Chapter 14: Cafeteria

1.4K 35 0
                                    

Zyra POV

Tinignan ko naman yung cellphone ko at nakita kong si zana ang nag-text.

From: couz.z

Good news, gising na si doc vin.

Napangiti ako sa nabasa ko. Kaya dali akong nag-reply.

To: couz.z

Salamat naman kung ganoon. Bisita ulit tayo mamaya.

From: couz.z

Katulad ng dating oras?

To: couz.z

Oo. Ganoon muna sa ngayon. Huwag lang natin silang matyambahan.

From: couz.z

Okay, okay. Nasaan ka ba?

Magre-reply ulit sana ako ng may tumawag sakin. Tinignan ko naman kung sino yun at nakita si zana na kumakaway.

Napangiti naman ako at lumapit sa kaniya. Mukhang kanina pa siya dito.

"Oh, nasaan sila luis?" Tanong ko ng makalapit ako sa kaniya. Mag-isa niya lang kasi dito, eh.

"Ayun, oh" turo niya sa likod ni stella at nakita ko nga doon ang tatlong magka-kaibigan.

"Tsk, nakita ko nga pala si taylor"

"Oh, nagkita na pala kayo"

"Yeah, nagkita at nagka-usap na kami. Ginagawa mo pala dito?"

"Kumakain habang nanonood ng drama series" natawa kami sa sinabi niya. Loka talaga.

"Mukhang magiging maganda ang school year ko, ah" sabay upo ko at kain ng fries.

"Well, ngayon na magsisimula ang magandang pagpasok mo dito. Yan, may free movie pa habang lunch break o recess, haha" natawa ako sa naituro niya.

"Loka ka. Bakit ba may war sila?"

"Dati silang mag-kaibigan, actually. Kaso ng manalo si kc sa miss school year last year at natalo naman si stella. Dun na sila nagsimulang magbangayan hanggang sa nauwi sa siraan hanggang sa ganiyan na" turo niya pa kila stella at kc na nag-aaway pa rin.

"Tsk, kala ko pa naman nag-agawan ng boyfriend"

"Isa pa yun, noh!" Sabi niya pa. "Yung boyfriend nila noon ay iisa. Tatag din ng lalaking yun, noh"

"Kahit sabihin mo pa kay zana" sigaw ni kc sabay turo kay zana. Napatingin tuloy silang lahat saamin ni zana. Shems, anong eksena toh.

"May kinalaman ka dito?" Kunot noong sabi ko kay zana.

"Wala. Dati ko silang kaibigan. Kaya ganiyan"

"I see"

"Itanong mo kay zana!" Galit pa ring sabi ni kc kay stella na ngayon ay naka-face palm lang.

"Walang kinalaman si zana dito"

"Ah, excuse me lang, ah. Huwag kayong gumawa ng eksena dito, ah. Mahiya naman kayo sa mga bago dito" natawa ako ng palihim sa kunwaring galit na sabi ni zana.

"Easy. Tatanda ka ng maaga diyan, eh"

"Couz" pinanliitan niya ako ng mata. Umirap na lang ako at nagpatuloy sa kinakain kong pagkain niya. Ako na atah naka-ubos. "Ano na lang sasabihin ng mga bago dito? Na ganiyan ang mga students dito? My god, stella, kc"

"Anong ginagawa mo dito?" Inis na sabi ni stella saakin. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.

"Ano nga bang ginagawa dito bukod sa CAFETERIA ito?" Pabalang na sabi ko na kina-inis niya. Whew, feeling close?

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin