Chapter 26: Practice

1.1K 27 0
                                    

Zyra POV

"Oh my god, bakit kayo naliligo ng ulan?" Gulat na gulat na sabi ni zana.

"Wala. Ang sarap kaya maligo. Gusto niyo rin bang maligo? Ikaw pandak? Naka-pambahay ka naman, eh. Ayos na yan" sinamaan ko ng tingin si yabang. Ang yabang-yabang talaga.

"Ayoko nga. Dadamay niyo pa ako"

"Wala bang nanakaw sayo?" Tanong ni Xylorh. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Walang namang laman ang kotse ko. Kaya panigurado walang mananakaw diyan" Napa-ngiwi sila sa sinabi ko. "Paano? Una na kami. Ingat-ingat na lang"

Sabay sakay ko sa kotse ko. Ganun na din naman ang ginawa nila sa kaniya-kaniya nilang kotse.

Nang makadating kami ni zana sa condo agad kaming uminom ng tubig grabe, hindi ko pa rin makalimutan yung kanina. Grabe, first time kong maganun.

"Buti naman at kasama mo pa sila kundi baka--Naku talaga!!!!" Sermon sakin ni zana habang kumakain kami.

"Tsk, kaya ko naman ang MNK na yun"

"Huy, babae. Hindi ka lalaki noh"

"Whatever"

Pagkatapos naming kumain pumunta na kami sa kaniya-kaniya naming kwarto. Naligo muna ako bago ako natulog.

---

"May nanakaw ba sayo?" Ayan agad ang bungad sakin ni lance na kina-ilingan ko.

"Saan mo nakuha ang balitang yan?"

"Kay zana" tsk, yung babaeng yun talaga, hays.

"Wala namang nakuha sakin kasi wala namang laman ang kotse ko"

"Tsk, mabuti na lang" Nang dumating na si miss clown nakinig na kami sa klase niya. Pero, habang nagkla-klase kami nalulutang na ang isip ko. Nilakbay na atah pati mars.

Pagkatapos ng dalawang subject recess na. Doon lang ulit ako naka-balik sa sarili. Nakakagutom din pala mag-isip, noh? Nang makarating kami sa cafeteria. Lumapit agad kami kila kc. Doon naman kasi punta ng gagong toh eh.

"Hi, honey" sabay kiss ni lance kay kc sa pisngi. Gezz.

"Hi, nabalitaan ko nga pala yung nangyari sayo dito kagabi. Hays, you know what. I'm so worried akala ko hindi ka na makaka-uwi. But thanks to zyra kasi hinatid ka niya ng safe" napatingin sakin si kc. "Oh, nandito ka pala. Thank you nga pala for saving my boyfriend" saving talaga?

"Mm. Kapakanan ko rin naman sa kaniya yun bilang best friend niya"

"Honey, what do you want to eat?.." Hindi ko na sila pinansin bagkus kumain na lang ako.

"What the hell!!!" Sigaw ko ng bigla akong buhusan ng tubig ni natasha. Tumayo ako at tinignan siya ng masama. "Anong ginawa ko sayo?!"

"Nilalandi mo lang naman si Kaizer ko"

"Aba, kanino mo naman nalaman na nilalandi ko ang kaizer MO? Alam mo sa ngayon pa lang nakikita ko ng bagay kayo. Ugali pa lang, eh"

"Hey, you slut. Don't ever-ever say that to me and my kaizer"

"And you bitch. Don't you ever-ever call me slut. Because you one of them" cool ko lang na sabi at binuhusan siya ng juice na kinahiyaw niya pati na rin ang mga nanonood. "Kung anong gagawin mo sakin. Ibabalik ko lang rin sayo. Oh, bagay pala sayo yang juice. Haluan natin ng tubig ah? Para hindi matamis" at yun nga binuhusan ko ulit siya ng tubig na kinasigaw niya sa galit. "Nagkamali ka ng binangga" malamig na bulong ko sa kaniya bago ako umalis sa cafeteria.

Waaahhh, basa na ako. Bwiset kasing natasha na yun! Pumunta ako sa locker para kunin ang extra kong uniform. Buti na lang naglalagay ako ng extra. Nang makarating ako sa restroom. Agad akong nagpalit ng uniform. Pagkatapos bumalik na ako sa room dahil time na rin naman na.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα