sermon ko, ah"

"Oh, couz andiyan ka pa pala akala ko umalis ka na. Sorry hindi na kita napansin, hehe"

"Sinisimulan mo ba ako, zyra vic?"

"Hehehe, trinatry ko lang, hehe"

"Zyra!!!"

"Waahhhh" sigaw ko at mabilis na lumayo sa kaniya. Nagtawanan naman ang mga loko. Humanda kayo sakin.

"Para kang aso kung sumigaw" biglang nagsalubong ang kilay ko ng marinig ko ang boses na iyon. Andidito na naman ang mayabang.

"Aba, sinabi ko bang pakinggan mo?"

"Aba, sa impit ng ingay mo sinong hindi makaka-rinig?"

"Huy, lalaki! Sinisimulan mo na naman ba----"

"Hi, zyra" napatingin ako kung sino iyon. At napakunot noo ako ng makita ko si. Sino nga ba toh? Yung babaeng tinulungan ko sa sunog. Nakalimutan ko na pangalan niya.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Donde viven las historias. Descúbrelo ahora