Chapter 49: Sayaw

989 33 0
                                    

Zyra POV

Playlist: snoop-dogg-wiggle.
By: Jason derulo.

Unang tunog pa lang naghiyawan na ang lahat ng sabay-sabay ng mag-simulang sumayaw sila yabang.

Hindi ko maiwasang mamangha sa lambot ng katawan nila. Pero, bakit ganun? Si yabang ang nangingi-babaw sakin? Napaka-lambot ng katawan niya at ang hot niyang sumayaw.

Pinagpa-pawisan na siguro ako sa sobrang galing niya. Halos hindi ko maialis ang paningin ko sa kaniya. Hindi ko pa ito nagagawa noon! Ngayon lang! At si yabang pa talaga! Dati hindi naman ako ganito pero bakit ngayon? Argh.

Sa sobrang pagkakatitig ko kay yabang hindi ko namalayang nag-sslow motion na pala siya sa paningin ko. Wala akong ibang makita kundi siya lang. Ang kaninang napaka-ingay ngayon para akong wala marinig sa sobrang tahimik. Ang kaninang mabilis na sayaw ni yabang ngayon parang bumagal.

Napabalik ako sa sarili ng matapos na ang sayaw. Hindi man lang ako naka-reach sa sayaw nila. Wala, eh. Nag-focus ako lalo kay yabang.

"WAAAHHH, ONE MORE"

"ANG HOT NIYO. MY GOD"

"ONE MOREEEEE"

"ONE MOREEEEEEE, PLEASSSEEEE"

Sigawan ulit ng mga tao. Hindi na ako tumingin sa stage kasi pakiramdam ko nakatingin sila samin.

Nakaka-inis hindi ko man lang alam na kasali pala si yabang sa dance blish. Kaya pala kasama niya noon sila lance kasi kasali rin siya sa dance blish.

Pumasok na ulit sila yabang sa back stage kaya pumunta na naman yung maingay na mc sa gitna.

"Yes, don't worry dahil sasayaw pa sila! Oh, my, gosh hanggang dito naamoy ko ang mga precious nilang pabangon" sabay singlot-singlot ng baklang maingay na mc sa ere.

Ngumiwi na lang ako at hindi na siya pinansin dahil naasar ako sa maingay niyang boses.

"Ano pa lang oras ng laro niyo?" Tanong ko kila Wayne.

"Hmm, mamayang alas tres" tumango ako.

"Tamang-tama. Pagkatapos nito kumain muna tayo then punta na tayo sa court" sabi ni joy na sinang-ayunan nila.

Napatingin ulit kami sa stage ng ipapakilala na naman ng mc sila yabang at ngayon naka-suot na sila ng gangster na damit. Bagay na bagay pala sa kanila ang damit ng pang-gangster bakit hindi na lang ganiyan damit nila araw-araw?! (^̮^)

Pumunta na sila sa kani-kanilang pwesto ng tumugtug na naman ang music.

Playlist: Fire_Burning_The_Dance_Floor
By: Sean Kingston

Katulad kanina unang step pa lang nila naghiyawan na agad sila. Palipat-lipat na lang ang tingin ko sa kanila. Ayaw ko ng tumitig kay yabang baka mag-slow motion na naman ang nasa paligid ko.

"Ang galing-galing niyo" cheer nila zana habang sumasayaw pa rin sila yabang sa gitna.

"Oh, my, god. Ang hot mo lance ko" malambing na cheer ni kc kay lance. Well, magaling naman talaga si lance kaya hindi na ako magtataka kung bakit siya agad napasok sa DB.

"Waahhhh, go baby ko" narindi ako ng marinig ko iyon kay natasha.

Kanina pa siya ganiyan pero hindi ko siya pinapansin. Kasi baka ako pa tong sabihan nila ng papansin at ayaw kong mangyari yun kaya tumatahimik na lang ako.

Nang matapos ang sayaw mas lalong naghiyawan ang mga tao kasi isa-isang nagpakilala sila yabang kahit kilala naman na sila, tsk.

Pagkatapos bumalik na sila sa back stage ng matapos silang magpa-salamat sa mga nanood sa kanila.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now