Chapter 25: Ulan

1K 37 0
                                    

Zyra POV

"ZYRA!!!!"

"Hahahaha, oo na. Ang yayabang niyo----"

"Pumunta ka na dito, zyratot" napa-irap ako sa sinabi ni lance.

"Magpapalit-----"

"Huwag na"

"Ano?! Nakapang-tulog na kaya ako"

"Kahit na! Pumunta ka na dito dahil nilalamig na kami!"

"Tsk, bye!" Sabay patay ko ng tawag.

Hindi ko sinunod ang sinabi ni lance bagkus pumasok ako sa kwarto ko para magbihis ng short fitted black at malaking T-shirt na kulay pink.

Pagkatapos kinuha ko lang ang cellphone, payong at susi ko bago ako umalis sa condo.

Hays, kung kailan nag-aaral yun tao, eh.

Pagkalabas ko sa condo. Napahawak agad ako sa payong ko ng makita ko ang malakas na ulan at malakas na hamog. Wahhh, ang lamig.

Dali-dali akong sumakay sa kotse ko at pinaandar iyon papuntang campus.

Sa totoo lang nanginginig ang kamay ko habang nagdri-drive. Ganitong-ganito kasi ang nangyari sakin 3 years ago.

Kaya todo dasal ako habang nagmamaneho. At nakahinga lang ako ng maluwag ng safe akong nakarating sa campus. Nag-park muna ako bago bumaba sa kotse.

Syempre, todo kapit ako sa payong na tatangayin na atah. Habang nag-lalakad ako papuntang gym. Nanginginig yung kamay ko kasi sobrang dilim tanging ilaw lang ng mga building ang nagbibigay liwanag. Ang ginaw-ginaw na din.

Nang makarating ako sa gym. Nagulat ako ng makita ko ang mga players ng sports. Hindi ko man lang namalayan na umulan pala. Eh, paano busy ako sa pagre-review.

Nang makita ko sila sa isang sulok agad akong lumapit sa kanila.

"Oh my gosh. Buti dumating ka" sabi ni zana at chineck ang kabuoan ko. "I'm glad your safe"

"Yeah, tara na. Sino muna ang uunahin ko?"

"Ako muna" sabay na sabi nina mike at jace. Tumango naman ako at sinindi ang payong.

"Hiharap niyo yang bag niyo" utos ko na ginawa naman nila. Pumunta na sila sa magkabilaang gilid ko bago kami umalis sa gym.

Nang makarating kami sa parking lot hinatid ko sila sa kotse nila.

"Thank you, zyra" sabay nilang sabi ng makasakay sila sa kaniya-kaniya nilang kotse.

"Mm, your welcome. Ingat kayo. Dahan-dahan lang din ang pagdri-drive. Madulas kasi ang daan"

"Sige, salamat" sabay nilang sabi bago umalis.

Bumalik naman ako sa gym para mag-sundo na naman.

"Who's next?" Tanong ko ng makadating. Hays, buti na lang naka-slipper lang ako ngayon.

"Kami" sabay na sabi nina lance at Taylor.

"Oh, nasaan sila jasmine at kc?"

"Umuwi na kanina pa"

"I see. Tara na ngarod" tumango naman sila bago pumunta sa magkabilaang gilid ko. "Huwag kayong magulo kung ayaw niyong ibaba ko itong payong"

"Mababasa ka kapag ginawa mo iyon" ngising sabi no taylor.

"Okay lang. Naka-pambahay naman ako, eh. Eh, kayo. Naka-uniform pa"

"Tsk"

Nang matapos ko silang mahatid. Bumalik ulit ako sa gym.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now