Chapter 33: Ngiti

1K 25 0
                                    

Zyra POV

Nang maka-upo kami sa gym saktong dumating si dean max. May kina-usap siya sandali bago humarap samin.

"Good morning, students"

"GOOD MORNING, DEAN MAX" sabay-sabay naming sabi.

"Napaka-energetic niyo naman, ha ha ha. By the way, kaya ko kayo pinatawag dahil may iaannounce ako" pag-uumpisa ni dean. Hays, anong kaya yun? "Makakasama niyo sa acquaintance party ninyo ang Guma Academy at Gazelle high school. Dito kasi gaganapin ang acquaintance party nila sabi ko naman isabay-sabay na lang namin kayo para mas marami mas masaya"

"Eh, diba dean kalaban natin sila sa sports festival?" Tanong ng schoolmate namin.

"Yeah, pero wala pa namang sports festival kaya sa ngayon pakisamahan na muna natin sila ng maganda at isa pa kahit naman hindi acquaintance party. Pakisamahan pa rin natin sila ng maganda. So, agree ba kayo sa naging desisyon ko?"

"YES, DEAN"

"Maraming salamat sa oras ninyo. Yun lang. Magsipasok na kayo" pagtatapos ni dean max.

Hindi pa rin ako makapaniwala. Kasabay namin ang G.A at GHS sa acquaintance party? Tsk, ano na naman toh?

"Hindi lang naman sila ang makakalaban natin sa sports festival" sabi ni lance. Nabasa siguro ang iniisip ko.

"Kahit na. Ano na lang sasabihin ng ibang school? Na kaya pala tayo ang nananalo sa mga sports kasi magkaka-sabwat sila?"

"Hahaha, relax ka lang, zy. Stress na stress ka ng dahil lang diyan, ah"

"Kaasar kasi, eh"

"Bakit ba ang init-init ng ulo mo diyan? May kaaway ka ba sa G.A o GHS?"

"Wala"

"Wala naman pala---hi, honey" sabay akbay niya kay kc na kakadaan lang sa harap namin.

"Oh, hi. Wala kayong klase?"

"Actually, papunta na kami sa room. Ikaw wala ka bang klase?"

"Wala. May practice kasi kami ngayon"

"Ganun ba? Gusto mo hatid na kita?"

"Pwede ba?"

"Oo naman" humarap sila sakin. "Hatid ko lang si honey ko, ah? Kita na lang tayo sa room, bye" at yun na nga iniwan na nila ako, tsk. Kinuha ko muna ang gamit ko bago umalis sa gym.

Habang naglalakad ako may nagkukumpulan sa gilid. Nang tignan ko kung ano yun. Napangiwi ako ng makita ko ang quartz na may binubulyng estudyante.

Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad at may nadaanan na naman akong nagkukumpulan. Pag tingin ko nakita ko ang F3 na may binubullyng estudyante.

Ngumiwi lang ako bago nagpatuloy sa paglalakad pero napatigil na naman ako ng may nagkukumpulan na naman sa gilid pag tingin ko. Sila Natasha. May binubullyng estudyante.

Napabuga na lang ako ng hangin at nagpatuloy ulit sa paglalakad. Ano bang klaseng school ito? Ganito na ba talaga ang mga estudyante dito? Tsk.

"Ms. Vic. Pinapabigay nga po pala ito sa inyo" nagulat ako ng may isang lalaking nerd ang bumungad sakin at mas nagulat ako ng may inaabot siyang red rose sakin.

"Ah? Sino nagpapabigay niyan?"

"Sorry, po Ms. Vic pero hindi ko po pwedeng sabihin"

"Ah? Ganun ba? Salamat" tumango na lang siya bago umalis. Napatingin ako sa red rose. Kanino kaya toh galing? At isa pa kailan pa ako nagkaroon ng secret admirer?

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon