Chapter 11: First Day

1.6K 35 1
                                    

Zyra POV

"Ikaw na naka-ubos ng chichirya ko!!!" Sigaw ko kay wayne. Nandito nga pala kami sa bahay nila Ashley. Friday kasi ngayon at wala silang pasok.

"Akin naman kasi yan! Kinuha mo lang"

"Aba! Gusto mo bang masapok?"

"Tsk" inirapan ko lang siya at nagpa-tuloy na sa pagkain.

"Ang ingay niyo naman. Hindi ko na maintindihan yung pinapanood" sita samin ni mish.

"Kaya nga tumahimik na kami, diba?"

"Meron ka ba ngayon, ah?" Tanong ni ash.

"Oo bakit. Kaya tumahimik kayo naririndi ako sa bunganga niyo" napatakip naman sila ng bunganga na kinatawa ko lang at nanood na ulit "Hayssss, naboboring na ako" sigaw ko sabay sabunot sa buhok ni wayne.

"Sa rooftop na lang tayo" aya ni deo na sinang-ayunan namin.

Ito ang tambayan namin. Ang bahay nila ashley, hahahaha. Nang maka-punta kami sa rooftop umupo agad ako sa duyan. Dito kasi ang favorite spot ko. Makikita mo kasi mula dito ang kabuoan ng village.

"Birthday mo na pala sa Sunday, ano?" Sabi ni deo kay ashley na agad tumango. Shems, oo nga pala. Mauuna nga lang si bebe ko kasi sa Saturday na ang birthday ni Xylorh. Magka-sunod lang pala sila.

Uminom ako ng tubig at pinikit ko ang mata ko. Matutulog muna ako...

"Zy, gising na" dahan-dahan kong minulat yung mata ko at bumungad ang mukha ni Wayne sakin.

"Anong oras na?"

"6:30pm na" tumango na lang ako at inayos ko na ang sarili ko bago kami bumaba. Nakita naman namin ang mga kaibigan naming nag-babayangan na.

"Akin yan!" Sigaw ni ashley habang kinukuha ang marshmallows niya kay mish at deo.

"Binigay mo na sa amin ito kaya saamin na ito" sagot ni deo.

"Tsaka, ikaw pa nagsabi na sa amin na toh" sagot din ni mish.

"Ang akala ko yung marshmallows na nasa ref ang sinasabi niyo. Hindi ko akalain na yung marshmallows ko pala sa kwarto, argh" natawa na lang kami. Ang cute niya kasi tuwing maiiyak at napipikon. Just like me, char.

Pumunta ako sa kusina at kumuha ng juice. Yeah, feel at home kami dito. Tsk, dito na nga rin kami minsan natutulog. Kumbaga ito na ang pangatlong tahanan namin. Kasi una ang totoo naming bahay. Tapos pangalawa yung school tapos ito ang pangatlo, hehe.

"Ikaw na ba yan, zyra?" Napatingin ako sa nag-salita at nakita si manang. Ngumiti ako at tumango.

"Oho, kamusta ho kayo?" Natuwa naman siya sa sinabi ko at dali niya akong nilapitan.

"Ayos naman. Pero, mukhang mas maayos ka. Tignan mo ang sarili mo kay ganda mo na ngayon lalo" napa-tikhim naman ako para pigilan ang pag-ngiti ko.

"Kayo manang bolera pa rin"

"Totoo naman kasi ang sinabi ni manang, eh. Mas lalo kang gumanda ngayon" napatingin ako sa nag-salita at nagulat ako pero agad ding napa-ngiti ng makita si ashero. Kuya ni ashley.

"Sus, bolera ka rin, eh. Ganiyan siguro ang linya mo sa mga pangchi-chicks mo.

"Oh, sige. Maiwan ko muna kayo" paalam ni manang at iniwan na nga kami.

"Hindi ah. Sayo ko lang sinasabi yan, baby" tinakpan ko nga ang mukha niya. Puro kalokohan. Yeah, isa siyang playboy. Nag-aaral siya sa ISI.

"Tigilan mo nga ako, ashero"

"Kay ganda talaga ng pangalan ko lalo na pag-ikaw ang buma-banggit" napataas yung kilay ko sa sinabi niya. "Baby, sagutin mo na kasi ako. Pangako kapag sinagot mo ako hinding-hindi mo pag-sisisihan"

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ